Wikang Sarili 5
Yunit 3: Makisangkot at Paunlarin ang Kamalayan
Susi sa Pagwawasto
Susi sa Pagwawasto
Aralin 23 Pangalagaan ang Kalikasan
SIMULAN
- Ang punong kawayan ay mainggitin.
- Naiinggit siya dahil maraming bunga ang santol, bayabas, kaimito, at makopa. Naiinggit din siya dahil may bulaklak ang rosal at sampaguita.
- Dahil sa inggit ay inutusan niya ang kaibigan niyang hangin at ulan na gawan ng masama ang kaniyang mga kinaiinggitan.
- Bilang parusa, pinayuyuko ni Bathala ang kawayan upang hindi na siya maging mainggitin at mapagmataas.
PALAWAKIN
Kasingkahulugan Kasalungat
- pangangalaga pag-aaruga pagpapabaya
- malusog masigla sakitin
- kagandahan kariktan kapangitan
- nakabubuti nakatutulong nakasasama
- hinahangaan pinupuri tinutuya
TALAKAYIN
- Kabilang sa mga pang-aabuso sa kapaligiran ang pagtatapon ng basura kung saan-saan, walang habas na pagputol sa mga puno, at pagbubuga ng maitim na usok mula sa mga sasakyan at pagawaan.
- Pinaaalalahanan sila na iwasan ang pagkakalat at pagsusulat sa mga lugar na kanilang dinadalaw. Tanging ang bakas lamang ng kanilang mga paa ang maaari nilang iwan.
- Mababawasan ang mga kalat na kalauna’y bumabara sa mga daanan ng tubig at nagiging sanhi ng pagbaha.
- Nais ng maraming tao na magkaroon ng magandang paligid na makikita pa ng mga susunod na henerasyon.
- Makatutulong sila sa pamamagitan ng patuloy na pagpapaalala sa mga turista na pangalagaan ang mga lugar na pinupuntahan nila.
KAYA MO ITO
Magkakaiba-iba ang mga sagot ng mga mag-aaral.
GAWIN MO
- raw
- naman
- pala
- tuloy
- yata
- pala
- pa
- nga
- muna
- na
MAGSANAY PA
A at B. Magkakaiba-iba ang mga sagot ng mga mag-aaral.
GAMITIN
A. Magkakaiba-iba ang mga sagot ng mga mag-aaral.
B. Gawain
B. Gawain