• Home
  Abiva Online Resources

Wikang Sarili 6

Yunit 1: Tungo sa Pagpapahalaga sa Kalikasan
​
Susi sa Pagwawasto
Aralin 17 Isang Pagpupulong
PALAWAKIN
  1. naatasan – nautusan
           hal. Naatasan siyang pamunuan ang pagpupulong ng mga kabataan.
  2. tagapayo – tagagabay
           hal. Tumayong tagapayo si Helen sa pagpupulong ng mga kabataan.
  3. magsisilbi – maglilingkod
           hal. Magsisilbing sekretarya si Jun sa pagpupulong.
  4. adyenda – paksa ng usapan o pagpupulong
           hal. Isa sa adyenda ng pagpupulong ay ang magiging programa tungkol sa kalikasan.
  5. pansamantala – hindi magtatagal
           hal. Pansamantalang pamumunuan ni Allan ang pagpupulong hangga’t wala si Raquel.
  6. nahalal – naboto
           hal. Nahalal si Cinderella bilang pangalawang pangulo.
  7. pamunuan – mga opisyal ng isang organisasyon
           hal. Ang bagong pamunuan ng mga kabataan ay nagsisimulang naglingkod sa isang linggo.
  8. hapag – mesa
           hal. Sa hapag inihain ng mga pinuno ang kanilang panukala.
  9. nominado – kandidato
    ​       hal. Marami ang nominado sa pagkapangulo.
  10. tutularan – gagayahin
       hal. Kung maging maganda ang daloy ng halalan, tutularan ito ng iba pang samahan. 
TALAKAYIN
  1. Si Ginang Tesoro ang tumatayong tagapayo ng samahan ng kabataan ng barangay.
  2. Pinamumunuan niya ang eleksiyon para sa mga kabataan.
  3. Siya ay naatasan ni Dra. Amelia Bautista, ang kapitana, na pamunuan ang eleksiyon ng mga kabataan.
  4. Kailangang magkaroon ng eleksiyon upang makapili ng magiging lider para sa buong taon.
  5. Ang dalawang kabataang nominado ay sina Paul at Virna.
  6. Nanalo si Virna sa eleksiyon sa pagkapangulo.
  7. Naging maayos ang daloy ng halalan sa tulog ni Ginang Tesoro.
  8. Ang ilan sa mga alituntunin sa halalan ay ang pagtataas ng kamay para sa pagnonomina ng isang kandidato, magalang na pagsasara at pagpangalawa sa nominasyon, at pagpapatuloy ng halalan sa pangunguna ng nahalal na pangulo.
  9. Maayos itong naisagawa. Magalang na nagbigay ng nominasyon ang mga mag-aaral at isinara at pinangalawahan ito nang maayos.
  10. Una sa mga imumungkahi ay ang aktibong partisipasyon ng iba pang kabataan upang maging buo at malakas ang magiging samahan ng mga kabataan.
PALALIMIN
A at B.  Magkakaiba-iba ang mga sagot ng mga mag-aaral.
​KAYA MO ITO
A.Bilugan:
  1. Nagtayo
  2. Tumulong
  3. Inasikaso
  4. Inaprobahan
  5. Lumikom
 
B at C. Magkakaiba-iba ang mga sagot ng mga mag-aaral.
GAWIN MO
Magkakaiba-iba ang mga sagot ng mga mag-aaral.
MAGSANAY PA
Gawain
GAMITIN
Gawain
Back
Abiva Building., 851 G. Araneta Avenue, 1113 Quezon CIty, Philippines

TEL. (632) 8712 - 0245 to 49 / 8740 - 6603 | Fax: (632) 8712 - 0486 | E-MAIL [email protected]

​COPYRIGHT 2022 ABIVA PUBLISHING HOUSE INC. ALL RIGHTS RESERVED.
© COPYRIGHT 2022. ALL RIGHTS RESERVED.
  • Home