Yunit 2
Pakikipamuhay sa Pakikiisa
Aralin 13
Pagkakaisa Tungo sa Kapayapaan
Pahina 145–158; Tatlong araw
MGA LAYUNIN NG LEKSIYON AT KATUMBAS NA K–12 KOMPETENSI
Layunin
|
K–12 Kompetensi
|
|
|
MGA ESENSIYAL NA KATANUNGAN
- Ano-ano ang mga mahalagang bagay na pagkakakilanlan ng ating bansa?
- Paano ninyo iginagalang ang ating watawat?
TEKNOLOHIYA AT MGA SANGGUNIAN
- aklat na Wikang Sarili 2
MGA KAGAMITAN
- video ng mga estudyanteng hindi iginagalang ang watawat
- video player/computer
- larawan ng mga tao at bagay sa paligid
PAMAMARAAN
Unang Araw
Pagganyak
- Ipanood sa mga mag-aaral ang video na nagpapakita ng isang estudyante na hindi iginagalang ang watawat ng Pilipinas.
Talakayin kung bakit hindi ito dapat gawin ng isang mag-aaral. - Ipakilala sa mga mag-aaral ang United Nations. Sabihin din sa kanila ang tungkol sa pagdiriwang na ginagawa kaugnay nito tuwing buwan ng Oktubre.
- Ipabasa sa isang mag-aaral ang talata sa Basahin sa pahina 145. Ipabasa rin ang pamagat ng kuwentong pakikinggan nila.
- Itanong sa mga mag-aaral kung ano, sa palagay nila, ang tema ng kuwento batay sa pamagat nito.
- Bago basahin ang kuwento, pasagutan ang gawain sa Palawakin sa mga pahina 149 hanggang 152. Iwasto ang kanilang mga sagot.
- Ipaalala sa mga mag-aaral ang mga dapat tandaan habang nakikinig ng kuwento.
Paglinang
- Basahin sa klase ang kuwentong “Ang Kasaysayan ng Samahan ng mga Nagkakaisang Bansa” sa mga pahina 145 hanggang 149. Gumamit ng estratehiya na makapupukaw sa interes ng mga mag-aaral para makinig.
- Hikayatin din ang mga mag-aaral na tahimik na sumabay sa pagbabasa ng kuwento.
- Pagkatapos ng pagbasa, itanong sa mga mag-aaral kung tama ang naisip nilang tema ng kuwento batay sa pamagat nito.
- Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga tanong sa Talakayin sa mga pahina 152 at 153. Bigyang-diin ang aral na makukuha nila mula sa kuwento.
Paglalagom
- Hatiin ang klase para sa pangkatang gawain. Ibigay ang sumusunod na panuto sa mga pangkat.
a. Unang pangkat - Isulat ang buod ng kuwento.
b. Ikalawang pangkat – Ilarawan ang pinangyarihan ng kuwento.
c. Ikatlong pangkat – Isa-isahin ang mga tauhan sa kuwento.
d. Ikaapat na pangkat – Magkuwento ng isang karanasan na may kaugnayan sa kuwentong binasa. - Hayaang isalaysay ng bawat pangkat sa harap ng klase ang kanilang gawa. Magbigay ng komento tungkol sa mga ginawa ng mga mag-aaral.
- Ibigay bilang takdang-gawain ang pagtukoy sa pangunahing ideya ng talata sa bilang 1 sa Gamitin sa pahina 158.
Ikalawang Araw
Panimulang Gawain
- Ipabasa sa mga mag-aaral ang kanilang sagot sa takdang-gawain.
- Itanong sa kanila kung ano ang kanilang naging batayan sa pagtukoy ng pangunahing ideya sa binasang talata.
Pag-uugnay
- Talakayin ang nakasaad sa Palalimin sa pahina 153.
- Ipaliwanag sa mga mag-aaral kung ano ang pangunahing ideya. Bigyang-diin na ang pangunahing ideya ay tumutukoy sa pagkilala kung ano ang mahalaga. Nagsasaad din ito ng tema at aral na makukuha sa isang kuwento, sanaysay, o seleksiyon.
- Ipabasa ang mga talata sa pahina 154 at ipatukoy sa mga mag-aaral ang pangunahing ideya ng mga ito. Ipatukoy din ang pangunahing ideya ng talata sa bilang 2 sa Gamitin sa pahina 158.
- Maaaring magbigay pa ng ibang seleksiyon, gaya ng kuwento, awit, at tula, upang lalong malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagtukoy ng pangunahing ideya.
Paglalagom
- Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng kasanayan sa pagtukoy ng pangunahing ideya ng mga seleksiyon na kanilang binabasa.
- Bilang takdang-gawain, sabihin sa mga mag-aaral na balikan ang kuwentong “Ang Kasaysayan ng Samahan ng mga Nagkakaisang Bansa” at isulat sa notebook ang pangunahing ideya ng kuwento.
Ikatlong Araw
Pagbabalik-aral
- Iwasto ang takdang-gawain. Pumili ng mga mag-aaral na magbabasa ng kanilang gawa sa harap ng klase.
- Isagawa ang gawain sa Pagsulat at Pagbaybay sa pahina 158. Magdikta sa mga mag-aaral ng mga salitang ginamit sa nakaraang aralin.
- Gabayan ang mga mag-aaral sa gagawing pagsusulat. Tiyaking wasto ang kanilang pagkakasulat ng mga salita.
B. Pag-uugnay
- Ipakita sa mga mag-aaral ang mga inihandang larawan ng mga tao o bagay sa paligid.
- Hikayatin ang mga mag-aaral na gumawa ng mga pangungusap batay sa nakikita sa mga larawan. Sikaping makagawa sila ng mga pangungusap gamit ang mga salitang si, sina, ang, at ang mga.
- Ipabasa sa mga mag-aaral ang bawat pangungusap sa Alamin sa mga pahina 154 at 155.
- Pagkatapos basahin ang unang pangungusap, talakayin ang sagot sa mga tanong na kasunod nito. Ganito rin ang gawin sa mga susunod pang pangungusap.
- Talakayin ang wastong paggamit ng mga pantukoy na si at sina, ang at ang mga.
- Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga gawain sa Kaya Mo Ito at Gawin Mo sa mga pahina 156 at 157.
- Sabihin ang mga tamang sagot. Ipaliwanag kung bakit iyon ang mga wastong sagot sa pagsasanay upang higit na maunawaan ng mga mag-aaral ang tamang gamit ng mga pantukoy na tinalakay.
Paglalagom
- Muling itanong sa mga mag-aaral kung paano gamitin ang si, sina, ang, at ang mga sa pangungusap.
- Gabayan ang pagsagot ng mga mag-aaral upang masabi nila ang nakasaad sa Tandaan sa pahina 155 bilang paglalagom sa aralin.
- Ibigay bilang takdang-aralin ang gawain sa Magsanay Pa sa pahina 157.