Yunit 1
Ugnayang Lumikha at Nilikha
Aralin 1
Sumunod at Pamunuan
Pahina 2–11; Apat na araw
MGA LAYUNIN NG LEKSIYON AT KATUMBAS NA K–12 KOMPETENSI
Layunin
|
K–12 Kompetensi
|
|
|
MGA ESENSIYAL NA KATANUNGAN
- Bakit mahalaga ang pagsunod sa tagubilin sa pagiging isang mabuting pinuno?
- Ano ang kahalagahan ng paggamit ng pangngalan sa pang-araw-araw na pananalita?
MGA SANGGUNIAN
MGA KAGAMITAN
- mga piraso ng papel
- kahon
- sipi ng pabulang "Ang Mag-anak na Langgam"
- mga larawan batay sa pabulang "Ang Mag-anak na Langgam"
- PowerPoint presentation
- computer
- LCD projector
- manila paper
- marker
PAMAMARAAN
Unang Araw
Pagganyak
- Magsulat sa mga maliliit na piraso ng papel ng mga salitang pahuhulaan sa mga mag-aaral. Itupi at ilagay ang mga ito sa isang kahon. Gumamit ng magkakaugnay na mga salitang karaniwang nagsasaad ng pagbibigay ng utos o tagubilin (halimbawa: suka, mantika, nanay, tindahan).
- Pangkatin ang klase sa tatlo at tumawag ng dalawang tatayong kinatawan mula sa bawat pangkat. Gamitin ang konsepto ng larong Pinoy Henyo. Pabunutin ng isang maliit na papel ang isa sa dalawang kinatawan. Ipalarawan sa kaniya ang nakasaad sa papel at pahulaan ito sa kaniyang kapareha sa loob lamang ng dalawang minuto. Ang pangkat na makakahula ng mas maraming sagot sa pinakamabilis na oras ang siyang tatanghaling panalo.
- Mainam na isulat sa pisara ang bawat salitang mahuhulaan ng bawat pangkat. Mula sa mga salitang inilarawan, itanong sa klase kung ano ang pagkakaugnay ng mga ito. Tumawag ng ilang mag-aaral para sumagot.
- Itanong sa mga mag-aaral ang sumusunod:
a. Ano ang ibig sabihin ng tagubilin?
b. Sino ang madalas na nagbibigay ng mga tagubilin?
c. Ano ang mga tagubilin sa inyo ng inyong mga magulang?
d. Alin sa mga ito ang mahirap gawin? Bakit?
e. Ano ang karaniwang nangyayari kapag sumusuway sa tagubilin? Magbigay ng halimbawa. - Iproseso ang mga sagot ng mga mag-aaral.
Paglinang
- Ipaalala sa mga mag-aaral kung ano ang pabula at ihanda sila sa pakikinig ng isang pabula.
- Gamit ang teknik na While Listening, iparinig sa klase ang pabulang "Ang Mag-anak na Langgam" at ipasulat ang mga makabuluhang pag-uusap mula rito.
- Bago talakayin ang napakinggang pabula, magpakita ng mga larawan batay sa pabula. Maaari din namang ipakita ang mga ito gamit ang PowerPoint presentation.
- Ipaayos sa mga mag-aaral ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ayon sa kanilang napakinggan. Gabayan sila sa pagsasaayos ng mga larawan.
Ang Mag-anak na Langgam
Malapit-lapit na naman ang tag-ulan kung kaya’t ang isang mag-anak na langgam ay abalang abala sa paghahakot ng pagkain para sa kanilang pinagtataguan.
"Huwag kayong lilihis ng landas patungo sa ating lungga dahil sa may gawing kaliwa ay may munting kanal," sabi ni Tatay Langgam.
"Hindi po kami lalayo," sabi ni Unang Munting Langgam.
Abala sa paghahakot ng mga pagkain ang bawat isa, kung kaya't hindi nila napansing si Bunsong Langgam ay unti-unting humiwalay sa pila.
