Wikang Sarili 6
Susi sa Pagwawasto
- talaarawan
- sekreto
- nag-aalala
- birthday
- importante
- Nakatangggap siya ng talaarawan o diary sa kaniyang ika-11 na kaarawan.
- Mahalaga ito sa kaniya dahil dito niya naisusulat ang mga masasaya at nakalulungkot niyang karanasan.
- Isinulat niya na napapansin niya na di masigla ang kaniyang ina at parang may karamdaman.
- Napansin ni Alyssa na matamlay ang kaniyang ina at minsa’y sumusuka.
- Nahihilo ang kaniyang ina kaya sila umuwi kaagad.
- Hindi pangkaraniwan para kay Alyssa na hindi masigla ang kaniyang ina.
- Ang magulang ni Alyssa ay nanggaling sa doktor upang patingnan ang kalagayan ng kaniyang ina.
- Ito ay ang balita na magkakaroon na siya ng kapatid.
- Tinanggap ni Alyssa ang balita nang buong galak.
- Halimbawang sagot: Oo, dahil isang malaking biyaya ang magkaroon ng anak para sa magulang at kapatid para sa isang anak.
B. Halimbawa ng buod:
Tuwing umuuwi si Alyssa galing sa paaralan, hinihintay niya ang pag-uwi ng kaniyang ina. Napuna niya noong mga nakaraang araw na matamlay ang kaniyang ina. Hindi pangkaraniwan na ang kaniyang ina ay walang sigla. Dinala ang kaniyang ina sa doktor at doon nalaman ng pamilya na magkakaroon na ng kapatid si Alyssa. Buong galak na tinanggap ni Alyssa ang balita at itinuring niya itong magandang regalo sa kaniyang kaarawan.
Pang-uri Kaantasan
- pagod lantay
- kawawa lantay
- masaya lantay
- importante lantay
- pinakamabait pasukdol
Lantay |
Pahambing |
Pasukdol |
magiliw |
mas magiliw |
pinakamagiliw |
mataas |
magkasintaas |
pinakamataas |
madasalin |
mas madasalin |
pinakamadasalin |
mapagkakatiwalaan |
higit na mapagkakatiwalaan |
pinakamapagkakatiwalaan |
matapat |
mas matapat |
pinakamatapat |