Wikang Sarili 6
Susi sa Pagwawasto
- Si Niko ay napuyat at nahirapang gumising sapagkat ginawa niya ang isang proyektong ipapasa sa araw na iyon.
- Nang malapit na siya sa paaralan, naalala niyang hindi niya nadala ang kaniyang I.D.
- Upang siya ay papasukin, ipinaliwanag niya na nakalimutan niya ang kaniyang I.D. Sumulat siya na nagpapaumanhin at isinulat niya ang kaniyang pangalan at seksiyon.
- Gaya ng kaniyang ginawa sa guwardiya, nagpaliwanag din siya sa librarian.
- Hindi siya pinayagang nakapag-uwi ng libro sapagkat mahigpit na ipinatutupad ang patakaran na hindi makakapag-uwi ng libro kung walang library card.
- Upang makakuha ng kasagutan, sumipi na lamang siya ng mahahalagang impormasyon.
- Tumatak sa kaniyang isip ang kahalagahan ng palaging pagdadala ng I.D. at library card.
- Magkakaiba-iba ang mga sagot ng mga mag-aaral.
- Magkakaiba-iba ang mga sagot ng mga mag-aaral.
- Mahalaga ang I.D. at library card sapagkat ang mga ito ang nagsisilbing daan upang ang mag-aaral ay makilala at makapasok sa paaralan at makagamit ng mga pasilidad nito tulad ng silid-aklatan. Ang I.D. ay hindi lamang sa paaralan maaaring gamitin. Ito ay maaari ding gamitin sa pagpasok sa mga pormal na tanggapan, mga museo, o airport, at sa pagkuha ng mga dokumento mula sa iba’t ibang ahensiya.
Impormasyon mula sa I.D. |
Impormasyon mula sa library card |
Pangalan |
Pamagat ng libro |
Tirahan |
May-akda |
Telepono |
Araw kung kailan hiniram |
Pangalan ng paaralan |
Araw kung kailan ibabalik |
Pangalan ng magulang |
Pangalan ng mag-aaral na hihiram ng libro |
Pangalan ng gurong tagapayo |
Baitang at seksiyon |
Pangalan ng punong-guro |
Pangalan ng gurong tagapayo |
✓ 1. napaiyak; napaluha
✓ 2. natuwa; nagalak
x 3. maligaya; malungkot
x 4. madalang; malimit
✓ 5. nagsumikap; nagtiyaga
x 6. kaaway; katoto
✓ 7. nasyonalismo; pagkamakabayan
x 8. nahahapis; nagagalak
✓ 9. ehemplo; halimbawa
✓ 10. katapatan; kaliluhan
B.
- bása pagtingin sa nakasulat
- basà hindi tuyo
- túbo linyang dinadaluyan ng tubig
- tubô kita
- hulì hindi nakarating sa oras
- húli bitag
- bagâ bahagi ng katawan ng tao na may kaugnayan sa paghinga
- bága uling na may sindi
- púno halamang mataas at madalas ay may bunga
- punò madami
C.
Mga halimbawang sagot:
- bása Ang basa niya sa bagong salita ay kakaiba sa ating pagkaunawa.
- basà Basa ba ang ginamit na basahan sa pagpunas ng mesa?
- túbo Ang tubo mula sa metro ay mukhang makalawang na.
- tubô Maliit lamang ang tubo kung ikaw ay magtitinda ng mga prutas na wala sa panahon.
- hulì Huli na ang lahat nang siya ay dumating.
- húli Ang huli nilang isda ngayon ay mas marami kumpara kahapon.
- bagâ Masama sa baga ang usok mula sa sigarilyo.
- bága Matagal na nailuto ang inihaw na bangus sapagkat mahina ang baga.
- púno Ang puno ang nagsilbing piping saksi ng kanilang paglaki.
- punò Puno ng bunga ang mga tanim na nasa paligid.