Yunit 1
Linangin ang Sariling Kakayahan
Aralin 1
Ang Tunay na Kagandahan
Pahina 2–17; Limang araw
MGA LAYUNIN NG LEKSIYON AT KATUMBAS NA K–12 KOMPETENSI
Layunin
|
K–12 Kompetensi
|
|
|
MGA ESENSIYAL NA KATANUNGAN
- Ano ang sukatan ng tunay na kagandahan?
- Paano nakatutulong ang wastong paggamit ng pangngalan sa epektibong pagpapahayag?
TEKNOLOHIYA AT MGA SANGGUNIAN
- aklat na Wikang Sarili 4
MGA KAGAMITAN
- set ng mga larawan na magiging gabay sa pagbubuod ng kuwento
- rubrik sa pagmamarka ng kuwentong sinulat
BANGHAY-ARALIN
Una at Ikalawang Araw
Pagganyak
- Itanong sa mga mag-aaral ang sumusunod:
a. Nakarinig ka na ba ng mga kuwento o balita tungkol sa isang taong ipinaglihi raw sa balut? Naniniwala ka ba rito?
b. Ano ang reaksiyon mo ukol dito?- Sa kasalukuyang panahon, dapat pa bang maniwala sa paglilihi?
- Pag-usapan sa klase ang paniniwala ng mga Pilipino tungkol sa paglilihi. Ipabasa sa mga piling mag-aaral ang mga tala tungkol dito sa Simulan sa pahina 2 ng batayang aklat.
- Iugnay ang pagtalakay sa babasahing kuwento.
Paglinang
- Ipabasa nang tahimik sa mga mag-aaral ang kuwentong "Ang Batang Ipinaglihi sa Balut" sa mga pahina 3 hanggang 8.
- Pagkatapos, ipabuod sa kanila ang kuwento sa tulong ng mga inihandang larawan.
- Linangin ang talasalitaan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagsagot nila sa gawain sa Palawakin sa mga pahina 8 at 9.
- Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang kuwento gamit ang mga tanong sa Talakayin sa pahina 10. Bigyang-diin ang aral na matututuhan sa kuwento.
- Pagkatapos ng malayang talakayan, hatiin ang klase sa mga pangkat na may walo hanggang sampung miyembro, depende sa laki ng klase. Ipabasa ang nilalaman ng unang bahagi ng Alamin sa pahina 11. Ipasagot ang mga tanong at pag-usapan ito sa pangkat upang masukat ang pagkaunawa ng mga mag-aaral sa kuwentong binasa.
- Sa pangkatang talakayan, obserbahan ang kakayahan ng mga mag-aaral sa paglalagom at pangangatwiran. Maaari ding magbigay ng feedback o puna sa kinalabasan ng pangkatang talakayan batay sa sumusunod:
b. Mga miyembro ng aling pangkat ang nakapagbigay ng mahuhusay na sagot?
c. Aling pangkat ang nakitaaan ng kooperasyon?
Paglalagom
- Bilang paglalagom, itanong sa mga mag-aaral ang sumusunod:
a. Ano ang sukatan ng tunay na kagandahan?
b. Paano masusukat ang pagkaunawa sa binasang kuwento?
c. Ano-ano ang mga natutuhan mo buhat sa araling tinalakay? - Iproseso ang mga sagot ng mga mag-aaral.
- Ibigay bilang takdang aralin ang gawain sa Palalimin sa pahina 11.
Ikatlo hanggang Ikalimang Araw
Balik-aral
- Magbalik-aral hinggil sa tinalakay at ginawa noong nakaraang pagkikita.
- Tumawag ng mga mag-aaral upang ibahagi sa klase ang kanilang sagot sa tanong sa takdang-gawain.
- Isulat sa pisara ang ilang pangngalang mababanggit ng mga mag-aaral sa kanilang pagbabahagi. Kung posible, sikaping makapagsulat ng mga pangngalang pantangi at ng iba’t ibang uri ng pangngalang pambalana.
Pag-uugnay/Pagtalakay
- Talakayin ang mga uri ng pangalan ayon sa inilahad sa Alamin sa mga pahina 11 at 12.
- Magbigay ng mga halimbawa. Gamitin din ang mga salitang isinulat sa pisara bilang dagdag na mga halimbawa.
- Tumawag ng mga piling mag-aaral para magbigay ng sariling halimbawa para sa bawat uri ng pangngalan.
- Ipabasa nang malakas sa mga mag-aaral ang nakasaad sa Tandaan sa pahina 13 upang lagumin ang pagtalakay.
Pagtataya
- Pasagutan ang mga pagsasanay sa Kaya Mo Ito sa mga pahina 13 at 14. Maaari ding pumili ng gawain na gagamitin bilang maikling pagsusulit. Iwasto ang mga sagot ng mga mag-aaral.
- Papunan ng pangngalan ang mga patlang sa talata sa Gawin Mo sa pahina 15. Ipabasa sa mga mag-aaral ang kanilang mabubuong talata sa harap ng klase.
- Ipagawa ang mga gawain sa Magsanay Pa sa mga pahina 15 at 16. Gamitin ang sumusunod na rubrik para sa pagmamarka ng sariling kuwentong isusulat ng mga mag-aaral sa gawain B.
Rubrik para sa Pagsulat ng Kuwento
4. Ipagawa sa mga mag-aaral ang mga gawain sa Gamitin sa pahina 17. Maaari din itong ibigay bilang takdang gawain. Ipabahagi sa mga mag-aaral ang kani-kanilang mga sagot. Ipabasa rin sa harap ng klase ang mga sinulat nilang repleksiyon.
Paglalagom
- Ipaisa-isa sa mga mag-aaral ang mga konsepto at kasanayang kanilang natutuhan sa aralin.
- Itanong sa mga mag-aaral ang mahalagang tanong kaugnay ng aralin: Paano nakatutulong ang wastong paggamit ng pangngalan sa epektibong pagpapahayag?
- Magbigay ng pasalitang pagsasanay na magpapakita kung paano epektibong nagagamit ang pangngalan sa pagpapahayag.
- Iproseso ang mga sagot ng mga mag-aaral.