Wikang Sarili 6
Susi sa Pagwawasto
- inilunsad
hal. Inilunsad kamakailan ng pamahalaan ang pagtatanim ng mga halaman sa mga pampublikong daanan. - luntian
hal. Luntian ang kulay na ipipintura sa mga paso. - pagpapalaganap
hal. Ang pagpapalaganap ng pamamaraan sa pagtatanim ang pangunahing layunin ng kanilang grupo. - nakasaad
hal. Nakasaad ang bagong kautusan sa binasang mensahe ng pangulo. - nasasakupan
- hal. Nasasakupan ng bagong batas ang mga opisina o ahensiya ng pamahalaan.
- termino
hal. Nalalapit na ring matapos ang termino ng kaniyang panunungkulan. - programa
hal. Ang programa ay para sa pagpapalago ng mga luntian sa paligid. - pag-obliga
hal. Ang pag-obliga sa mga ahensiya ng pamahalaan na magtanim ay malaking tulong sa ating naghihirap na kalikasan. - punla
hal. Marami sa mga punla ay buhat sa iba’t ibang bukirin. - kalikasan
hal. Nangangailangan ang ating kalikasan ng hustong pangangalaga.
- Inilunsad ng Pangulo ang National Greening Program (NGP).
- Ito ay kampanya para sa luntiang kalikasan sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga punongkahoy.
- Isasagawa ang programa sa mga kagubatan, mga taniman ng bakawan, protected areas, ancestral domains, at military reservations.
- Inoobliga ng pamahalaan ang bawat mag-aaral at kawani ng gobyerno na magtanim ng sampu o higit pang punla bawat taon.
- Napag-iisa nito ang iba’t ibang programa na may kinalaman sa pagtatanim ng mga puno at pangangalaga sa kalikasan.
- Malaki ang naitutulong sa mga tao ng pagtatanim ng mga puno. Isa na rito ang pag-iwas sa labis na pagbaha at pagguho ng mga lupa. Sa ganitong sitwasyon ay naiiwasan ang mga sakuna.
B. Itatanim ang mga puno sa kagubatan, mga bakawan, at mga lugar na nasasakupan ng greening plan. Inoobliga ang mga mag-aaral at kawani ng pamahalaan na magtanim.
Pag-isahin ang mga programang may kinalaman sa pagtatanim ng mga puno at pangangalaga sa kalikasan.
C. Mga halimbawang sagot: Inilunsad ang National Greening Program.
Itatanim ang mga puno sa iba’t ibang lugar.
Inoobliga ang mag-aaral at kawani ng pamahalaan na magtanim ng mga punla.
|
|
A. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo.
B. Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa lambat.
- Matutong humingi ng paumanhin kung nakagawa ng pagkakamali.
- Gumawa ng kabutihan sa kapwa.
- Suklian ang kabutihan ng iba.