Aralin 8
Ang Halaga ng Kababaang-loob
Paksang Aralin
Panitikan: "Ang Palaka sa Mababaw na Balon" (Pabula mula sa Tsina)
Gramatika: Iba’t Ibang Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Damdamin
Gramatika: Iba’t Ibang Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Damdamin
Layunin
- Nabibigyang-puna ang kabisaan ng paggamit ng mga hayop bilang mga tauhan sa akda
- Nakatatamo ng kasiyahan sa panonood ng pagtatanghal kaugnay ng pabula
- Nakagagamit ng iba’t ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin
Kagamitan
- batayang aklat na Bulwagan 9 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 99–109
- larawan ng iba’t ibang pabalat ng aklat ng pabula
- recording o video ng awit na "Let It Go"
Bilang ng Sesyon: 4 (isang oras sa bawat sesyon)
Mahahalagang Tanong
- Mabisa ba ang paggamit ng mga hayop bilang mga tauhan sa isang akda? Bakit?
- Ano-anong ekspresyon ang angkop gamitin sa pagpapahayag ng damdamin?
Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
- Ipakita ang iba’t ibang pabalat ng mga aklat ng pabula. Itanong sa mga estudyante kung nabasa na nila ang mga aklat na ito. Itanong din ang kanilang naging damdamin sa pagbasa ng mga gayong kuwento.
- Pasagutan sa mga estudyante ang krosword at ang dalawang tanong na kaugnay nito sa panimulang gawain sa pahina 100 ng batayang aklat.
- Magsagawa ng Think-Pair-Square para sa pagbabahaginan ng sagot. Pagkatapos, pumili ng kinatawan sa bawat pangkat upang ibahagi ang kanilang sagot sa klase.
Pagpapayaman ng Talasalitaan
Ipasagot ang gawain sa Talasik sa mga pahina 102 at 103 tungkol pag-aantas ng mga salita.
Pagsusuri at Pagtalakay
- Ipabasa nang tahimik ang pabulang "Ang Palaka sa Mababaw na Balon" sa pahina 101.
- Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang pabula. Gawing gabay ang mga tanong sa Muling Pag-isipan sa pahina 103. Idagdag sa talakayan ang sumusunod na mga tanong:
a. May nabasa ka bang pabula na hawig sa "Ang Palaka sa Mababaw na Balon"? Paano ito nagkahawig?
b. May katotohanan ba sa alinmang bahagi ng pabula? Patunayan.
Pagsasanay
- Ipagawa sa mga estudyante ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa pahina 104. Maaaring ibigay ang ibang bahagi ng mga gawain, gaya ng pagsasaliksik, bilang takdang-gawain. Ipalahad sa klase ang mga detalye ng kanilang masasaliksik na mga pabula sa gawain A.
- Suriin ang ginawa ng mga estudyante sa gawain B batay sa sumusunod na checklist.
______ Malikhain ang muling pagkakasulat ng nasaliksik na pabula.
______ Walang mali sa gramatika at/o baybay.
______ Gumamit ng iba’t ibang pangungusap sa muling pagsulat ng pabula.
______ Nabago ang karakter ng isang tauhan nito:
____ pisikal
____ emosyonal
____ intelektuwal - Sa pagtatanghal sa gawain C, hikayatin ang mga tagapakinig na suriin ang ginawang pagtatanghal ng kanilang kamag-aaral. Magbigay rin ng sariling komento sa ipinakita ng mga estudyante.
Paglalahat
- Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung anong mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.
- Lagumin ang aralin batay sa sagot ng mga estudyante at ayon sa mga layuning pampanitikan ng aralin.
Takdang-aralin
Ipabasa ang artikulo at aralin sa Pagsusuring Panggramatika sa mga pahina 105 at 106.
Integrasyon sa Gramatika
Pagbabalik-aral at Pagganyak
- Iparinig sa klase ang awit na "Let It Go" mula sa pelikulang Frozen. Maaaring makita ang video nito sa www.youtube.com/watch?v=moSFlvxnbgk o ibang katulad na sanggunian.
- Pag-usapan sa klase ang mensahe ng awit at iugnay ito sa tatalakaying aralin.
Pagsusuri at Pagtalakay
- Ipabasa nang tahimik ang artikulo sa Alamin Natin sa pahina 105. Pagkatapos, magkaroon ng pagpapalitan ng kuro-kuro gamit ang mga tanong na kasunod nito.
- Talakayin ang iba’t ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin ayon sa nakasaad sa Talakayin Natin sa pahina 106. Ipaisa-isa sa mga estudyante ang mga salitang kaugnay ng paksa.
- Hayaan din silang magbigay ng sariling pangungusap gamit ang mga salita sa pagpapahayag ng damdamin.
Pagsasanay at Paglalahat
- Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa mga pahina 107 hanggang 109. Pag-usapan ang kanilang mga sagot sa mga gawain A at B.
- Gamitin ang sumusunod na pamantayan sa pagmamarka ng talata na susulatin nila sa gawain C.
Pagbubuod
- Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa mga pahina 109 at 110.
- Tumawag ng mga estudyante upang ibahagi ang kanilang mga sagot at upang lagumin ang mga natutuhan sa klase.
Takdang-aralin
- Ipabasa ang sanaysay na "Kagandahan: Sa Pamamaraang Koreano" sa mga pahina 112 hanggang 117.
- Ipasaliksik sa mga estudyante ang kultura sa Korea. Sabihin din na magsaliksik sila tungkol sa K-Pop at sa impluwensiya nito sa mga kabataang Pilipino. Ipasulat ang kanilang saloobin tungkol dito gamit ang iba’t ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin.
Karagdagang Pagsasanay
Gumawa ng diyalogo na gumagamit ng iba’t ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin. Narito ang
ilang halimbawang sitwasyon para sa bubuuing diyalogo.
ilang halimbawang sitwasyon para sa bubuuing diyalogo.
- Pagtatagumpay ng mga tinedyer sa iba’t ibang larangan
- Pakikisangkot ng mga tinedyer sa mga gawain sa komunidad
- Paglilingkod sa simbahan ng mga tinedyer