Yunit 2
Pakikipamuhay sa Pakikiisa
Aralin 11
Pag-uunawaan
Pahina 122–132; Tatlong araw
MGA LAYUNIN NG LEKSIYON AT KATUMBAS NA K–12 KOMPETENSI
Layunin
|
K–12 Kompetensi
|
|
|
MGA ESENSIYAL NA KATANUNGAN
- Bakit mahalagang magkaunawaan ang mga tao?
- Ano ang dapat gawin ng mga tao upang magkaunawaan?
TEKNOLOHIYA AT MGA SANGGUNIAN
- aklat na Wikang Sarili 2
MGA KAGAMITAN
- recording ng iba’t ibang wika
- larawan na may kaugnayan sa kuwento
- manila paper at marker
- PowerPoint presentation
- computer
- LCD projector
- improvised fish pond
- makukulay na papel na hugis isda
PAMAMARAAN
Unang Araw
Pagganyak
- Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain sa Simulan sa pahina 122 ng batayang aklat. Tumawag ng ilang mag-aaral upang ipakita at ilarawan sa klase ang kanilang iginuhit.
- Ipabasa ang pamagat ng kuwento sa pahina 123. Itanong: Ano ang masasabi mo sa pamagat ng kuwento? Ano ang nais mong malaman tungkol dito?
- Isulat sa pisara ang mga tanong tungkol sa mga nais malaman ng mga mag-aaral tungkol sa kuwento.
- Pasagutan sa mga mag-aaral ang gawain sa Palawakin sa pahina 125 upang hawan ang balakid at upang malaman ng mga mag-aaral ang kahulugan ng mga salitang mababasa sa kuwento.
- Itanong: Ano ang mga dapat tandaan kapag nagbabasa nang tahimik? Ipaalaala sa mga mag-aaral ang mga pamantayan sa pagbasa.
Paglinang
- Patingnan sa mga mag-aaral ang larawan sa pahina 123. Itanong: Ano ang nakikita ninyo sa larawan?
- Iparinig ang recording ng iba’t ibang wika, at saka itanong: Maaari bang maging dahilan ng hindi pagkakaunawaan ang pagkakaiba ng wika? Tanggapin ang anumang sagot ng mga mag-aaral at iugnay ito sa babasahing kuwento.
- Ipabasa nang tahimik ang kuwentong “Ang Kahariang Di Magkaunawaan” sa mga pahina 123 at 124. Maaari ding gumamit ng ibang estratehiya sa pagbasa na makapupukaw sa interes ng mga mag-aaral.
- Pagkatapos mabasa ang kuwento, balikan ang mga tanong na isinulat sa pisara. Talakayin ang mga sagot sa mga tanong na ito. Pag-usapan ang kuwento sa pamamagitan ng pagsagot ng mga mag-aaral sa mga katanungan sa Talakayin sa pahina 126.
- Muling itanong: Batay sa kuwento, maaari bang maging dahilan ng hindi pagkakaunawaan ang pagkakaiba ng wika? Tumawag ng ilang mag-aaral upang sumagot.
Paglalagom
- Isulat sa pisara ang salitang pagkakaunawaan at ipakilala ito bilang paksa ng pangkatang gawain. Hatiin ang klase sa tatlong pangkat at ipagawa ang sumusunod:
a. Unang pangkat – Mag-isip ng limang salita na may kaugnayan sa paksa. Isulat ang mga salita sa manila paper at humandang iulat ito sa klase.
b. Ikalawang pangkat – Mag-isip ng isang sitwasyon na nagpapakita ng pagkakaunawaan. Isulat ang ito sa manila paper at humandang iulat ito sa klase.
c. Ikatlong pangkat – Mag-isip ng isang karanasan na may kaugnayan sa paksa. Isulat ang ito sa manila paper at humandang iulat ito sa klase. - Ipaulat sa mga mag-aaral ang napag-usapan sa kanilang pangkat. Magbigay ng komento sa iniulat ng mga mag-aaral.
