Wikang Sarili 6
Yunit 4: May Magagawa ang Kabataan
Susi sa Pagwawasto
Susi sa Pagwawasto
Aralin 35 Paano Ba Ako Susulat?
PALAWAKIN
- naghihikab – pagbuka ng bibig habang kumukuha ng hangin
Ang bata ay hindi nakatulog nang maayos kaya siya ay naghihikab. - ipinagtataka – hindi lubos na maintindihan
hal. Ipinagtataka niya ang kakaibang kilos ng kaniyang kaibigan. - hinagilap – kinuha
hal. Mabilis niyang hinagilap ang kaniyang bag at saka umalis. - tanggapan – opisina
hal. Si Shane ay nagpunta sa tanggapan upang magtanong tungkol sa kaniyang problema. - pagkonsumo – paggamit
hal. Matipid ang pagkonsumo ng tubig ang kaniyang pamilya. - maimbestigahan – malaman
hal. Nais maimbestigahan ni Janine ang nangyaring pagnanakaw sa kanilang bahay. - anomalya – nakapagtatakang pangyayari
TALAKAYIN
A.
B.
- Ang liham ay nanggaling sa Maynilad Water Services, Inc.
- Nagulat siya sa bill na nakasaad na halos tatlong libo ang kanilang babayaran.
- Nagpasya siyang magpadala ng e-mail para maimbestigahan ang nangyari.
- Nais niya paimbestigahan sa Maynilad ang nakapagtatakang biglaang pagtaas ng kanilang bill.
- Sinabi ni Anna ang kaniyang problema sa unang bahagi at humingi siya ng tulong sa Maynilad kung maaaring malaman kung bakit ganoon kalaki ang kaniyang babayaran.
- Halimbawang sagot: Oo, ito ay isang propesyonal na paraan para sabihin ang reklamo.
- Halimbawang sagot: Oo, bukod sa mas madaling gawin ito kaysa pumunta sa tanggapan, ito rin ay pormal na gawin.
B.
- Magalang kong ipinaaabot sa inyo ang aking pagkagulat sa natanggap kong billing statement mula sa inyong tanggapan.
- Nagtataka po ako kung paanong umabot ng halos tatlong libong piso ang aking babayaran samantalang sa mga nakaraang buwan ay kulang sa isanlibo lamang ang aking binabayaran.
- Wala naman pong pagbabago sa pagkonsumo ng aming tubig sa araw-araw nitong huling buwan ng Agosto.
- Hinihiling ko po na maimbestigahan ninyo ang pangyayaring ito na mukhang may nagaganap na anomalya.
- Inaasahan ko po na gagawan ninyo ng positibong pagtugon sa sulat kong ito sa lalong madaling panahon.
PALALIMIN
- nagwawalang-bahala
- walang pakialam
- mabubuti
- maramdamin
- kakilala nang lubos
KAYA MO ITO
- Ang liham pangkaibigan ay liham na di-pormal na ginagamit kung susulat sa isang kaibigan.
- Ang liham pangangalakal ay pormal na liham na may layuning makipagtransaksyon para sa isang negosyo o kasunduan.
- Ang liham paanyaya ay may layunin na mag-imbita sa isang okasyon o pagdiriwang.
- Ang liham ng paghingi ng paumanhin ay isang pormal na uri ng liham na may layuning humingi ng tawad o paumanhin sa nagawang kasalanan o kamalian.
- Ang liham pagtanggi ay isang uri ng pormal na liham na nagsasaad ng pagtanggi sa imbitasyon.
- Ang liham ng pagmamahal ay isang klase ng liham na nagpapahayag ng damdamin ng pagmamahal.
- Ang liham pamamaalam ay uri ng liham na may layunin na magpaalam kung aalis at ito ay maaring maging pormal o di-pormal.
GAWIN MO
Magkakaiba-iba ang mga sagot ng mga mag-aaral.
MAGSANAY PA
Magkakaiba-iba ang mga sagot ng mga mag-aaral.
GAMITIN
Magkakaiba-iba ang mga sagot ng mga mag-aaral.