Wikang Sarili 6
Susi sa Pagwawasto
Pagtalakay sa napakinggan
- Bakit abalang-abala ang mag-anak na langgam?
Ang mag-anak ay abalang nag-iimbak ng pagkain para sa nalalapit na tag-ulan. - Ano ang mahigit na tagubilin ni Tatay Langgam? Nasunod ba ng mga anak na langgam ang tagubiling ito? Bakit?
Mahigpit na ipinagbawal ng amang langgam ang paglihis ng daan patungo sa lungga dahil sa bandang kaliwa ay may munting kanal. Hindi ito nasunod sapagkat ang bunsong langgam ay humiwalay sa pila. - Paano mo mailalarawan si Bunsong langgam batay sa kaniyang naging gawi?
Ang kaniyang ginawa ay malinaw na pagsuway sa utos o tagubilin ng magulang. Hindi siya marunong sumunod sa kaniyang ama. - Ano-ano ang ipinakitang katangian ni Bunsong Langgam batay sa kaniyang mga sinabi?
“Buti pa’y maghanap ako ng mas masarap na pagkain.” — Ito ay nagsasabing hindi siya marunong makuntento.
“Siguro naman ay hindi ako mahuhulog sa kanal kung dahan-dahan kong kukunin ang kendi.” — Maaaring sabihing siya ay mapangahas.
Paghahambing kina Amang Langgam at Bunsong Anak
- agahan – almusal
Pangungusap: hal. Tinapa at sinangag ang aking agahan. - talumpati – pagbibigkas
Pangungusap: hal. Humanga ang lahat sa maayos niyang talumpati. - kalahok – kasali
Pangungusap: hal. Ang mga kalahok ay galing sa iba’t ibang paaralan. - paligsahan – patimpalak
Pangungusap: hal. Ang paligsahan ay kumikilala sa kagalingan ng mga kalahok sa pagbigkas ng talumpati. - tagubilin – utos
Pangungusap: hal. Mahalagang makinig sa mga tagubilin ng mga magulang. - masigabo – malakas o masigla
Pangungusap: hal. Matapos niyang awitin ang isang sikat na kanta, masigabong palakpak ang kaniyang narinig mula sa mga manonood. - manghikayat – mag-anyaya
Pangungusap: hal. Manghikayat ka pa ng mga bagong miyembro ng ating organisasyon. - piyesa – kopya ng talumpati
Pangungusap: hal. Mahaba ang isinulat niyang piyesa. - hurado – dalubhasa o tagahatol
Pangungusap: hal. Ang mga hurado ng paligsahan ay mula pa sa larangan ng pagbabalita at telebisyon. - nakamit – naabot, natanggap, nakuha
Pangungusap: hal. Nakamit niya ang pinakamataas na antas ng pagkapanalo.
- Gumising nang maaga si Czarina.
- Kinabisado niya ang talumpati habang nag-aalmusal.
- Tinandaan niya ang mga payo ng kaniyang guro.
- Sinunod niya ang lahat ng tagubilin ng kaniyang guro.
- Siya ay nagkamit ng unang puwesto.
- Si Czarina ay mag-aaral mula sa anim na baitang at napili siyang maging kalahok sa isang paligsahan ng pagtatalumpati.
- Si Czarina ay isang masunuring anak.
- Si Czarina ay mahusay na nakikinig sa payo ng kaniyang guro.
- Siya ay isinali sa isang paligsahan sa pagtatalumpati.
- Ang mga tagubilin sa kaniya ng kaniyang gurong tagapayo ay kabisaduhing mabuti ang piyesa upang magkaroon ng tiwala sa sarili, tumingin sa mata ng mga hurado, kausapin sila sa paraang naghihikayat, at huwag ipahalata kung may nakalimutang linya.
- Kinabisadong mabuti ni Czarina ang buong kopya ng talumpati at sinunod niya ang payo ng kaniyang guro.
- Dahil sa sinunod niya ang lahat ng tagubilin ng guro, nakamit niya ang unang puwesto.