- Ibigay ang sumusunod na panuto para sa takdang-gawain: Magtanong sa mga magulang kung kailan at bakit nila kayo inuunawa bilang anak.
Ikalawang Araw
Pagbabalik-ara
- Tumawag ng mga mag-aaral upang ibahagi sa klase ang kanilang sagot sa takdang-aralin.
- Magbalik-aral tungkol sa paksang tinalakay noong nakaraang pagkikita. Itanong ang sumusunod:
a. Ano ang pamagat ng kuwentong inyong binasa kahapon?
b. Ano ang aral na inyong natutuhan mula sa kuwento?
Pag-uugnay
- Ipakita sa mga mag-aaral, sa pamamagitan ng PowerPoint presentation o nakasulat sa manila paper, ang sumusunod na mga pangungusap na ginamit sa kuwentong binasa.
a. Noong unang panahon, sa Kahariang Pili, ang mga tao ay laging nagkakagalit.
b. Pinatawag ang lahat ng marurunong sa mga lugar na kaniyang nasasakupan.
c. Nagpasya ang hari na ang wikang ginagamit ng nakararami ang siyang wikang gagamitin sa pakikipag-ugnayan. - Sabihin sa mga mag-aaral na bigyang-pansin ang mga salitang may salungguhit sa bawat pangungusap. Itanong: Ano ang napansin ninyo sa mga salitang may salungguhit?
- Gabayan ang mga mag-aaral upang mabanggit nila na ang Kahariang Pili ay nagsisimula sa malalaking letra samantalang ang mga salitang lugar at hari ay nagsisimula sa maliliit na letra.
- Talakayin ang nakasaad sa Alamin sa mga pahina 127 at 128 tungkol sa tamang pagsulat ng mga pangngalang pantangi at pambalana.
- Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga gawain sa Kaya Mo Ito sa pahina 129 at sa Pagsulat at Pagbaybay sa pahina 131. Iwasto ang kanilang mga sagot sa bawat gawain.
- Pasagutan din ang mga gawain sa Gawin Mo at Magsanay Pa sa mga pahina 129 at 130. Maaari itong pasagutan nang pasalita. Iproseso ang mga sagot ng mga mag-aaral.
- Ibigay bilang takdang-aralin ang mga gawain sa Gamitin sa mga pahina 131 at 132.
Paglalagom
- Basahin ang nakasaad sa Tandaan sa pahina 128.
- Ipasagot ang mahalagang tanong kaugnay ng aralin: Bakit mahalagang malaman ang wastong paraan ng pagsulat ng mga pangngalang pantangi at pambalana?
Pagtataya
Ipagawa sa mga mag-aaral ang sumusunod: Guhitan ang mga pangngalang ginamit sa pangungusap.
a. Nagpulong sina Rizal sa Calamba.
b. Takot ako sa ahas.
c. Napakahusay na mag-aaral ni Ana.
d. Nakilala ko si Azon sa paligsahan.
e. Nasusunog ang bahay.
a. Nagpulong sina Rizal sa Calamba.
b. Takot ako sa ahas.
c. Napakahusay na mag-aaral ni Ana.
d. Nakilala ko si Azon sa paligsahan.
e. Nasusunog ang bahay.
Ikatlong Araw
Pagbabalik-aral
- Magbalik-aral tungkol sa nakaraang aralin.
- Iwasto ang sagot ng mga mag-aaral sa takdang-aralin.
Pag-uugnay
- Itanong: Ano ang nararamdaman mo kapag nagbabasa ka ng kuwento?
- Ipasagot din ang mga tanong sa Palalimin sa pahina 126: Nakikita mo bang nagbabasa ng diyaryo ang iyong tatay? Sa iyong palagay, bakit kaya niya binabasa ang diyaryo?
- Basahin nang malakas ang sumusunod na sanaysay tungkol sa dahilan kung bakit nagbabasa ang tao.
