• Home
  • Contact
  • FAQs
  Abiva Online Resources

Yunit 2
Pakikipamuhay sa Pakikiisa


Aralin 19
Sama-Samang Paglago

Pahina 227-239; Dalawang araw
MGA LAYUNIN NG LEKSIYON AT KATUMBAS NA K–​12 KOMPETENSI
Layunin
​K–12 Kompetensi
  • Nahuhulaan ang susunod na pangyayari sa kuwento
  • Nabibigyang-kahulugan ang mga salita sa pamamagitan ng pagbibigay ng kasingkahulugan nito
  • Natutukoy ang suliranin sa nabasang teksto
  • Nababaybay nang wasto ang mga salitang may tatlo o apat na pantig  
  • F2PN-II-9
  • F2PT-IIa-j-1.6

  • F2PB-II-i-7
  • F2PY-IIg-i-2.2
MGA ESENSIYAL NA KATANUNGAN
  • Nasubukan mo na bang magpaubaya para sa kapakanan ng iba? Bakit mo ito ginawa?
TEKNOLOHIYA AT MGA SANGGUNIAN
  • aklat na Wikang Sarili 2
MGA KAGAMITAN
  • larawan ng akasya
  • papel
  • lapis
PAMAMARAAN
Unang Araw
Pagganyak
  1. Ipakita ang larawan ng puno ng akasya. Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga tanong sa Simulan sa pahina 227 ng batayang aklat.
  2. Talakayin ang mga nagagawa o naibibigay ng mga puno sa mga tao at hayop.
Paglinang 
  1. Sabihin sa mga mag-aaral ang pamagat ng babasahing kuwento at itanong kung ano ang nais nilang malaman tungkol dito.
  2. Bago ipabasa ang kuwento, pasagutan muna ang gawain sa Palawakin sa pahina 230. Iwasto ang mga sagot.
  3. Muling ipaalala sa mga mag-aaral ang mga tuntunin sa pagbabasa nang tahimik.
  4. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbasa ng kuwento.
  5. Pag-usapan ang kuwento sa pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan sa Talakayin sa pahina 231.
  6. Pangkatin ang klase at ipagawa ang sumusunod:
    a. Unang pangkat – Gawin ang pagsasanay A sa Palalimin sa pahina 232.
    b. Ikalawang pangkat – Sagutin ang tanong: Ano ang maaaring mangyari kung hindi pumayag si Akasya na ipaputol ang kaniyang mga sanga?
    c. Ikatlong pangkat - Ipaliwanag ang kahulugan ng sinabi ng hardinero kay Akasya.
    “Maputol man ang iyong mga sanga, ikaw pa rin iyan. Mabubuhay ka pa rin. Walang mawawala, bagkus may ibang magkakaroon-ang pagkakataong lumago gaya mo.”
    d. Ikaapat na pangkat – Ipaliwanag kung saan maitutulad ang sinabi ng hardinero kay Akasya.
  7. Tawagin ang bawat pangkat upang iulat sa klase ang kanilang ginawa. Magbigay ng komento sa iniulat ng mga mag-aaral.
Paglalagom
  1. Itanong: Anong aral ang natutuhan mo mula sa kuwento?
  2. Ibigay bilang takdang-gawain ang pagsasanay sa Gamitin sa pahina 239.
Ikalawang Araw
Balik-aral
  1. Balikan ang kuwentong binasa noong nakaraang pagkikita. Itanong sa mga mag-aaral kung anong mensahe ang nais ipaabot sa kanila ng kuwento.
  2. Pasagutan ang gawain B sa Palalimin sa mga pahina 232 at 233.
Pag-uugnay
  1. Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga pangungusap sa Alamin pahina 234. Tukuyin ang panlaping idinagdag sa salitang kilos sa bawat pangungusap.
  2. Ipaliwang kung ano ang mga aspekto ng pandiwa. Gamitin ang mga salita sa naunang gawain bilang halimbawa.
  3. Tumawag ng mga mag-aaral upang magbigay ng iba pang halimbawa ng pandiwa sa iba’t ibang aspekto. Ipagamit ang mga ito sa pangungusap.
  4. Pagkatapos ng talakayan, ipasagot sa mga mag-aaral ang mga gawain sa Kaya Mo Ito at Gawin Mo sa mga pahina 234 at 235.
  5. Iwasto ang mga sagot ng mga mag-aaral. Ipaliwanag ang tama at mali sa kanilang sagot upang maunawaan nila nang lubos ang paksa.
Paglalagom 
  1. Itanong sa mga mag-aaral: Ano-ano ang iba’t ibang aspekto ng pandiwa? Paano malalaman ang aspekto ng isang pandiwa?
  2. Ipasagot ang gawain sa Magsanay Pa sa pahina 236.
  3. Iwasto ang mga sagot ng mga mag-aaral. Magdagdag pa ng paliwanag at mga halimbawa kung marami pa sa mga mag-aaral ang hindi pa rin lubos na nakauunawa sa paksa.
Back
Yunit 2
Next
Abiva Building., 851 G. Araneta Avenue, 1113 Quezon CIty, Philippines

TEL. (632) 8712 - 0245 to 49 / 8740 - 6603 | Fax: (632) 8712 - 0486 | E-MAIL wecare@abiva.com.ph

​COPYRIGHT 2015 ABIVA PUBLISHING HOUSE INC. ALL RIGHTS RESERVED.
© COPYRIGHT 2015. ALL RIGHTS RESERVED.
  • Home
  • Contact
  • FAQs