Yunit 2
Pakikipamuhay sa Pakikiisa
Aralin 14
Pakikipagkaibigan
Pahina 159–170; Dalawang araw
MGA LAYUNIN NG LEKSIYON AT KATUMBAS NA K–12 KOMPETENSI
Layunin
|
K–12 Kompetensi
|
|
|
MGA ESENSIYAL NA KATANUNGAN
- Gaano kahalaga ang isang kaibigan sa isang batang katulad mo?
- Kailan mo dapat layuan ang isang kaibigan?
TEKNOLOHIYA AT MGA SANGGUNIAN
- aklat na Wikang Sarili 2
MGA KAGAMITAN
- larawan ng magkakaibigan na naglalaro
PAMAMARAAN
Unang Araw
Pagganyak
- Ipakita sa klase ang larawan ng magkaibigan na naglalaro. Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang nakikita nila sa larawan.
- Tumawag ng ilang mag-aaral na magkukuwento tungkol sa kanilang karanasan sa pagkakaroon ng kaibigan.
- Sabihin sa kanila na makikinig sila ng isang kuwento tungkol sa pagkakaibigan. Sabihin ang pamagat ng kuwento.
Pag-uugnay
- Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang masasabi nila sa pamagat ng kuwento at kung ano ang nais nilang malaman tungkol sa kuwentong pakikinggan.
- Isulat sa pisara ang mga nabuong tanong kaugnay ng mga nais malaman ng mga mag-aaral tungkol sa kuwento.
- Ipaalala sa mga mag-aaral ang mga tuntunin sa pakikinig.
- Bilang paghahawan ng balakid, ipasagot sa mga mag-aaral ang gawain sa Palawakin sa pahina 162 ng batayang aklat.
- Ikuwento sa mga mag-aaral ang “Pakikipag-usap sa Bagong Kakilala” sa mga pahina 159 hanggang 162. Gumamit ng pamamaraan o estratehiya sa pagkukuwento na makahihikayat ng lubos na pakikinig ng mga mag-aaral.
- Pagkatapos, ipasagot sa mga mag-aaral ang mga tanong na isinulat sa pisara. Talakayin din ang mga sagot sa mga tanong sa Talakayin sa pahina 163.
- Magkaroon ng maikling talakayan tungkol sa mga elemento ng isang kuwento gaya ng tauhan, tagpuan, at banghay. Ipaliwanag na ang mga tauhan ang nagsiganap sa kuwento, ang tagpuan ang mga lugar na pinangyarihan ng kuwento, at ang banghay ang nagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.
Paglalagom
1. Ipagawa ang sumusunod bilang pangkatang gawain kaugnay ng kuwentong “Ang Pakikipag-usap sa Bagong Kakilala.”
a. Unang pangkat - Ilarawan ang mga tauhan sa kuwento. Piliin ang mga tauhan na tumatak sa inyo at ipaliwanag kung bakit siya/sila ang napili ninyo.
b. Ikalawang pangkat – Ilarawan ang tagpuan ng kuwento. Ipaliwanag kung naging tugma ba ang tagpuan sa bawat pangyayari sa kuwento.
c. Ikatlong pangkat – Isulat ang banghay ng mga pangyayari sa kuwento.
d. Ikaapat na pangkat - Gamit ang graphic organizer, ibigay ang mga detalyeng nais ipabatid ng may-akda kaugnay ng kuwento.
a. Unang pangkat - Ilarawan ang mga tauhan sa kuwento. Piliin ang mga tauhan na tumatak sa inyo at ipaliwanag kung bakit siya/sila ang napili ninyo.
b. Ikalawang pangkat – Ilarawan ang tagpuan ng kuwento. Ipaliwanag kung naging tugma ba ang tagpuan sa bawat pangyayari sa kuwento.
c. Ikatlong pangkat – Isulat ang banghay ng mga pangyayari sa kuwento.
d. Ikaapat na pangkat - Gamit ang graphic organizer, ibigay ang mga detalyeng nais ipabatid ng may-akda kaugnay ng kuwento.
2. Ipabahagi sa klase ang gawa ng bawat pangkat. Magbigay ng komento sa ipinakita ng mga mag-aaral.
3. Ibigay bilang takdang-gawain ang mga pagsasanay sa Palalimin sa mga pahina 163 hanggang 165.
3. Ibigay bilang takdang-gawain ang mga pagsasanay sa Palalimin sa mga pahina 163 hanggang 165.
Ikalawang Araw
Balik-aral
- Iwasto ang sagot ng mga mag-aaral sa mga gawain A at C sa Palalimin.
- Tumawag ng mga mag-aaral upang basahin ang kanilang ginawang kuwento batay sa mga larawan sa gawain B.
- Balikan ang paksang tinalakay noong nakaraang pagkikita.
- Ipagawa ang gawain sa Pagsulat At Pagbaybay sa mga pahina 168 at 169.
Pag-uugnay
- Ipakita sa mga mag-aaral ang larawan sa pahina 165 at ipabasa ang diyalogo rito. Ipasagot ang mga tanong na kasunod ng mga larawan.
- Talakayin at ipaunawa ang gamit ng panghalip na paari. Ipakita sa mga mag-aaral ang mga halimbawa ng panghalip na paari sa talahanayan sa pahina 166. Hikayatin ang mga mag-aaral na magbigay ng mga pangungusap gamit ang mga panghalip na ito.
- Pasagutan sa mga mag-aaral ang gawain sa Kaya Mo Ito sa pahina 167.
- Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang tamang sagot upang mas maunawaan nila ang gamit ng panghalip na paari.
- Para sa mas ikalilinaw ng aralin, pasagutan ang mga pagsasanay sa Gawin Mo at Magsanay Pa sa mga pahina 167 at 168.
Paglalagom
- Hayaan ang mga mag-aaral na magbigay ng paglalahat sa tulong ng mga gabay na tanong. Sikaping masabi nila ang nakasaad sa Tandaan sa pahina 166 sa kanilang paglalahat.
- Bilang takdang-aralin, pasagutan ang gawain sa Gamitin sa pahina 170.