Mahalagang-mahalaga ang pagbabasa. Sa bawat aklat, kuwento, at artikulong mababasa mo, tinutulungan ka nitong maintindihan ang mga bagay-bagay. Hinahasa nito ang iyong isipan.
Madaling malaman kung nagbabasa ang isang tao o hindi. Alam niya ang nangyayari sa paligid. Alam niya kung ano ang sasabihin niya. Kaya niyang magkuwento tungkol sa mga bagay-bagay. Wala siyang takot. Makikita mo sa kaniyang pagsasalita at pagsusulat na nagbabasa siya.
Nagbibigay-saya rin ang pagbabasa. Sa tulong ng pagbabasa, nakakakilala ka ng iba’t ibang tao, nakapupunta ka sa iba’t ibang lugar, at nakararamdam ka ng iba’t ibang damdamin.
Kaya’t napakahalaga ng pagbabasa sa buhay ng isang tao. Lalo na kung ang larangang nais mong pasukin ay ang pagsusulat. Sa pagbabasa, tinuturuan kang kayaning tanggapin ang kahit na isang libong mga ideyang pumapasok sa iyong isipan. Higit sa lahat, kaya mong hawakan ang iyong isipan. Kaya mong pasunurin.
Madaling malaman kung nagbabasa ang isang tao o hindi. Alam niya ang nangyayari sa paligid. Alam niya kung ano ang sasabihin niya. Kaya niyang magkuwento tungkol sa mga bagay-bagay. Wala siyang takot. Makikita mo sa kaniyang pagsasalita at pagsusulat na nagbabasa siya.
Nagbibigay-saya rin ang pagbabasa. Sa tulong ng pagbabasa, nakakakilala ka ng iba’t ibang tao, nakapupunta ka sa iba’t ibang lugar, at nakararamdam ka ng iba’t ibang damdamin.
Kaya’t napakahalaga ng pagbabasa sa buhay ng isang tao. Lalo na kung ang larangang nais mong pasukin ay ang pagsusulat. Sa pagbabasa, tinuturuan kang kayaning tanggapin ang kahit na isang libong mga ideyang pumapasok sa iyong isipan. Higit sa lahat, kaya mong hawakan ang iyong isipan. Kaya mong pasunurin.
Pagtalakay
- Magkaroon ng talakayan tungkol sa binasang sanaysay gamit ang mga tanong sa Palalimin sa pahina 127.
- Sikaping maunawaan ng mga mag-aaral mula sa pagtalakay ang kahalagahan ng pagbabasa, lalo na kung paano ito nakatutulong upang makakuha ng maraming ideya ang isang nagbabasa.
Pagsasanay
- Isagawa sa klase ang isang pinatnubayang pagsasanay para sa mga mag-aaral. Maghanda ng improvised fish pond gamit ang isang kahon na dinesenyuhan na parang fish pond o aquarium. Maaari ding gumamit ng fish bowl. Maghanda rin ng makukulay na papel na hugis isda at magsulat sa likod nito ng mga tanong tungkol sa mga paksang tinalakay.
- Tumawag ng ilang mag-aaral upang “mamingwit” ng isdang papel mula sa fish pond. Ipabasa ang tanong na nakasulat dito at saka ipasagot.
- Bilang malayang pagsasanay, papuntahin ang mga mag-aaral sa silid-aklatan ng paaralan at hayaan silang pumili ng mga aklat na kanilang babasahin.
Paglalagom
1. Papunan ang sumusunod na tsart sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong
Ano ang pamagat ng aklat na iyong binasa? | Ano ang natutuhan mo sa aklat na iyong binasa? | Matapos mabasa ang aklat na ito, magbabasa ka pa ba ng ibang aklat? Bakit? | Ipapayo mo rin ba sa ibang bata ang pagbabasa? Bakit? |
2. Iproseso ang mga sagot. Lagumin ang aralin batay sa sagot ng mga mag-aaral at ayon sa mga layunin ng aralin.