"Nakakapagod naman ang paghahakot ng pagkain, matagal pa naman ang tag-ulan ay naghahanda na kami," sabi sa sarili ni Bunsong Langgam. "Buti pa’y maghanap ako ng mas masarap na pagkain."
Walang ano-ano’y nakakita siya ng isang kendi na malapit na malapit sa kanal na ipinagbabawal na puntahan ng kaniyang ama.
"Siguro naman ay hindi ako mahuhulog sa kanal kung dahan-dahan kong kukunin ang kendi."
Sa kasabikan niyang makuha ang kendi ay hindi niya napansin ang munting sinulid na kinapatiran ng kaniyang paa, kaya nawalan siya ng panimbang at tuloy-tuloy na nahulog sa kanal.
Hindi mapakali si Tatay Langgam nang hindi niya makita ang kaniyang bunsong anak sa pila. Kaya dali-dali siyang umalis upang ito’y hanapin hanggang sa siya’y mapadako sa ipinagbabawal na pook. Pagtingin niya sa ibaba ay nakita niyang nakalutang sa tubig ang kaniyang bunsong anak.
Masakit man sa kalooban ay naibulong niya sa kaniyang sarili na: "Iyan ang napapala ng mga anak na matigas ang ulo."
"Huwag kayong lilihis ng landas patungo sa ating lungga dahil sa may gawing kaliwa ay may munting kanal," sabi ni Tatay Langgam.
"Hindi po kami lalayo," sabi ni Unang Munting Langgam.
Abala sa paghahakot ng mga pagkain ang bawat isa, kung kaya't hindi nila napansing si Bunsong Langgam ay unti-unting humiwalay sa pila.
"Nakakapagod naman ang paghahakot ng pagkain, matagal pa naman ang tag-ulan ay naghahanda na kami," sabi sa sarili ni Bunsong Langgam. "Buti pa’y maghanap ako ng mas masarap na pagkain."
Walang ano-ano’y nakakita siya ng isang kendi na malapit na malapit sa kanal na ipinagbabawal na puntahan ng kaniyang ama.
"Siguro naman ay hindi ako mahuhulog sa kanal kung dahan-dahan kong kukunin ang kendi."
Sa kasabikan niyang makuha ang kendi ay hindi niya napansin ang munting sinulid na kinapatiran ng kaniyang paa, kaya nawalan siya ng panimbang at tuloy-tuloy na nahulog sa kanal.
Hindi mapakali si Tatay Langgam nang hindi niya makita ang kaniyang bunsong anak sa pila. Kaya dali-dali siyang umalis upang ito’y hanapin hanggang sa siya’y mapadako sa ipinagbabawal na pook. Pagtingin niya sa ibaba ay nakita niyang nakalutang sa tubig ang kaniyang bunsong anak.
Masakit man sa kalooban ay naibulong niya sa kaniyang sarili na: "Iyan ang napapala ng mga anak na matigas ang ulo."
Pagtalakay
- Talakayin ang napakinggang pabula sa pamamagitan ng sumusunod na mga tanong:
a. Bakit abalang-abala ang mag-anak na langgam?
b. Ano ang mahigpit na tagubilin ni Tatay Langgam? Nasunod ba ng mga anak na langgam ang tagubiling ito? Bakit?
c. Paano mo ilalarawan si Bunsong Langgam batay sa kaniyang naging gawi?
d. Ano-ano ang ipinakitang katangian ni Bunsong Langgam sa kaniyang mga sinabi? Natatandaan pa ba ninyo ang mga ito?
(“Nakakapagod ang paghahakot ng pagkain, matagal pa naman ang tag-ulan ay naghahanda na kami.”)
(“Buti pa’y maghanap ako ng mas masarap na pagkain.”)
(“Siguro naman ay hindi ako mahuhulog sa kanal kung dahan-dahan kong kukunin ang kendi.”)
e. Sinasang-ayunan ba ninyo ang kaniyang ginawa? Bakit? - Ipagawa ang gawain sa Simulan sa pahina 2 ng batayang aklat.
