Wikang Sarili 6
Yunit 1: Ugnayang Lumikha at Nilikha
Susi sa Pagwawasto
Susi sa Pagwawasto
Aralin 10 Ako Bilang Nilikha
PALAWAKIN
- pumuwesto o umayos
- Kristong tumatawa
- pagpapahayag gamit ang mukha
- malaking klase ng motorsiklo
- mabilis na paglalaro
- pinakapopular
- larawan na ipininta
- makaugnay
- pinapakita sa ibang imahe; pinabababa o binabalewala ang imahe
- pagkamapagpatawa
TALAKAYIN
- Si Fr. Armand Tangi ay isang paring Heswita na nakilala sa pagpipinta ng mga di pangkaraniwang imahe ni Kristo.
- Ipininta niya si Kristo na masayahin, malayo sa nakasanayang seryosong imahe.
- Ilan sa mga kilalang paintings niya ang The Laughing Christ, si Hesus na nakasuot ng uniporme ng basketbol, Hesus na nagmamaneho ng jeepney, at iba pa.
- Isa sa mga dahilan kung bakit niya pinipinta ang mga kakaibang larawan na ito ay upang makaugnay ang mga modernong tao sa imahe ni Kristo.
- Sinuportahan siya ni Bishop Ted Bacani at ng isang pastor sa Malaysia.
- Hindi sumang-ayon ng isang paring kolumnista na nagsabi na hindi dapat nati-trivialize ang Panginoon.
- Hindi nawalan ng loob si Fr. Armand sa kabila ng komento ng kolumnistang pari.
- Halimbawang sagot: Oo, dahil sa ganitong paraan madaling makikila ng mga tao ang Panginoon lalo na’t nakikita nila na kaya nilang makaugnay sa ganoong imahe ni Kristo.
- Halimbawang sagot: Masaya dahil nararamdaman ko na mas malapit ang Panginoon sa atin sa ganoong klase ng imahe.
- Halimbawang sagot: Ipipinta ko ang Panginoon kasama ang mga taong hindi perpekto, may kapansanan, iba’t ibang lahi at relihiyon, at mga makasalanan. Isa itong magandang paraan para mamulat ang mga tao na mahal ng Panginoon ang bawat isa kaya dapat din iyong gawin sa ating kapuwa.
PALALIMIN
Gawain
KAYA MO ITO
GAWIN MO
Magkakaiba-iba ang mga sagot ng mga mag-aaral.
MAGSANAY PA
Gawain
GAMITIN
Magkakaiba-iba ang mga sagot ng mga mag-aaral.