- Magkakaiba-iba ang mga sagot ang mga mag-aaral.
- Magkakaiba-iba ang mga sagot ang mga mag-aaral.
- Mahalaga ang pagsunod sa mga tagubilin sapagkat sa ganitong paraan naipakikita ang katapatan at sigasig upang matuto ng iba’t ibang karanasan. Sa pamamagitan ng pagsunod ay nakakaiwas din sa anumang kapahamakan. Ito rin ay paraan upang ipakita ang paggalang at pagkilala sa karunungan at karanasan ng mas nakatatanda.
Magulang |
Paraan |
Guro |
Paraan |
1. huwag makipag-usap sa hindi kilala |
nagsasama ng kaibigan o kamag-anak kapag lumalabas ng bahay o paaralan |
1. pumasok nang maaga |
ginagawa agad ang takda at natutulog nang maaga |
2. laging magpapaalam kung saan pupunta |
sinasabi agad kung saan pupunta o nagsasama ng kapatid |
2. makinig nang mabuti sa klase |
tumatahimik at hindi nakikipagdaldalan sa oras ng klase |
3. huwag kakain ng mga pagkaing itinitinda sa kalsada |
nagbabaon ng biskuwit; kinakain ang pabaon ng ina |
3. maging laging handa sa klase |
nag-aaral lagi ng leksiyon |
4. huwag mamimili ng pagkain |
kinakain kung ano ang nakahain |
4. palaging maging malinis sa paligid |
hindi nagkakalat |
5. matutong magtipid |
iniingatan ang mga gamit ganoon din ang baong pera at pagkain |
5. maging maayos sa pagpasok |
araw-araw naliligo at hindi nagdudumi sa klase o habang naglalaro |
- Marunong makinig
- Marunong magtanong kung mayroong hindi naiintindihan
- Inaalam ang kahihinatnan ng gawain
- Iniisip ang kapakanan ng iba kaugnay sa gagawing desisyon
- Responsable sa desisyon
- Handang umamin, kilalanin, at ituwid ang pagkakamali
C. Mga posibleng sagot:
Paliwanag:
Ang isang mabuting lider ay alam ang kalakasan at kahinaan ng kaniyang mga nasasakupan. Hindi siya magbibigay ng mga gawain na mismong siya ay hindi kaya o ayaw gampanan. Ang karanasan ng isang lider na bigong sumunod sa isang tagubilin ay isang kahinaan. Mahalagang maunawaan niya na ang pagsunod sa mga tagubulin ay sumasangay sa iba’t ibang responsibilidad. Sumasalamin ito sa kakayahan niya na ingatan ang lahat ng responsibilidad niya.
Mga halimbawa:
- Ang isang mabuting lider ay marunong makinig. Inuunawa niya ang kahalagahan at kahihinatnan ng kaniyang mga desisyon.
- Sa pagsunod ng isang simpleng tagubilin, hindi lamang ang kaniyang sarili ang iniisip kundi pati ang magiging kalagayan ng mas nakararami.
- Sa kabiguang gampanan ang isang tagubilin, mahalagang mayroon din pag-amin ng pagkakamali ang isang lider. Sapagkat bilang lider, siya ay kumakatawan sa marami at hindi lamang sa kaniyang sarili. Sa pamamagitan ng pag-amin ay naipapakita niya ang kaniyang kababaang-loob.
Pantangi |
Pambalana |
Nicanor Cruz |
libro |
Banawe Rice Terraces |
paaralan |
Biogesic |
sabon |
Filipino |
hurado |
Magnolia |
inumin |
Colgate |
mang-aawit |
Cadbury |
laptop |
lutuin |
1. kape – Nescafe
2. sabon – Tide
3. doktor – Dr. Jose Fabella
4. ospital – Manila Doctors’ Hospital
5. awit – “Ang Bayan Ko”
6. gamot – Tempra
7. libro – Noli Me Tangere
8. bulaklak – Sampagita
9. bayani – Dr. Jose Rizal
10. sasakyan – Toyota