• Home
  Abiva Online Resources

Yunit 2
Pakikipamuhay sa Pakikiisa


Aralin 16
Mahalaga ang Kalusugan

Pahina 188-202; Dalawang araw
MGA LAYUNIN NG LEKSIYON AT KATUMBAS NA K–​12 KOMPETENSI
Layunin
​K–12 Kompetensi
  • Naiuulat ang mga naobserbahang pangyayari sa pamayanan  
  • Nasasabi ang paksa o tema ng binasang teksto          
  • Nakagagamit ng story grammar upang malaman ang mga elemento ng isang kuwento
  • Nagagamit ang pictograph sa paghahambing at pagpapakita ng sukat
  • F2PS-IF-3.1
  • F2PB-Iif-10
MGA ESENSIYAL NA KATANUNGAN
  • Gaano kahalaga ang kalusugan sa isang batang katulad mo?
  • Ano-ano ang dapat mong kainin upang maging malusog at upang magampanan mo ang mga gawain sa araw-araw?
TEKNOLOHIYA AT MGA SANGGUNIAN
  • aklat na Wikang Sarili 2
MGA KAGAMITAN
  • mga larawan ng prutas at gulay
  • halimbawa ng pictograph
PAMAMARAAN
Unang Araw
Pagganyak
  1. ​Ipabasa sa mga mag-aaral ang talata sa Simulan sa pahina 189. Iugnay ito sa pakikinggang kuwento.
  2. Ibigay ang pamagat ng kuwentong pakikinggan ng mga mag-aaral. Itanong sa kanila kung ano ang nais nilang malaman tungkol sa kuwento. Isulat sa pisara ang mga katanungang ibibigay nila.
  3. Ipagawa ang gawain sa Palawakin sa pahina 190 upang mahasa ang talasalitaan ng mga mag-aaral.
  4. Muling ipaalaala ang mga tuntunin sa pakikinig ng kuwento.
Paglinang 
  1. Basahin ang kuwentong “Nag-alala ang Lahat” sa mga pahina 188 hanggang 191. Gumamit ng estratehiya sa pagkukuwento na makahihikayat sa mga mag-aaral na makinig.
  2. Talakayin ang kuwento sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong sa Talakayin sa pahina 192. Sagutan din ang mga tanong na isinulat sa pisara.
  3. Bigyang-diin ang aral na makukuha mula sa kuwento. Hikayatin ang mga mag-aaral na magbahagi ng opinyon o karanasan kaugnay ng kuwentong napakinggan.
C. Paglalagom
  1. Hatiin ang klase sa apat na pangkat at ipagawa ang sumusunod:
    a. Unang pangkat - Gamitin ang story grammar sa Palalimin sa pahina 193 upang tukuyin ang mga elemento ng kuwentong napakinggan.
    b. Ikalawang pangkat – Muling ikuwento sa klase ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwentong napakinggan.
    c. Ikatlong pangkat – Sumulat ng maikling kuwento tungkol sa inyong karanasan kapag kayo ay nagkakasakit.
    d. Ikaapat na pangkat – Isadula ang bahagi ng kuwento na pinakaibig ninyo. Ipaliwanag sa klase kung bakit ang bahaging iyon ang inyong napili.
  2. Ipaulat sa klase ang ginawa ng bawat pangkat. Magbigay ng komento tungkol sa ginawa ng mga mag-aaral.
  3. Ibigay ang sumusunod na panuto para sa takdang-gawain: Magbigay ng reaksiyon tungkol sa mga pagkaing niluluto at inihahain ng iyong nanay. Isulat ito sa iyong notebook.
Ikalawang Araw
Balik-aral
  1. Magbalik-aral tungkol sa tinalakay noong nakaraang pagkikita. Ipagawa ang mga gawain sa Pagsulat at Pagbaybay at sa Gamitin sa mga pahina 201 at 202.
  2. Tumawag ng mga mag-aaral para basahin ang kanilang ginawang takdang-aralin sa harap ng klase.
Pag-uugnay
  1. Ipakita sa mga mag-aaral ang mga larawan sa mga pahina 194, 196, at 200. Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang napansin nila sa mga larawan.
  2. Ipakilala ang pictograph. Ipaliwanag kung kailan at paano ito ginagamit.
  3. Matapos ang talakayan ay pasagutan sa mga mag-aaral ang tanong kaugnay ng pictograph sa mga pahina 194 at 195.
  4. Kapag naipaliwanag na nang maayos ang aralin ay pasagutan naman ang gawain sa Kaya Mo Ito sa mga pahina 196 at 197.
  5. Talakayin ang mga sagot ng mga mag-aaral upang mas maging malinaw ang pagkaunawa nila sa paksa.
C. Paglalagom 
  1. Ipagawa ang gawain sa Gawin Mo sa mga pahina 197 hanggang 199. Ipasagot ang mga tanong pagkatapos ng gawain. Iwasto ang mga sagot ng mga mag-aaral.
  2. Lagumin ang aralin sa pamamagitan ng pagbasa sa nakasaad sa Tandaan sa pahina 195.
  3. Ibigay bilang takdang-gawain ang gawain sa Magsanay Pa sa mga pahina 200 at 201. 
Back
Yunit 2
Next
Abiva Building., 851 G. Araneta Avenue, 1113 Quezon CIty, Philippines

TEL. (632) 8712 - 0245 to 49 / 8740 - 6603 | Fax: (632) 8712 - 0486 | E-MAIL wecare@abiva.com.ph

​COPYRIGHT 2022 ABIVA PUBLISHING HOUSE INC. ALL RIGHTS RESERVED.
© COPYRIGHT 2022. ALL RIGHTS RESERVED.
  • Home