• Home
  Abiva Online Resources

Yunit 2
Pakikipamuhay sa Pakikiisa


Aralin 18
Pakikitungo sa Kapuwa

Pahina 216-226; Dalawang araw
MGA LAYUNIN NG LEKSIYON AT KATUMBAS NA K–​12 KOMPETENSI
Layunin
​K–12 Kompetensi
  • Nakasasali sa isang usapan tungkol sa sariling karanasan
  • Nagagamit ang salitang kilos sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang gawain sa tahanan, paaralan, at pamayanan
  • Napag-uugnay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa kuwento     
  • Nagagamit ang panlaping makadiwa sa pandiwa
  • F2PS-IIe-h-s.1
  • F2WG-IIg-h-s
​
  • F2PB-IIh-6
MGA ESENSIYAL NA KATANUNGAN
  • Ano ang iyong ginagawa kapag napapagalitan ka ng iyong magulang?
  • Nakabubuti ba ang paglalayas sa isang batang napagalitan ng magulang? Bakit?
TEKNOLOHIYA AT MGA SANGGUNIAN
  • aklat na Wikang Sarili 2
MGA KAGAMITAN
  • lapis
  • papel
  • yeso
PAMAMARAAN
Unang Araw
Pagganyak
  1. Itanong sa mga mag-aaral: Bakit kaya nagagalit ang mga magulang sa mga anak? Paano ninyo tinatanggap ang galit ng inyong mga magulang?
  2. Pag-usapan ang mga sagot ng mga mag-aaral at iugnay ito sa kuwentong pakikinggan.
  3. Sabihin ang pamagat ng kuwento, saka itanong: Ano ang masasabi ninyo sa pamagat ng kuwento?
  4. Pasagutan ang gawain sa Palawakin sa pahina 220. Iwasto ang mga sagot.
  5. Muling ipaalala sa mga mag-aaral ang mga tuntunin sa pakikinig ng kuwento.
Paglinang 
  1. Basahin ang kuwento gamit ang estratehiyang makahihikayat sa pakikinig ng mga mag-aaral.
  2. Pasagutan ang mga tanong sa Talakayin sa mga pahina 220 at 221.
  3. Pangkatin ang klase para isagawa ang sumusunod:
    a. Una at ikalawang pangkat – Isagawa ang mga gawain A at B sa Palalimin sa mga pahina 221 at 222. Ipaliwanag sa klase ang mga sagot.
    b. Ikatlo at ikaapat na pangkat – Magtala ng mga dapat at hindi dapat gawin kapag napapagalitan. Ipaliwanag sa klase ang bawat isang itinala.
  4. Hayaang iulat ng bawat pangkat ang kanilang napag-usapan. Magbigay ng komento tungkol sa mga iniulat ng bawat pangkat.
Paglalagom
  1. Itanong: Anong aral ang nais ipaabot ng may-akda ng kuwentong “Saan Kayo Pupunta? Ano ang maaaring mangyari kapag naglayas ang isang batang napagalitan ng magulang?
  2. Lagumin ang aralin batay sa sagot ng mga mag-aaral.
Ikalawang Araw
Pagbabalik-aral
  1. Itanong: Kapag kayo ay napapagalitan dahil sa mga pagkakamali ninyo, ano ang dapat ninyong gawin?
  2. Magbalik-aral tungkol sa kuwentong tinalakay noong nakaraang pagkikita. Itanong: Ano-ano ang ginagawa ng mga tauhan sa kuwento? Isulat sa pisara ang mga sagot ng mga mag-aaral.
Pag-uugnay
  1. Talakayin ang panlaping makadiwa ng pandiwa ayon sa nakasaad sa Alamin sa pahina 222. Gamitin ang mga pandiwang nakatala sa pisara bilang halimbawa.
  2. Tumawag ng mga mag-aaral upang magbigay ng sariling halimbawa. Ipagamit ang mga ito sa pangungusap.
  3. Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga gawain sa Kaya Mo Ito, Gawin Mo, at Magsanay Pa sa mga pahina 223 at 224.
  4. Iwasto ang mga sagot ng mga mag-aaral upang matiyak kung naunawaan nga nila ang paksa. Kung marami pa rin ang hindi nakauunawa, muling ipaliwanag ang paksang aralin.
Paglalagom 
  1. Hayaang ang mga mag-aaral ang magbigay ng paglalahat sa pamamagitan ng mga pamatnubay na tanong.
  2. Ibigay bilang takdang-gawain ang Gamitin sa pahina 226.
Back
Yunit 2
Next Lesson
Abiva Building., 851 G. Araneta Avenue, 1113 Quezon CIty, Philippines

TEL. (632) 8712 - 0245 to 49 / 8740 - 6603 | Fax: (632) 8712 - 0486 | E-MAIL wecare@abiva.com.ph

​COPYRIGHT 2022 ABIVA PUBLISHING HOUSE INC. ALL RIGHTS RESERVED.
© COPYRIGHT 2022. ALL RIGHTS RESERVED.
  • Home