- Sabihin sa mga mag-aaral na, gamit ang naunang pangkatan, maghanda sila ng isang simpleng role play na magpapakita ng kanilang sariling karanasan nang sila ay binigyan ng isang tagubilin. Ilalarawan nila rito kung ano ang kanilang ginawa sa tagubilin.
- Iproseso ang naging presentasyon ng bawat pangkat sa pamamagitan ng paghingi ng ilang reaksiyon mula sa buong klase.
- Hayaang pumili ang klase ng pangkat na nakapagpakita ng pinakamaayos na paglalarawan.
Paglalagom
- Itanong sa mga mag-aaral: Batay sa pabula at sa inyong naging presentasyon, bakit mahalaga ang pagsunod sa tagubilin?
- Iguhit sa pisara ang isang bilog kung saan nakapaloob ang pariralang kahalagahan ng pagsunod sa tagubilin. Gamit ang konsepto ng cause-and-effect relationship, padugtungan ito sa mga mag-aaral ng mga epekto ng pagsunod sa tagubilin. Gabayan ang bawat mag-aaral sa pagsusulat nila ng sariling parirala.
- Iproseso ang mga sagot ng mga mag-aaral.
- Ayusin ang nabuong graphic organizer at isulat ito sa manila paper para magamit sa susunod na pagtalakay.
Ikalawang Araw
Balik-aral
- Ipakita sa klase ang graphic organizer na nabuo noong nakaraang pagkikita.
- Itanong sa mga mag-aaral kung mayroon pa silang nais idagdag na epekto ng pagsunod sa tagubilin batay na rin sa kani-kanilang karanasan.
Pag-uugnay
- Tumawag ng ilang mag-aaral upang basahin ang unang limang talata ng kuwentong "Masunurin si Czarina" sa pahina 3.
- Pagkatapos ng pagbasa, ipahula sa klase kung ano ang maaaring mangyari sa kuwento at saka ipabasa ang mga natitirang talata.
- Ipasagot sa mga mag-aaral ang gawain sa Palawakin sa pahina 4. Ipagamit ang mga salita sa sarili nilang pangungusap.
- Ipagawa ang gawain sa Talakayin sa pahina 4. Ipaayos sa mga mag-aaral ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento sa pamamagitan ng pagpuno sa bawat bilog ng isang pangungusap lamang. Ipasagot ang kasunod na mga tanong.
- Talakayin ang kuwento gamit ang teknik na Story Grammar. Pangkatin ang klase sa lima. Bigyan ng kani-kaniyang paksa ang bawat pangkat para sa gagawing talakayan.
a. Unang pangkat – Paano inilarawan si Czarina?
b. Ikalawang pangkat – Ano ang suliranin sa kuwento?
c. Ikatlong pangkat – Paano ang naging takbo ng kuwento?
d. Ikaapat na pangkat – Paano nalutas ang suliranin sa kuwento?
e. Ikalimang pangkat – Paano maiuugnay ang mensahe ng kuwento sa inyong sariling karanasan? - Tumawag ng kinatawan mula sa bawat pangkat upang ipahayag sa buong klase ang naging resulta ng pangkatang talakayan. Iproseso ang bawat presentasyon.
- Bigyang-laya ang ibang pangkat na makapagbigay ng opinyon sa presentasyon ng bawat grupo.
- Ipagawa ang mga gawain sa Palalimin sa mga pahina 6 at 7.
- Matapos ang ibinigay na oras sa pagsagot, muling pangkatin ang mga mag-aaral upang pag-usapan ang kanilang mga sagot.
Paglalagom
- Tawagin ang lider ng bawat pangkat upang ilahad ang kabuuan ng kanilang pag-uusap tungkol sa mahalagang kaugnayan ng simpleng pagsunod sa mga tagubilin sa pagiging isang magaling na lider.
- Lagumin ang aralin batay sa mga sagot ng mga mag-aaral.
Ikatlong Araw
Balik-aral
- Magbalik-aral sa tinalakay noong nakaraang pagkikita. Bigyang-pansin ang pinasagutang talahanayan sa gawain A sa Palalimin.
