Yunit 1
Ang Mabuting Bata
Aralin 1
Mabuting Kaibigan
Pahina 2–19; Limang araw
MGA LAYUNIN NG LEKSIYON AT KATUMBAS NA K–12 KOMPETENSI
Layunin
|
K–12 Kompetensi
|
|
|
MGA ESENSIYAL NA KATANUNGAN
- Bilang bata, ano ang maaari mong maitulong sa iyong kapuwa at bayan?
- Bakit dapat panatilihin ang paggamit ng magagalang na salita sa pakikipag-usap?
TEKNOLOHIYA AT MGA SANGGUNIAN
- aklat na Wikang Sarili 2
MGA KAGAMITAN
- mga larawan na may kaugnayan sa kuwentong "Ang Bagong Kaibigan"
- sipi ng maikling kuwentong "Huwag Pera ang Ibigay Mo"
- bond paper
- nakarekord na usapan ng bata at matanda
- sound system/speaker
- mga larawan ng bata sa iba't ibang sitwasyon o okasyon
- mga istrip ng papel
- mga larawan ng pabalat ng aklat
- kahon
- diksyunaryo
PAMAMARAAN
Unang Araw
Pagganyak
- Sabihin sa mga mag-aaral, “Muli ninyong gunitain ang mga pangyayari at mga karanasan noong kayo ay nasa unang baitang pa lamang. Paano kayo nagkaroon ng mga kaibigan noon?”
- Tumawag ng ilang mag-aaral para sumagot.
- Ipasagot sa mga mag-aaral ang gawain A sa Palawakin sa pahina 6 ng batayang aklat upang magkaroon sila ng ideya sa kahulugan ng mga salitang ginamit sa babasahing kuwento.
- Ipaliwanag ang kahalagahan ng pag-unawa sa kahulugan ng mga salita sa teksto. Bigyang-diin na ito ay isang mahalagang kasanayan sa pagbabasa.
- Upang maihanda ang mga mag-aaral sa babasahing kuwento, ipasagot ang mga katanungan sa Simulan sa pahina 2. Tumawag ng ilang mag-aaral para magbahagi ng kanilang sagot.
- Magpakita ng mga larawan na may kaugnayan sa kuwento. Maaari ring ipakita ang mga larawan sa mga pahina 3 at 5.
- Ganyakin ang mga mag-aaral na magtanong tungkol sa mga larawang ipinakita. Isulat ang mga katanungan sa pisara.
Paglinang
- Gamit ang estratehiyang malikhaing pagkukuwento, basahin ang kuwentong “Ang Bagong Kaibigan” sa mga pahina 2 hanggang 5.
- Sagutin ang mga pangganyak na tanong na isinulat sa pisara.
- Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga katanungan sa Talakayin sa pahina 9 upang masukat kung naunawaan nila ang kuwento. Ipasagot din ang dalawang tanong sa gawain A sa Palalimin sa pahina 10.
- Talakayin ang kuwentong binasa. Tumawag ng mga mag-aaral para ibahagi ang kanilang mga sagot sa mga tanong sa Talakayin at Palalimin. Bigyang-diin ang mga aral na makukuha sa kuwento.
- Balikan ang mga tanong na isinulat sa pisara. Ipaliwanag kung paano gumawa ng mga katanungan na nagsisimula sa Ano, Saan, Sino, Kailan, at Bakit.
C. Paglalagom
- Pangkatin ang klase sa dalawa. Pumili ng maaaring lider sa bawat pangkat na siyang mangunguna. Pumili rin ng isang mag-aaral na maaaring mag-ulat sa harap ng klase. Bigyan ang bawat pangkat ng kopya ng maikling kuwentong "Huwag Pera ang Ibigay Mo." Ipabasa sa mga mag-aaral ang kuwento.
Huwag Pera ang Ibigay Mo
Magkaibigan sina Mar at Zen. Magkalaro sila. Madalas nagtutulungan sila sa mga takdang gawain na ibinibigay ng kanilang guro.
Minsan sa kanilang pag-uwi galing sa paaralan, nakita ni Mar na may batang nagpapalimos sa tabi ng daan. Ibibigay na sana
niya ang perang natira sa kaniyang baon ngunit pinigilan siya ni Zen.
“Huwag pera ang ibigay mo. Ito na lang. May tinapay pa akong natira,” ang paliwanag ni Zen kay Mar.
