Yunit 2
Pakikipamuhay sa Pakikiisa
Aralin 17
Mga Taong Nagpahalaga
Pahina 203-215; Dalawang araw
MGA LAYUNIN NG LEKSIYON AT KATUMBAS NA K–12 KOMPETENSI
Layunin
|
K–12 Kompetensi
|
|
|
MGA ESENSIYAL NA KATANUNGAN
- Sino ang pinakamahalagang tao sa buhay ninyo? Bakit?
- Ano ang napapansin ninyo sa mga bata na malayo sa kanilang magulang na nagtatrabaho sa ibang bansa?
TEKNOLOHIYA AT MGA SANGGUNIAN
- aklat na Wikang Sarili 2
MGA KAGAMITAN
- larawan ng mag-ama
- halimbawa ng Venn diagram
PAMAMARAAN
Unang Araw
Pagganyak
- Patingnan sa mga mag-aaral ang larawan sa Simulan sa pahina 203 ng batayang aklat. Ipasagot ang mga tanong na kasunod ng larawan at magkaroon ng maikling talakayan sa kanilang mga sagot.
- Sabihin sa mga mag-aaral na magbabasa sila ng kuwento na may pamagat na “Alas-Sais Ng Hapon.” Itanong sa kanila kung ano ang ibig sabihin ng alas-sais ng hapon.
- Bago ipabasa ang kuwento ay pasagutan muna ang gawain sa Palawakin sa pahina 209.
- Muling ipaalaala ang mga tuntunin sa pagbasa nang tahimik.
Paglinang
- Itanong: Sino sa inyo ang may magulang na nasa ibang bansa para magtrabaho?
- Iugnay ang sagot ng mga mag-aaral sa babasahing kuwento.
- Ipabasa nang tahimik ang kuwento.
- Pagkatapos ng pagbasa, pasagutan sa mga mag-aaral ang mga tanong sa Talakayin sa mga pahina 209 at 210.
- Iproseso ang sagot ng mga mag-aaral. Bigyang-diin ang aral na matututuhan mula sa kuwento.
- Ipagawa ang gawain A sa Palalimin sa pahina 210.
C. Paglalagom
1. Hatiin ang klase sa apat na pangkat at ipagawa ang sumusunod na pangkatang gawain kaugnay ng babasahing kuwento
a. Unang pangkat – Tukuyin ang mga tauhan, tagpuan, at banghay ng napakinggang kuwento.
b. Ikalawang pangkat – Isagawa ang gawain B sa Palalimin sa pahina 211.
c. Ikatlong pangkat – Magbigay ng reaksiyon tungkol sa napakinggang kwento.
d. Ikaapat na pangkat – Iguhit ang bahagi ng kuwento na pinakagusto ninyo. Ipaliwang kung bakit ang bahaging ito ang nagustuhan ninyo.
2. Ipaulat sa bawat pangkat ang kanilang gawa sa harap ng klase. Magbigay ng komento tungkol sa ginawa ng mga mag-aaral.
3. Bilang takdang-gawain, pagawin ang mga mag-aaral ng Venn diagram. Ibigay ang sumusunod na panuto:

a. Isulat sa kanang bilog ang mga katangian ng iyong ama.
b. Isulat naman sa kaliwang bilog ang katangian ng ama sa kuwentong “Alas-Sais ng Hapon.”
c. Isulat sa gitna ang mga katangiang taglay ng iyong ama at ng ama sa kuwento.
b. Isulat naman sa kaliwang bilog ang katangian ng ama sa kuwentong “Alas-Sais ng Hapon.”
c. Isulat sa gitna ang mga katangiang taglay ng iyong ama at ng ama sa kuwento.
Ikalawang Araw
Pagbabalik-aral
- Balikan ang kuwentong binasa noong nakaraang pagkikita. Itanong sa mga mag-aaral kung anong aral ang natutuhan nila mula sa kuwento.
- Itsek ang takdang-gawain. Tumawag ng isang mag-aaral upang idikit sa pisara ang kaniyang ginawang Venn diagram.
- Ipaisa-isa ang mga katangian ng ama ng mag-aaral at ng ama sa kuwento. Ipalahad din ang mga magkatulad na katangian ng dalawang ama.
- Itanong sa klase kung ano-ano ang ginagawa ng mga ama na nasa ibang bansa at ng mga ama na nasa Pilipinas.
Pag-uugnay
- Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga pangungusap sa Alamin sa mga pahina 211 at 212.
- Tukuyin ang salitang kilos sa bawat pangungusap. Ipaliwang kung ano ang pandiwa.
- Pagkatapos ng talakayan, ipasagot sa mga mag-aaral ang mga gawain sa Kaya Mo Ito at Gawin Mo sa mga pahina 212 at 213.
- Iwasto ang mga sagot ng mga mag-aaral. Ipaliwanag ang tama at mali sa kanilang sagot upang maunawaan nila nang lubos ang pandiwa.
Paglalagom
- Itanong sa mga mag-aaral: Ano ang pandiwa? Paano malalaman na pandiwa ang isang salita?
- Ipasagot ang gawain sa Magsanay Pa sa mga pahina 213 at 214.
- Iwasto ang mga sagot ng mga mag-aaral. Magdagdag pa ng paliwanag at mga halimbawa kung marami pa sa mga mag-aaral ang hindi pa rin lubos na nakauunawa sa paksa.
- Ibigay bilang takdang-gawain ang mga pagsasanay sa Pagsulat at Pagbaybay at Gamitin sa mga pahina 214 at 215.