Wikang Sarili 6
Yunit 3: Pambansang Kamalayan at Pakikilahok
Susi sa Pagwawasto
Susi sa Pagwawasto
Aralin 24 Ang Epekto ng Pagmimina sa Dagat
PALAWAKIN
- tutol – hindi sang-ayon
hal. Ang kaniyang ina ay tutol sa kaniyang pag-alis dahil ito ay delikado. - epekto – dulot
hal. Polusyon sa karagatan ang epekto ng mga basurang tinatapon sa dagat. - umaasa – may hinihintay na magandang resulta
hal. Umaasa ang mga biktima sa tulong ng pamahalaan. - nagmumula – nagbubuhat
hal. Ang kanilang kinakain ay nagmumula sa kanilang sariling pananim. - proyekto – gawain
hal. Ang simbahan ay mayroong proyekto para tulungan ang mga mahihirap. - pinahintulutan – pinayagan
hal. Pinahintulutan siyang mag-alaga ng aso. - matatabunan – matatakpan
hal. Ang mga yamang-dagat ay matatabunan ng lupa galing sa bundok. - sasaluhin – sasahurin
hal. Sasaluhin ng mga dam ang tubig na mula sa ulan. - natuloy – naganap
hal. Natuloy ang kanilang pagpunta sa Batangas. - banlik – burak
TALAKAYIN
A.
B. Magkakaiba-iba ang mga ibabahaging argumento at opinyon ng mga mag-aaral
- Ang plano ng pagmimina ay tinututulan ng mga mangingisda.
- Ito ay maaaring magdulot ng kapahamakan sa mga lamang dagat at makaapekto sa hanapbuhay ng mga mangingisda.
- Ang grupo na Samahan ng Maliliit na mga Mangingisda sa Calatagan (SAMMACA) ang tumututol dito.
- Maaaring matabunan ang mga ito ng mga basura, putik, at banlik galing sa minahan na maaring sumira sa mga ito.
- Halimbawang sagot: Hindi, bukod sa maaari itong makasira sa yamang-dagat at hanapbuhay ng mga mangingisda, masisira din nito ang mga yamang-lupa kung magkakaroon ng sobra-sobrang pagmimina.
- Maaaring matabunan ng lupa, basura ng mina, banlik, at putik ang mga tahanan ng isda na makaaapekto rin sa pangingisda.
- Halimbawang sagot: Hindi, maaaring maabuso ang mga yamang-lupa at yamang-dagat sa proyektong ito. Mas marami ang hindi magagandang resulta kaysa sa mabuti.
B. Magkakaiba-iba ang mga ibabahaging argumento at opinyon ng mga mag-aaral
PALALIMIN
- Si Mang Karding ang ipinakitang larawan sa video. Siya ang nagbabalita tungkol sa naganap na fish kill.
- Ito ay tungkol sa nangyaring fish kill sa Batangas.
- Nagkaroon ng fish kill dahil sa kakulangan ng oxygen sa mga fish cage.
- Malaki ang magiging epekto nito sa mga naghahanapbuhay lalo na sa mga nagtitinda at sa mga mangingisda mismo. Maaari ding makaapekto sa kalusugan ng mga mamamayan ang pagtitinda ng mga nangamatay na isda.
- Maaaring bantayan ang pagdami ng populasyon ng isda upang maiwasan ang pagkaubos ng oxygen.
- Halimbawang sagot: Hindi natin masisisi ang mga mangingisda kung bakit sila ay napilitan na magbenta ng nangamatay na isda. Malaking kalugihan ito sa kanilang mga negosyo. Ngunit dapat nilang isaalang-alang ang kalusugan ng mga mamimili. Mura nga ang presyo, ngunit maaari naman itong makalason.
KAYA MO ITO
- pang-uri
- pang-abay
- pang-abay
- pang-uri
- pang-uri
GAWIN MO
A. Mga halimbawang sagot:
B. Magkakaiba-iba ang mga sagot ng mga mag-aaral
- Masipag
- Masarap
- Mabango
- Mabilis
- Magaling
- Matapang
- Malinaw
- Init
- Mahal
- Mabigat
B. Magkakaiba-iba ang mga sagot ng mga mag-aaral
MAGSANAY PA
Mga halimbawang sagot:
- May masamang epekto sa mga buhay sa dagat kung agad na matutuloy ang pagmimina.
Pang-uri: masama Pang-abay: agad - Maraming sea grasses at corals ang lubhang masisira dahil sa matatapon na lupa sa mga ito.
Pang-uri: marami Pang-abay: lubha - Matinding tinutulan ng samahan ng mga mangingisda ang bagong proyekto ng pagmimina.
Pang-uri: bago Pang-abay: matindi - Binigyan ng DENR ng pahintulot ang malakihang pagmimina sa Batangas.
Pang-uri: malakihan - Magiging labis na madumi ang dagat at maraming mamatay na mga isda kung matutuloy ang proyektong ito.
Pang-uri: marami Pang-abay: labis
GAMITIN
Gawain