Aralin 12
Dakilang Pagmamahal sa Bayan
Paksang Aralin
Panitikan: "Ang Alamat ng Lawa ng Araw-Buwan" (Alamat mula sa Taiwan)
Gramatika: Mga Pang-ukol
Gramatika: Mga Pang-ukol
Layunin
- Naihahambing ang binasang alamat sa iba pang kaugnay na alamat
- Nasusuri ang ugnayan o relasyon ng mga miyembro ng pamilya at pamayanang Asyano
- Nakatatamo ng kasiyahan sa pagbasa at paghahambing ng iba’t ibang alamat
Kagamitan
- batayang aklat na Bulwagan 9 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 150–162
- recording o video ng sumusunod na mga awit:
- "Kalesa" ni Levi Celerio
- "Magtanim ay Di Biro"
- "Mamang Sorbetero" ni Celeste Legaspi
- "Fiesta" ng Mabuhay Singers
Bilang ng Sesyon: 4 (isang oras sa bawat sesyon)
Mahahalagang Tanong
- Paano nagagamit ang mga alamat sa pagbabahagi ng kultura ng isang bansa?
- Bakit mahalagang pag-aralan ang wastong gamit ng iba’t ibang pang-ukol?
Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
- Sabihin sa mga estudyante na may mga awiting nagpapakita o naglalarawan ng mga gawain sa isang komunidad. Iparinig ang alinman sa sumusunod na awitin na maaaring marinig/mapanood sa YouTube o ibang katulad na sanggunian.
- "Kalesa" ni Levi Celerio mula sa www.youtube.com/watch?v=Dho5YmdQbNo
- "Magtanim ay Di Biro" mula sa www.youtube.com/watch?v=H0YmcCj_htM
- "Mamang Sorbetero" ni Celeste Legaspi mula sa www.youtube.com/watch?v=slMZQ7MG9Ps
- "Fiesta" ng Mabuhay Singers mula sa www.youtube.com/watch?v=Dbs6gmqukMQ - Pag-usapan kung anong gawain sa komunidad ang paksa sa bawat awit.
- Ipagawa at pasagutan ang mga tanong sa panimulang gawain sa pahina 151 ng batayang aklat. Tumawag ng mga estudyante upang ibahagi ang kanilang sagot.
Pagpapayaman ng Talasalitaan
Ipagawa ang gawain sa Talasik sa mga pahina 156 at 157 tungkol sa pagbibigay ng salitang kaugnay o kasingkahulugan ng mga salita. Iwasto ang sagot ng mga estudyante.
Pagsusuri at Pagtalakay
- Ipabasa nang tahimik ang "Ang Alamat ng Lawa ng Araw-Buwan" sa mga pahina 151 hanggang 156.
- Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang alamat. Gawing gabay ang mga tanong sa Muling Pag-isipan sa mga pahina 157 at 158. Idagdag sa talakayan ang sumusunod na mga tanong:
a. Mayroon din bang alamat ang Pilipinas tungkol sa mga lawa?
b. Paano ito natutulad o naiiba sa binasang alamat?
Pagsasanay
- Ipagawa ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa mga pahina 158 at 159. Talakayin ang mga sagot sa gawain A.
- Ibigay bilang takdang-gawain ang pagsasaliksik sa gawain B.
Paglalahat
- Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung anong mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.
- Lagumin ang aralin batay sa sagot ng mga estudyante at ayon sa mga layuning pampanitikan ng aralin.
Takdang-aralin
Ipabasa ang artikulo at aralin sa Pagsusuring Panggramatika sa mga pahina 160 at 161.
Integrasyon sa Gramatika
Pagbabalik-aral at Pagganyak
- Magbalik-aral tungkol sa tinalakay noong nakaraang pagkikita. Itanong kung sino ang mga pangunahing tauhan sa binasang alamat.
- Itanong: Para sa inyo, ano ang mga katangian ng isang bayani?
Pagsusuri at Pagtalakay
- Ipabasa nang tahimik ang artikulo sa Alamin Natin sa pahina 160. Pagkatapos, pasagutan ang dalawang tanong na kasunod nito.
- Talakayin ang tungkol sa mga pang-ukol ayon sa nakasaad sa Talakayin Natin sa mga pahina 160 at 161. Ipaisa-isa sa mga estudyante ang mga pang-ukol at ang gamit ng bawat isa. Hayaan din silang magbigay ng sariling pangungusap gamit ang mga ito.
Pagsasanay at Paglalahat
- Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa mga pahina 161 at 162. Ipabasa ang mga nabuong pangungusap sa gawain A at iwasto naman ang mga sagot sa gawain B.
- Gamitin ang sumusunod na pamantayan sa pagmamarka ng bukas na liham na isusulat sa gawain C.
Pagbubuod
- Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa pahina 162.
- Tumawag ng mga estudyante upang ibahagi ang kanilang mga sagot at upang lagumin ang mga natutuhan sa klase.
Takdang-aralin
Ipabasa ang nakasaad sa Pagtalakay sa mga pahina 163 at 164.
Karagdagang Pagsasanay
Panoorin mula sa Internet ang video na pinamagatang "Bangkarunungan" mula sa www.youtube.com/watch?v=rAp_t_XGvns. Ilahad ang layunin ng proyektong ipinakita sa video