“Bakit hindi pera para mabili niya ang gusto niyang pagkain?” ang nagtatakang tanong ni Mar.
“Itong tinapay na baon ko ang ibibigay natin para makain niya agad at mapawi ang kaniyang gutom. Hindi tayo nakasisiguro
na ibibili nga niya ng pagkain ang perang ibibigay mo,” ang sagot ni Zen.
“Ganoon ba? May katwiran ka nga. Sige, ako na ang mag-aabot sa kaniya.” ang sabi ni Mar.
Agad nga niyang iniabot ang tinapay sa batang nagpapalimos. Habang naglalakad sila, nakita ni Zen na napapangiti si Mar.
“O, bakit masaya ka yata?” tanong ni Zen.
“Ganito pala ang pakiramdam kapag may natutulungan tayo kahit sa maliit na bagay lang.”
Napangiti na rin si Zen sa sinabi ni Mar at nagpatuloy na sa paglalakad patungo sa kanilang mga bahay.
Magkaibigan sina Mar at Zen. Magkalaro sila. Madalas nagtutulungan sila sa mga takdang gawain na ibinibigay ng kanilang guro.
Minsan sa kanilang pag-uwi galing sa paaralan, nakita ni Mar na may batang nagpapalimos sa tabi ng daan. Ibibigay na sana
niya ang perang natira sa kaniyang baon ngunit pinigilan siya ni Zen.
“Huwag pera ang ibigay mo. Ito na lang. May tinapay pa akong natira,” ang paliwanag ni Zen kay Mar.
“Bakit hindi pera para mabili niya ang gusto niyang pagkain?” ang nagtatakang tanong ni Mar.
“Itong tinapay na baon ko ang ibibigay natin para makain niya agad at mapawi ang kaniyang gutom. Hindi tayo nakasisiguro
na ibibili nga niya ng pagkain ang perang ibibigay mo,” ang sagot ni Zen.
“Ganoon ba? May katwiran ka nga. Sige, ako na ang mag-aabot sa kaniya.” ang sabi ni Mar.
Agad nga niyang iniabot ang tinapay sa batang nagpapalimos. Habang naglalakad sila, nakita ni Zen na napapangiti si Mar.
“O, bakit masaya ka yata?” tanong ni Zen.
“Ganito pala ang pakiramdam kapag may natutulungan tayo kahit sa maliit na bagay lang.”
Napangiti na rin si Zen sa sinabi ni Mar at nagpatuloy na sa paglalakad patungo sa kanilang mga bahay.
2. Atasan ang unang pangkat na gumawa ng mga katanungan na nagsisimula sa Ano, Saan, Sino, Kailan, at Bakit batay sa kuwento. Ang ikalawang pangkat naman ay atasang magsulat ng mga katangian ng mga tauhan sa kuwento. Hayaang iulat ng bawat pangkat ang kanilang gawa sa harap ng klase.
3. Ibigay ang sumusunod na panuto para sa takdang gawain:
a. Gumupit ng isang balita mula sa diyaryo.
b. Batay dito, gumawa ng mga katanungan na nagsisimula sa Ano, Saan, Sino, Kailan, at Bakit.
c. Isulat din kung ano-ano ang katangian ng mga tauhan sa balita.
d. Ilagay ang mga ito sa isang maikling bond paper.
3. Ibigay ang sumusunod na panuto para sa takdang gawain:
a. Gumupit ng isang balita mula sa diyaryo.
b. Batay dito, gumawa ng mga katanungan na nagsisimula sa Ano, Saan, Sino, Kailan, at Bakit.
c. Isulat din kung ano-ano ang katangian ng mga tauhan sa balita.
d. Ilagay ang mga ito sa isang maikling bond paper.
Ikalawang Araw
Pagbabalik-aral
- Itanong sa mga mag-aaral ang sumusunod:
a. Ano ang nais ipahiwatig nina Anton sa pagtulong nila sa bagong kamag-aral?
b. Kung ikaw ang bagong kaeskuwela nina Anton, paano mo tatanggapin ang kanilang sinabi? Bakit? - Tumawag ng ilang mag-aaral para sumagot sa mga tanong.
- Pasagutan sa mga mag-aaral ang gawain B sa Palawakin sa mga pahina 7 at 8. Talakayin ang nakasaad sa pahina 7 tungkol sa pag-unawa sa kahulugan ng mga salita.
