Yunit 2
Pakikipamuhay sa Pakikiisa
Aralin 15
Lahat ay Dapat Mabuhay
Pahina 171-187; Dalawang araw
MGA LAYUNIN NG LEKSIYON AT KATUMBAS NA K–12 KOMPETENSI
Layunin
|
K–12 Kompetensi
|
|
|
MGA ESENSIYAL NA KATANUNGAN
- Sa anong paraan mo mapangangalagaan ang ating kapaligiran?
- Ano-ano ang mga nilikha ng Diyos na dapat mapanatiling buhay? Bakit?
TEKNOLOHIYA AT MGA SANGGUNIAN
- aklat na Wikang Sarili 2
MGA KAGAMITAN
- sipi ng kwentong “Ang Halimaw at ang Batang May Maskara”
PAMAMARAAN
Unang Araw
Pagganyak
- Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga tanong sa Simulan sa pahina 171. Magkaroon ng maikling talakayan tungkol sa kanilang mga sagot.
- Ipabasa at talakayin ang talata sa Basahin sa pahina 171. Ipaunawa sa mga mag-aaral na, kahit bata, mayroon silang magagawa para mapangalagaan ang kalikasan.
- Kaugnay nito, magpasulat sa mga mag-aaral sa isang papel ng maikling talata tungkol sa pangako nilang gagawin para sa kalikasan.
- Sa pagsulat ng talata, ipaalaala sa mga mag-aaral ang wastong paggamit ng malalaking titik at ng mga bantas. Itsek ang mga ito at saka ipaskil ang gawa ng mga mag-aaral sa bulletin board ng klase.
- Sabihin sa kanila na ang pangangako na kanilang ginawa ay may kaugnayan sa kuwentong kanilang babasahin.
Paglinang
- Sabihin sa mga mag-aaral ang pamagat ng kuwentong kanilang babasahin at itanong kung ano ang mga nais nilang malaman tungkol dito.
- Isulat sa pisara ang makabuluhang mga tanong na ibibigay ng mga mag-aaral.
- Bago ipabasa ang kuwento ay muling ipaalala sa mga mag-aaral ang mga tuntunin sa pagbabasa nang tahimik.
- Ipabasa nang tahimik ang kuwento. Patnubayan sila habang nagbabasa.
- Ipagawa ang mga gawain sa Palawakin sa pahina 176 at Pagsulat at Pagbaybay sa pahina 186. Iwasto ang mga sagot.
- Talakayin ang kuwento sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na nakasulat sa pisara, gayundin sa mga nasa Talakayin sa pahina 177. Bigyang-diin ang aral na matututuhan mula sa kuwento.
Paglalagom
1. Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Ipagawa ang sumusunod bilang pangkatang gawain.
a. Unang pangkat – Isagawa ang gawain A sa Palalimin sa pahina 173.
b. Ikalawang pangkat - Isagawa ang gawain B sa Palalimin sa pahina 173.
c. Ikatlong pangkat – Basahin ang kuwentong “Ang Halimaw at ang Batang May Maskarado.” Ibigay ang paksa o kaisipan nito.

Ang Halimaw at ang Batang May Maskara
Sa isang maunlad na lugar, biglang may kakaibang nilalang ang lumitaw sa isang ilog. Ang ilog na ito ay dating malinis ngunit naging isang malaki at mabahong imburnal nang gawing tambakan ng basura ng mga taong naninirahan sa lungsod at ng mga dumi na galing sa mga pagawaan sa paligid nito.
Ang nilalang na sumulpot mula sa ilog ay kasinglaki ng punongkahoy at ubod nang baho. Marami itong galamay at bawat galamay ay may malaking bibig na kayang humigop ng tao.
Lahat ng tao na naninirahan sa lugar na iyon ay tumatakbo at sumisigaw sa takot kapag nakikita ang nilalang. Sinasaktan ng halimaw ang mga taong nasa kalye at dinudukot naman ng kaniyang mga galamay ang mga taong nasa loob ng bahay. Habang dumadami ang taong nasasaktan niya ay lalo siyang lumalaki at mas nagiging mabangis.
Sa gitna ng pagwawala ng halimaw sa loob ng isang paaralan ay biglang lumitaw ang isang batang may maskara. Sinigawan niya ang halimaw na noon ay malapit nang makuha ang isang bata mula sa isang silid-aralan. Pinutol niya ang mga galamay ng halimaw. Nabaling sa kaniya ang tingin ng halimaw at lalo itong nagwala.
Nakita ng mga tao ang katapangan ng batang may maskara kaya’t tinulungan nila ito upang magapi ang halimaw. Nanghina nga ang halimaw kaya’t nagkalakas-loob ang bata na tanungin ito kung bakit niya ginagawa ang paghahasik ng lagim sa mga tao sa lungsod.
Sumagot ang halimaw at sinabing siya ay nabuo dahil sa kapabayaan at pag-abuso ng tao sa kalikasan. Kasabay ng pag-unlad ng lungsod ay ang pagkasira ng kapaligiran. Kung hindi ito matitigil ay hindi lamang isang katulad niyang halimaw ang lilitaw upang puksain ang mga tao.
Kahit naghihingalo na ay nagbilin ang halimaw na kung ayaw na ng mga tao na may lumitaw ulit na katulad niya ay kailangang alagaan ng nila ang mundo, ang kapaligiran, upang mapanatili itong malinis at hindi wasak.
Dahil sa sinabi ng halimaw ay napagtanto ng mga tao ang kanilang pagkakamali at malaking kasalanan sa kalikasan at nangakong pangangalagaan na ang kapaligiran.

d. Ikaapat na pangkat – Basahin ang kuwentong “Ang Halimaw at ang Batang May Maskara.” Magbigay ng reaksiyon tungkol sa mensahe nito.
2. Ipaulat sa harap ng klase ang gawa ng bawat pangkat. Magbigay ng komento sa mga iniulat ng mga mag-aaral.
3. Bilang takdang-gawain, pahanapin ang mga mag-aaral ng balita tungkol sa kalamidad sa ating bansa. Ipasagot ang tanong: Dahil ba sa kapabayaan ng tao kung kaya patuloy na nasisira ang ating kalikasan? Pangatwiranan.

Ikalawang Araw
Pagbabalik-aral
- Tumawag ng mga mag-aaral na magbabasa ng kanilang takdang-gawain sa klase.
- Hayaang makisangkot ang ibang mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanilang opinyon tungkol sa mga kalamidad na nararanasan ng tao ngayon.
Pag-tatalakay
- Ipakuha sa mga mag-aaral ang kanilang mga aklat at ipasuri kung ano-ano ang kanilang nakikita rito. Itanong: May halaga ba para sa inyo ang inyong mga aklat? Bakit?
- Talakayin ang mga bahagi ng aklat ayon sa nakasaad sa Alamin sa mga pahina 179 at 180.
- Matapos ang pagtalakay ay pasagutan sa mga mag-aaral ang gawain sa Kaya Mo Ito sa mga pahina 181 at 182.
- Talakayin ang mga sagot upang mas mabigyan sila ng malinaw na kaalaman tungkol sa paksa.
Paglalagom
- Muling ipaisa-isa sa mga mag-aaral ang mga bahagi ng aklat. Ipasulat ito sa mga patlang sa Gamitin sa pahina 187.
- Ipasagot ang gawain sa Gawin Mo, gayundin ang gawain A sa Magsanay Pa, sa mga pahina 182 hanggang 184.
- Ibigay bilang takdang-aralin ang gawain B sa Magsanay Pa sa mga pahina 184 at 185.