Aralin 7
Inspirasyon Mula sa Kalikasan
Paksang Aralin
Panitikan: Haiku at Tanka: Mga Natatanging Tula Mula sa Bansang Hapon
Gramatika: Suprasegmental: Gabay sa Mabisang Pakikipagtalastasan
Gramatika: Suprasegmental: Gabay sa Mabisang Pakikipagtalastasan
Layunin
- Natutukoy ang pagkakaiba at pagkakatulad ng haiku at tanka
- Nakapagsasaliksik ng kultura ng mga Hapones at kulturang nakapaloob sa haiku at tanka
- Nakikinig nang mabuti at may layuning matukoy ang damdaming nakapaloob sa mga salita at/o mensaheng narinig
- Nakasusulat ng haiku, tanka, at maikling iskrip
Kagamitan
- batayang aklat na Bulwagan 9 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 90–98
- recording o video ng sumusunod na mga awit:
- "Masdan Mo ang Kapaligiran" ng Asin
- "Magkaugnay" ni Joey Ayala
- "Awit para sa Kalikasan (Awit ng Maralita)" ni Christine Joy Razon
Bilang ng Sesyon: 4 (isang oras sa bawat sesyon)
Mahahalagang Tanong
- Masasalamin ba sa mga tula ng isang bansa ang kultura nito?
- Paano nababago ng pagtaas o pagbaba ng tinig ang mensaheng nais ipaabot sa tagapakinig?
Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
- Iparinig sa mga estudyante ang alinman sa sumusunod na mga awitin tungkol sa kalikasan mula sa YouTube o ibang katulad na sanggunian.
- "Anak ng Pasig" ni Geneva Cruz mula sa www.youtube.com/watch?v=vgZ8yDYjDYA
- "Masdan Mo ang Kapaligiran" ng Asin mula sa www.youtube.com/watch?v=wINpYbATXjM
- "Magkaugnay" ni Joey Ayala mula sa www.youtube.com/watch?v=_y_nQheGGXg
- "Awit para sa Kalikasan (Awit ng Maralita)" ni Christine Joy Razon mula sa www.youtube.com/watch?v=oLQo1DnWRms - Mas mabuti kung mabibigyan o maipakikita sa mga estudyante ang liriko ng awit. Sabihin sa kanila na habang pinakikinggan ang awit, suriin nila ang nilalaman nito at tukuyin kung saan hinango ng may-akda ang paksa nito.
- Pag-usapan sa klase ang kanilang pagsusuri at tukuyin kung saan hinango ang paksa ng awit.
- Ipasagot sa mga estudyante ang mga tanong sa panimulang gawain ng Pagsusuring Pampanitikan sa pahina 91 ng batayang aklat.
Pagpapayaman ng Talasalitaan
- Ipagawa ang nakasaad sa Talasik sa pahina 93 tungkol sa pagpapaliwanag ng matatalinghagang pahayag.
- Magkaroon ng pagpapalitan ng kuro-kuro tungkol sa mga paliwanag na ibinigay ng mga estudyante at ipabahagi ang kanilang naging batayan sa pagbibigay ng gayong paliwanag.
Pagsusuri at Pagtalakay
- Ipabasa nang tahimik ang sanaysay na "Haiku at Tanka: Mga Natatanging Tula Mula sa Bansang Hapon" sa mga pahina 91 hanggang 93.
- Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasa. Gawing gabay ang mga tanong sa Muling Pag-isipan sa pahina 93.
Pagsasanay
- Ipagawa ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa pahina 94. Para sa gawain A, gamitin ang sumusunod na pamantayan sa pagmamarka ng haiku o tanka na kanilang isusulat.
2. Gamitin ang sumusunod na pamantayan sa pagmamarka ng leaflet na gagawin ng mga estudyante sa gawain B.
3. Markahan ang maikling iskrip at pagsasadula ng mga estudyante sa gawain C gamit ang sumusunod na pamantayan.
Paglalahat
- Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung anong mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.
- Lagumin ang aralin batay sa sagot ng mga estudyante at ayon sa mga layuning pampanitikan ng aralin.
Takdang-aralin
Ipabasa ang artikulo at aralin sa Pagsusuring Panggramatika sa mga pahina 94 hanggang 97.
Integrasyon sa Gramatika
Pagbabalik-aral at Pagganyak
- Ipabasa sa mga estudyante ang mga piling haiku at tanka na nasaliksik nila sa gawain B sa Masusing Gampanan. Hikayatin ang mga nakikinig na magbigay ng komento sa mga napakinggang haiku at tanka.
- Magbalik-aral tungkol sa mga tinalakay noong nakaraang pagkikita at iugnay ito sa aralin.
Pagsusuri at Pagtalakay
- Ipabasa nang tahimik ang artikulo sa Alamin Natin sa pahina 94. Pagkatapos, magkaroon ng pagpapalitan ng kuro-kuro gamit ang mga tanong sa pahina 95.
- Talakayin ang tungkol sa wastong paggamit ng mga ponemang suprasegmental sa pagbigkas o pagsasalita ayon sa nakasaad sa Talakayin Natin sa mga pahina 95 hanggang 97. Hayaan ang mga estudyante na magbigay ng iba't ibang halimbawa tungkol sa paksa.
Pagsasanay at Paglalahat
- Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa mga pahina 97 at 98. Talakayin ang mga tamang sagot sa mga gawain A at B.
- Para sa gawain C, pumili ng mga estudyante na magbabasa ng kanilang isinulat na tula sa gawain A sa Masusing Gampanan. Gabayan sila sa wastong paggamit ng mga ponemang suprasegmental sa kanilang pagbigkas.
Pagbubuod
- Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa pahina 98.
- Tumawag ng mga estudyante upang bigkasin ang kanilang isinulat na haiku at tanka at upang lagumin ang mga natutuhan nila sa klase.
Takdang-aralin
- Ipabasa ang kuwentong "Ang Palaka sa Mababaw na Balon" sa pahina 101.
- Sabihin sa mga estudyante na magsaliksik tungkol sa kahulugan at katangian ng pabula.
Karagdagang Pagsasanay
Manood mula sa Youtube ng spoken words ni Juan Miguel Severo. Suriin ang paraan ng kaniyang pagbigkas.