Yunit 2
Pakikipamuhay sa Pakikiisa
Aralin 12
Handang Pagtulong
Pahina 133–144; Tatlong araw
MGA LAYUNIN NG LEKSIYON AT KATUMBAS NA K–12 KOMPETENSI
Layunin
|
K–12 Kompetensi
|
|
|
MGA ESENSIYAL NA KATANUNGAN
- Paano mo nalalaman ang nangyayari sa iyong paligid?
- Bakit mahalagang may kaalaman sa mga nangyayari sa kapaligiran?
TEKNOLOHIYA AT MGA SANGGUNIAN
- aklat na Wikang Sarili 2
MGA KAGAMITAN
- diyaryo
- mga larawan ng telebisyon at radyo
- maikling video tungkol sa sunog sa isang komunidad
- video player/computer
- PowerPoint presentation
- manila paper
PAMAMARAAN
Unang Araw
Pagganyak
- Ipakita sa mga mag-aaral ang diyaryo, gayundin ang mga larawan ng telebisyon at radyo.
- Itanong sa mga mag-aaral ang sumusunod:
a. Ano-ano ang naiisip ninyo kapag nakikita ninyo ang mga ito?
b. Ano ang ibinibigay nito sa mga tao? - Patingnan sa mga mag-aaral ang mga larawan sa Palawakin sa mga pahina 136 at 137. Ipagawa ang gawain at pagkatapos ay iwasto ang kanilang mga sagot.
Paglinang
- Ihanda ang mga mag-aaral sa pakikinig ng kuwentong “Ang Bagyong Paparating.”
- Itanong sa kanila kung ano ang kanilang masasabi sa pamagat ng kuwento. Itanong din kung ano ang gusto nilang malaman tungkol sa kuwentong ito.
- Isulat sa pisara ang mga tanong kaugnay ng mga nais malaman ng mga mag-aaral tungkol sa kuwentong babasahin.
- Bago basahin ang kuwento, ibigay muna sa mga mag-aaral ang mga tuntunin na dapat nilang sundin ukol sa pakikinig.
- Gumamit ng estratehiya sa pagkukuwento na makakukuha ng interes ng mga mag-aaral.
- Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga katanungan na isinulat sa pisara. Talakayin din ang mga sagot sa mga tanong sa Talakayin sa mga pahina 137 at 138.
Paglalagom
- Pangkatin ang klase sa apat at ipagawa ang sumusunod:
a. Unang pangkat – Magkuwento ng mga naging karanasan tungkol sa bagyo.
b. Ikalawang pangkat - Magbigay ng reaksiyon tungkol sa napakinggang kuwentong “Ang Bagyong Paparating.”
c. Ikatlong pangkat – Gumawa ng islogan tungkol sa paghahandang dapat gawin kapag may paparating na kalamidad.
d. Ikaapat na pangkat - Gumawa ng dula-dulaan kung paano makatutulong sa mga nasalanta ng bagyo. - Tawagin isa-isa ang mga pangkat para ipakita sa klase ang kani-kanilang gawa.
- Magbigay ng komento sa ginawa ng bawat pangkat upang maganyak silang mapaganda ang kanilang susunod na mga presentasyon at upang mabigyang-diin ang aralin.
- Magpakita ng isang maikling video tungkol sa isang komunidad na nasunugan. Sabihin sa mga mag-aaral na sumulat ng maikling talata tungkol sa naramdaman nila kaugnay ng napanood na video. Ipagawa ito bilang takdang-aralin.
Ikalawang Araw
Balik-aral
- Magbalik-aral tungkol sa nakaraang talakayan.
- Ipabasa sa mga mag-aaral ang sinulat na maikling talata tungkol sa napanood na video noong nakaraang pagkikita.
Pag-uugnay
- Ipasagot ang mga katanungan sa Palalimin sa pahina 138.
- Talakayin ang nakasaad sa pahina 139 tungkol sa silid-aklatan at sa mga alituntunin na dapat sundin kapag naririto.
- Sabihin sa mga mag-aaral na pupunta sila sa silid-aklatan ng paaralan. Hatiin ang klase sa apat na pangkat.
- Ipaalala sa mga mag-aaral ang tinalakay na mga tuntunin kapag nasa silid-aklatan.
- Ibigay ang sumusunod na mga panuto para sa gagawin ng bawat pangkat sa loob ng silid-aklatan.
a. Unang pangkat – Isulat ang mga karanasan sa loob ng silid-aklatan.
b. Ikalawang pangkat – Isulat kung ano-ano ang mga nakikita sa loob ng silid-aklatan.
c. Ikatlong pangkat - Isulat kung ano-anong tuntunin ang pinaiiral sa loob ng silid-aklatan at kung sino ang namamahala rito.
d. Ikaapat na pangkat – Isulat kung saan matatagpuan ang sumusunod:
- encyclopedia
- diksyonaryo
- mapa
- mga aklat ng kuwento
- mga computer
Paglalagom
- Ipaulat sa bawat pangkat ang kanilang mga gawa.
- Pasagutan ang mga gawain A at B sa Palalimin sa mga pahina 139 at 140.
Ikatlong Araw
Pagbabalik-aral
- Pasagutan sa mga mag-aaral ang sumusunod na mga katanungan:
a. Bakit tinatawag na silid-aklatan ang lugar na pinuntahan ninyo noong nakaraang pagkikita?
b. Ano-ano ang nakita mo sa loob ng silid-aklatan?
c. Ano-anong aklat ang iyong nakita?
d. Nais mo pa bang bumalik sa silid-aklatan? Bakit? - Ipagawa bilang isang laro ang gawain sa Pagsulat at Pagbabaybay sa pahina 143.
Pag-uugnay
- Ipakita sa mga mag-aaral, sa pamamagitan ng PowerPoint presentation o nakasulat sa manila paper, ang ilan sa mga salita na ginamit nila sa pagsagot sa mga tanong. Ipabasa ang mga ito sa kanila.
a. mesa at silya
b. aklat at mapa
c. encyclopedia at diksyonaryo
d. computer at CD
e. masaya at nakatutuwa - Itanong kung ano ang napansin nila sa mga salita. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsagot upang masabi nila na may dalawang salita sa bawat aytem. Itanong: Anong salita ang ginamit upang mapagsama ang dalawang salita?
- Ipapansin naman sumusunod na pares ng mga salita.
a. mesa o silya
b. aklat o mapa
c. encyclopedia o diksyonaryo
d. computer o CD
e. masaya o nakatutuwa - Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang pagkakaiba ng mga pares sa unang listahan at ng mga pares sa ikalawa.
- Talakayin ang gamit ng mga salitang at at o ayon sa nakasaad sa Alamin sa pahina 141.
- Pasagutan ang mga gawain sa Kaya Mo Ito, Gawin Mo, at Magsanay Pa sa mga pahina 142 at 143. Pumili ng gawain na sasagutan ng mga mag-aaral nang pasalita.
Paglalagom
- Hayaan ang mga mag-aaral na magbigay ng paglalahat tungkol sa tinalakay sa pamamagitan ng mga gabay na tanong.
- Sikaping sa kanilang pagsagot, masasabi nila ang nakasaad sa Tandaan sa pahina 141.
- Ibigay bilang takdang-aralin ang gawain sa Gamitin sa pahina 144.