- Humingi sa mga mag-aaral ng ilang halimbawa ng mga tagubiling karaniwang sinasabi ng kanilang mga magulang at guro.
- Tumawag ng ilang mag-aaral upang ipaliwanag kung paano nila sinusunod ang mga tagubiling ito.
Pag-uugnay
- Mula sa talahanayan, pabilugan sa mga mag-aaral ang mga halimbawa ng pangngalan.
- Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang napapansin nilang pagkakatulad ng mga salitang binilugan.
- Talakayin ang nakasaad sa Alamin sa mga pahina 7 hanggang 9 at ipagawa ang mga gawain sa Kaya Mo Ito at Gawin Mo sa mga pahina 9 at 10. Iproseso ang mga sagot ng mga mag-aaral.
- Ipagawa ang pangkatang gawain sa Magsanay Pa sa pahina 10. Pangkatin ang klase sa lima. Ang apat na pangkat ay tutugon sa mga paksang ibibigay samantalang ang isang pangkat ay gaganap bilang hurado. Gabayan ang mga mag-aaral sa paggawa ng maikling dula-dulaan at paalalahanan sila na bilugan ang mga gagamiting pangngalan sa iskrip.
- Gayundin, gabayan ang mga hurado sa paggawa ng kanilang sariling pamantayan. Kasama sa kanilang magiging batayan ang kawastuhan at kaayusan ng presentasyon, kahusayan sa panghihikayat at pagpukaw sa mga manonood, at pagiging malikhain sa itinakdang gawain. Magtakda ng puntos para sa napakahusay, mahusay, at nangangailangan pa ng pagsasanay.
Paglalagom
- Itanong sa mga mag-aaral ang sumusunod:
a. Anong mahalagang papel ang ginagampanan ng mga pangngalan sa ating pang-araw-araw na pananalita?
b. Paano mo maipakikita ang kahalagahan ng pagsunod sa isang tagubilin, maging simple man ito o mahirap?
c. Ano ang ugnayan ng pagsunod sa paghubog ng isang magaling na pinuno? - Tumawag ng mga mag-aaral upang sumagot at iproseso ang kanilang mga sagot.
Ikaapat na Araw
Balik-aral
- Balikan ang kahulugan at mga uri ng pangngalan.
- Tumawag ng kinatawan mula sa bawat pangkat upang ibahagi sa klase ang nabuo nilang iskrip ng dula-dulaan.
- Hingan ng pananaw ang mga naging hurado sa kanilang ginawang pag-eevaluate.
Pag-uugnay
- Ipagawa ang gawain sa Gamitin sa pahina 11. Sa pagsulat ng mga mag-aaral, ipaalala sa kanila na ikahon ang mga pangngalang pantangi na kanilang gagamitin at salungguhitan naman ang mga pangngalang pambalana.
- Ilahad sa klase ang pamantayan sa pagsulat ng talata.
Pamantayan
Panghikayat sa mga mambabasa Kaiklian at linaw ng paglalarawan Pagkaka-ugnay-ugnay ng mga pangungusap Kahusayan sa pagpapaliwanag ng saloobin Kawastuhan ng paggamit ng pangngalang pantangi at pambalana Kawastuhan at kalinisan ng talata |
Puntos
10 10 10 10 10 10 |
3. Tumawag ng mga piling mag-aral upang basahin ang kanilang isinulat.
Paglalagom
- Itanong at ipagawa sa mga mag-aaral ang sumusunod:
a. Ano ang inyong naging basehan sa pagpili ng inyong modelong lider?
b. Ipakita ito gamit ang isang talahanayan. Lagyan ng pamagat na Batayan Ko sa Pagpili ng Modelong Lider ang isang hanay at ng Batayan ng Iba sa Pagpili ng Modelong Lider ang kabilang hanay.
c. Alin sa mga batayang ito ang dapat sundin? Bakit? - Iproseso ang mga sagot ng mga mag-aaral.