Yunit 2
Pakikipamuhay sa Pakikiisa
Aralin 16
Mahalaga ang Kalusugan
Pahina 188-202; Dalawang araw
MGA LAYUNIN NG LEKSIYON AT KATUMBAS NA K–12 KOMPETENSI
Layunin
|
K–12 Kompetensi
|
|
|
MGA ESENSIYAL NA KATANUNGAN
- Gaano kahalaga ang kalusugan sa isang batang katulad mo?
- Ano-ano ang dapat mong kainin upang maging malusog at upang magampanan mo ang mga gawain sa araw-araw?
TEKNOLOHIYA AT MGA SANGGUNIAN
- aklat na Wikang Sarili 2
MGA KAGAMITAN
- mga larawan ng prutas at gulay
- halimbawa ng pictograph
PAMAMARAAN
Unang Araw
Pagganyak
- Ipabasa sa mga mag-aaral ang talata sa Simulan sa pahina 189. Iugnay ito sa pakikinggang kuwento.
- Ibigay ang pamagat ng kuwentong pakikinggan ng mga mag-aaral. Itanong sa kanila kung ano ang nais nilang malaman tungkol sa kuwento. Isulat sa pisara ang mga katanungang ibibigay nila.
- Ipagawa ang gawain sa Palawakin sa pahina 190 upang mahasa ang talasalitaan ng mga mag-aaral.
- Muling ipaalaala ang mga tuntunin sa pakikinig ng kuwento.
Paglinang
- Basahin ang kuwentong “Nag-alala ang Lahat” sa mga pahina 188 hanggang 191. Gumamit ng estratehiya sa pagkukuwento na makahihikayat sa mga mag-aaral na makinig.
- Talakayin ang kuwento sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong sa Talakayin sa pahina 192. Sagutan din ang mga tanong na isinulat sa pisara.
- Bigyang-diin ang aral na makukuha mula sa kuwento. Hikayatin ang mga mag-aaral na magbahagi ng opinyon o karanasan kaugnay ng kuwentong napakinggan.
C. Paglalagom
- Hatiin ang klase sa apat na pangkat at ipagawa ang sumusunod:
a. Unang pangkat - Gamitin ang story grammar sa Palalimin sa pahina 193 upang tukuyin ang mga elemento ng kuwentong napakinggan.
b. Ikalawang pangkat – Muling ikuwento sa klase ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwentong napakinggan.
c. Ikatlong pangkat – Sumulat ng maikling kuwento tungkol sa inyong karanasan kapag kayo ay nagkakasakit.
d. Ikaapat na pangkat – Isadula ang bahagi ng kuwento na pinakaibig ninyo. Ipaliwanag sa klase kung bakit ang bahaging iyon ang inyong napili. - Ipaulat sa klase ang ginawa ng bawat pangkat. Magbigay ng komento tungkol sa ginawa ng mga mag-aaral.
- Ibigay ang sumusunod na panuto para sa takdang-gawain: Magbigay ng reaksiyon tungkol sa mga pagkaing niluluto at inihahain ng iyong nanay. Isulat ito sa iyong notebook.
Ikalawang Araw
Balik-aral
- Magbalik-aral tungkol sa tinalakay noong nakaraang pagkikita. Ipagawa ang mga gawain sa Pagsulat at Pagbaybay at sa Gamitin sa mga pahina 201 at 202.
- Tumawag ng mga mag-aaral para basahin ang kanilang ginawang takdang-aralin sa harap ng klase.
Pag-uugnay
- Ipakita sa mga mag-aaral ang mga larawan sa mga pahina 194, 196, at 200. Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang napansin nila sa mga larawan.
- Ipakilala ang pictograph. Ipaliwanag kung kailan at paano ito ginagamit.
- Matapos ang talakayan ay pasagutan sa mga mag-aaral ang tanong kaugnay ng pictograph sa mga pahina 194 at 195.
- Kapag naipaliwanag na nang maayos ang aralin ay pasagutan naman ang gawain sa Kaya Mo Ito sa mga pahina 196 at 197.
- Talakayin ang mga sagot ng mga mag-aaral upang mas maging malinaw ang pagkaunawa nila sa paksa.
C. Paglalagom
- Ipagawa ang gawain sa Gawin Mo sa mga pahina 197 hanggang 199. Ipasagot ang mga tanong pagkatapos ng gawain. Iwasto ang mga sagot ng mga mag-aaral.
- Lagumin ang aralin sa pamamagitan ng pagbasa sa nakasaad sa Tandaan sa pahina 195.
- Ibigay bilang takdang-gawain ang gawain sa Magsanay Pa sa mga pahina 200 at 201.