- Pangunahan ang mga mag-aaral sa pagsasagawa ng laro. Hatiin ang klase sa dalawang pangkat---pangkat A at pangkat B.
a. Bigyan ng sapat na panahon ang dalawang pangkat upang makapag-isip ng mga salitang pahiwatig at magamit ang mga ito sa pangungusap.
b. Pagkatapos ng takdang oras, ang pangkat A ang unang magbabasa ng kanilang gawa habang ang pangkat B naman ang sasagot kung ano ang ipinahihiwatig ng binasa.
c. Pagkatapos ng pangkat A, ang pangkat B naman ang magbabasa, na sasagutan naman ng pangkat A.
d. Kung sino sa mga pangkat ang may pinakamaraming tamang sagot, sila ang panalo. Maaaring bigyan ng gantimpala ang mananalong pangkat.
Paglalapat
- Ipabanggit sa mga mag-aaral kung paano ang paggamit ng palatandaan sa pagbibigay ng kahulugan.
- Pasagutan sa kanila ang sumusunod:
a. Ang bayan ni Marlo ay kanugnog lang ng bayan ni Anton. Lagi silang magkasabay sa pag-uwi dahil iisang dyip lang ang kanilang sinasakyan. Ano ang ipinahihiwatig ng salitang kanugnog?
b. "Tantanan mo ako sa iyong kakulitan,” ang madalas na sabi ni Inay sa akin. Pag ganyan ang sinasabi niya, lumalayo na ako sa kaniya at baka mapalo pa ako. O kaya tumatahimik na lang ako sa isang tabi. Ano ang ipinahihiwatig ng salitang tantanan? - Magbigay ng mga salitang pahiwatig na siyang bibigyang-kahulugan ng mga mag-aaral. Ipagawa ito sa bahay bilang takdang gawain.
Ikatlong Araw
Pagbabalik-aral
- Magbalik-aral tungkol sa nakaraang aralin. Iwasto ang takdang gawain ng mga mag-aaral.
- Itanong: Ano-anong mga salitang magagalang ang ginamit ng mga mag-aaral sa kuwentong "Ang Bagong Kaibigan"?
Pag-uugnay
- Itanong sa mga mag-aaral ang sumusunod:
a. Ano ang pagkakaiba ng mga batang Pilipino sa mga bata mula sa ibang bansa?
b. Ano ang mga salita na madalas na ginagamit ninyo kapag nakikipag-usap kayo sa mga nakatatanda sa inyo?
c. Sa inyong palagay, bakit dapat nating panatilihin ang paggamit ng magagalang na salita sa pakikipag-usap? - Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbigay ng sagot.
- Magparinig ng mga nakarekord na usapan na nagpapakita kung paano makipag-usap ang mga bata sa mga nakatatanda. Halimbawa nito ay ang pakikipag-usap ng bata sa tindera habang bumibili ng pagkain o kaya sa guro habang nagtatanong tungkol sa aralin.
- Ipasulat sa mga mag-aaral ang mga magagalang na salitang ginamit ng mga bata sa pakikipag-usap sa mga nakatatanda sa kanila.
- Talakayin ang mga usapan na ipinarinig. Bigyang-diin kung paano ginamit ang magagalang na salita sa pakikipag-usap.
- Magpaskil ng iba't ibang larawan na nagpapakita ng pag-uusap sa iba't ibang sitwasyon o okasyon. Maaaring magpakita ang mga ito ng pakikipag-usap ng mag-aaral sa guro, pagbati ng bata sa mga magulang sa pagdating mula sa trabaho, pagbati sa lola na nagdiriwang ng kaarawan, pakikiramay sa namatayan, at iba pa.
- Itanong sa mga mag-aaral kung anong angkop na pagbati ang dapat na gamitin sa mga sitwasyong ipinakikita sa larawan.
- Ipabasa ang nakasaad sa Alamin sa pahina 14. Ipaliwanag ang mga pagbating nakalista.
- Ipasagot ang gawain A sa Kaya Mo Ito sa pahina 15. Iproseso ang sagot ng mga mag-aaral.
Paglalagom
- Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang dapat nilang tandaan sa pakikipag-usap at ano ang mga angkop na pagbati sa iba't ibang sitwasyon. Ipabasa nang malakas ang nasa Tandaan sa pahina 14.
- Ipasagot ang gawain B sa Kaya Mo Ito sa mga pahina 15 at 16. Iwasto ang kanilang mga sagot.
