• Home
  • Contact
  • FAQs
  Abiva Online Resources

Yunit 2
Pakikipamuhay sa Pakikiisa


Aralin 20
Masarap Mabuhay

Pahina 240-248; Dalawang araw
MGA LAYUNIN NG LEKSIYON AT KATUMBAS NA K–​12 KOMPETENSI
Layunin
​K–12 Kompetensi
  • Nasasabi ang paraan, panahon, at lugar ng pagsasagawa ng kilos o gawain sa tahanan, paaralan, at pamayanan
  • Nasasagot ang mga tanong na ano, sino, saan, kalian, bakit, at paano
  • Nakasusulat nang may wastong baybay, bantas, at gamit ng malaki at maliit na letra upang maipahayag ang ideya, damdamin, o relasyon sa isang paksa o isyu
  • F2KP-Iij-6
​
  • F2KM-IIg.j.3
MGA ESENSIYAL NA KATANUNGAN
  • Paano mo masasabi na masarap mabuhay?
  • Ano ang ginagawa ninyo upang makapagbigay ng kasiyahan sa mga taong nakapaligid sa inyo?
TEKNOLOHIYA AT MGA SANGGUNIAN
  • aklat na Wikang Sarili 2
MGA KAGAMITAN
  • saranggola
  • larawan ng mga batang naglalaro ng saranggola
PAMAMARAAN
Unang Araw
Pagganyak
  1. Pasagutan sa mga mag-aaral ang tanong sa Simulan sa pahina 240 ng batayang aklat. Tumawag ng mga mag-aaral upang ibahagi sa klase ang kanilang sagot.
  2. Ipakita ang saranggola o ang larawan ng batang nagpapalipad nito. Itanong: Sino sa inyo ang nakapagpalipad na ng saranggola? Sabihin sa kanila na ang babasahing kuwento ay may kaugnayan sa saranggola. 
Paglinang 
  1. Ipabasa ang pamagat ng kuwento sa pahina 240 at itanong sa mga mag-aaral kung ano ang nais nilang malaman tungkol dito. Isulat ang kanilang mga tanong sa pisara.
  2. Pasagutan ang gawain sa Palawakin sa pahina 243. Iwasto ang mga sagot.
  3. Magsagawa ng masining na pagkukuwento ng “Bakit Ka Lumilipad, Gora Saranggola?”
  4. Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga tanong sa Talakayin sa pahina 244. Sagutin din ang mga tanong na isinulat sa pisara.
  5. Tumawag ng mag-aaral na magbibigay ng buod ng kuwentong napakinggan. Itanong sa kanila kung anong aral natutuhan nila sa kuwento.
Paglalagom
  1. Pangkatin ang klase at ipagawa ang sumusunod:
    a. Unang pangkat – Sagutin ang tanong: Kung ikaw si Pepito, gagawin mo rin ba ang ginawa niya? Bakit?
    b. Ikalawang pangkat – Gumawa ng maikling kuwento na may katulad na paksa sa kuwentong napakinggan.
    c. Ikatlong pangkat – Gumawa ng mga tanong tungkol sa kuwentong napakinggan.
    ​d. Ikaapat na pangkat - Sumulat ng isang talata tungkol sa mensahe o aral na nais ipabatid ng kuwento.
  2. Hayaang iulat ng bawat pangkat ang kanilang ginawa. Magbigay ng komento tungkol sa mga iniulat ng mga mag-aaral.
Ikalawang Araw
Balik-aral
  1. Itanong sa mga mag-aaral: Ano ang pamagat ng kuwentong napakinggan ninyo noong nakaraang pagkikita? Anong aral ang natutuhan ninyo mula rito?
  2. Magdagdag ng iba pang tanong kaugnay ng kuwento. Gabayan ang mga mag-aaral upang makabanggit sila ng mga pang-abay sa kanilang mga sagot. Isulat ang mga masasabi nilang pang-abay sa pisara. 
Pag-uugnay
  1. Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga pangungusap sa Alamin sa pahina 245. Ipasuri ang mga salitang may salungguhit.
  2. Ipakilala ang pang-abay. Talakayin ang mga pang-abay na pamanahon, panlunan, at pamaraan.
  3. Magbigay ng maraming halimbawa upang mas maunawaan ng mga mag-aaral ang paksa. Gamitin din ang mga pang-abay na nakasulat sa pisara bilang halimbawa.
  4. Pagkatapos ng pagtalakay, pasagutan sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa Kaya Mo Ito, Gawin Mo, at Magsanay Pa sa mga pahina 246 at 247.
  5. Iwasto ang mga sagot ng mga mag-aaral. Magdagdag ng paliwanag, kung kinakailangan.
Paglalagom 
  1. Pangkatin ang klase sa tatlo at ipagawa ang sumusunod:
    a. Unang pangkat – Gumawa ng diyalogo gamit ang mga pang-abay na pamanahon.
    b. Ikalawang pangkat – Sumulat ng talata tungkol sa isang gawain gamit ang mga pang-abay na pamaraan.
    c. Ikatlong pangkat – Sumulat ng talata tungkol sa mga lugar na napuntahan ninyo sa maghapon sa loob ng paaralan.
  2. Ipabasa sa harap ng klase ang ginawa ng bawat pangkat. Magbigay ng komento tungkol sa ginawa ng mga mag-aaral.
  3. Bilang paglalagom ng aralin, ipagawa ang Gamitin sa pahina 248. 
Back
Yunit 2
Abiva Building., 851 G. Araneta Avenue, 1113 Quezon CIty, Philippines

TEL. (632) 8712 - 0245 to 49 / 8740 - 6603 | Fax: (632) 8712 - 0486 | E-MAIL wecare@abiva.com.ph

​COPYRIGHT 2015 ABIVA PUBLISHING HOUSE INC. ALL RIGHTS RESERVED.
© COPYRIGHT 2015. ALL RIGHTS RESERVED.
  • Home
  • Contact
  • FAQs