- Bilang takdang gawain, pasagutan sa mga mag-aaral ang mga gawain sa Gawin Mo at Magsanay Pa sa mga pahina 16 at 17.
Ikaapat na Araw
Pagbabalik-aral
- Iwasto ang takdang gawain ng mga mag-aaral. Magbalik-aral tungkol sa nakaraang aralin.
- Itanong sa mga mag-aaral ang sumusunod:
a. Ano ang natutuhan mo kahapon?
b. Anong ginawa mo sa iyong natutuhan?
c. Sa paggising mo kaninang umaga, anong pagbati ang sinabi mo sa iyong mga magulang?
d. Araw ng pagsilang ng iyong kamag-aaral ngayon, ano ang iyong sasabihin sa kaniya? - Tumawag ng mga mag-aaral para sumagot.
Pag-uugnay
- Sabihin sa mga mag-aaral na ilabas nila ang kanilang mga aklat mula sa kanilang bag.
- Ipapansin sa kanila ang hugis at kulay ng mga aklat, gayundin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito.
- Magpakita ng iba pang mga aklat. Isulat sa mga istrip ng papel ang maaring pamagat ng mga aklat batay sa pabalat ng mga ito at saka ipaskil ang mga papel sa pisara.
- Tumawag ng mga mag-aaral at papiliin ng tamang sagot para sa pamagat ng aklat na iyong ipapakita.
- Ulitin ito sa iba pang mga aklat hanggang masanay ang mga mag-aaral sa paghula ng pamagat ng aklat sa pamamamagitan ng pagtingin sa pabalat nito.
- Pasagutan sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa gawain C (I) sa Palalimin sa pahina 12. Iwasto ang kanilang mga sagot.
Paglalagom
- Hayaang ang mga mag-aaral ang maglagom tungkol sa aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gabay na katanungan na iyong ibibigay.
- Ipasagot sa kanila ang gawain C (II) sa Palalimin sa pahina 13. Maaari rin itong ibigay bilang takdang gawain.
Ikalimang Araw
Pagbabalik-aral
- Magbalik-aral tungkol sa nakaraang aralin.
- Ipalaro sa mga mag-aaral ang larong Picture Frame. Maghanda ng mga papel na may larawan ng pabalat ng iba't ibang aklat. Itupi ang mga ito at ilagay sa isang kahon.
- Pangkatin sa dalawa ang klase. Pabunutin ng papel mula sa kahon ang unang pangkat. Kailangang gayahin nila ang larawan na nasa papel. Sa bilang na sampu, dapat mabuo ng unang pangkat ang kanilang picture frame.
- Huhulaan naman ng ikalawang pangkat ang maaaring nilalaman ng aklat na inilarawan ng unang pangkat sa picture frame. Pagpasyahan kung katanggap-tanggap ang kanilang sagot.
- Pagkatapos, ang ikalawang pangkat naman ang bubuo ng picture frame na huhulaan ng kabilang pangkat.
Pag-uugnay
- Ipapansin sa mga mag-aaral ang mga bagay na nakikita sa loob ng silid-aralan.
- Itala sa pisara ang lahat ng bagay na babanggitin nila hanggang sa makabuo ng maraming salita.
- Itanong sa mga mag-aaral kung sa anong letra nagsisimula ang bawat salitang nakatala sa pisara.
- Magpakita ng isang diksyunaryo at sabihin sa mga mag-aaral kung anong klaseng aklat ito. Itanong kung gaano kahalaga sa mga mag-aaral ang diksyunaryo.
- Talakayin ang tungkol sa pagkakaayos ng mga salita sa nasabing aklat.
- Tumawag ng mga mag-aaral upang pagsunud-sunurin ang mga salitang nakatala sa pisara batay sa alpabetong Filipino.
- Ipagawa ang gawain B (I) sa Palalimin sa mga pahina 10 at 11. Iwasto ang mga sagot.
Paglalagom
- Ipabasa ang nakasulat sa Palalimin sa pahina 10 tungkol sa pagsusunod-sunod ng mga salita batay sa alpabeto.
- Pasagutan ang gawain B (II) sa Palalimin sa pahina 11. Bigyang-diin ang kahalagahan ng kasanayan sa pagsusunod-sunod ng mga salita.
- Ipagawa sa mga mag-aaral ang Pagsulat at Pagbabaybay sa mga pahina 18 at 19.