Aralin 9
Ang Kahulugan ng Kagandahan
Paksang Aralin
Panitikan: "Kagandahan: Sa Pamamaraang Koreano" (Sanaysay ni Julia Yoo)
Gramatika: Pagtatalumpati: Pagpapahayag ng Paninindigan at Mungkahi
Gramatika: Pagtatalumpati: Pagpapahayag ng Paninindigan at Mungkahi
Layunin
- Naipaliliwanag ang mga kaisipan, layunin, paksa, at paraan ng pagkakabuo ng sanaysay
- Nabibigyang-puna ang paraan ng pagsasalita ng taong nagpapahayag ng kaniyang paninindigan
- Nakatatamo ng kasiyahan sa pakikinig ng talumpati
- Naipahahayag ang pananaw tungkol sa napapanahong isyu sa pamamagitan ng talumpati
Kagamitan
- batayang aklat na Bulwagan 9 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 111–125
- larawan ng iba’t ibang artista
Bilang ng Sesyon: 4 (isang oras sa bawat sesyon)
Mahahalagang Tanong
- Maaari bang magbago ang kultura ng isang bansa sa paglipas ng panahon?
- Paano mabisang maipahahayag ang sariling paninindigan at mungkahi?
Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
- Ipakita sa mga estudyante ang larawan ng iba’t ibang artista, lokal man o banyaga. Itanong kung ano ang tingin nila sa mga artistang ito.
- Papunan sa kanila ang semantic map sa panimulang gawain sa pahina 112 ng batayang aklat at pagkatapos ay pasagutan ang dalawang tanong na kaugnay nito.
- Magsagawa ng dalawahang pagbabahaginan ng sagot. Pagkatapos, pumili ng ilang estudyante upang ibahagi sa klase ang kanilang sagot.
Pagpapayaman ng Talasalitaan
Ipagawa ang nakasaad sa Talasik sa pahina 118. Iwasto ang mga sagot pagkatapos.
Pagsusuri at Pagtalakay
- Ipabasa nang tahimik ang sanaysay na "Kagandahan: Sa Pamamaraang Koreano" sa mga pahina 112 hanggang 117.
- Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang sanaysay. Gawing gabay ang mga tanong sa Muling Pag-isipan sa pahina 118.
Pagsasanay at Paglalahat
Ipagawa ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa mga pahina 119 at 120. Talakayin ang mga sagot ng mga estudyante sa bawat gawain.
Paglalahat
- Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung anong mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.
- Lagumin ang aralin batay sa sagot ng mga estudyante at ayon sa mga layuning pampanitikan ng aralin.
Takdang-aralin
Ipabasa ang talumpati at aralin sa Pagsusuring Panggramatika sa mga pahina 121 hanggang 123.
Integrasyon sa Gramatika
Pagbabalik-aral at Pagganyak
- Itanong sa mga estudyante kung ano-ano ang mga bentaha at desbentaha ng teknolohiya. Isulat ang kanilang sagot sa pisara sa anyong tsart.
- Pag-usapan sa klase ang mga sagot. Maaaring sa bahaging ito ay magkaroon ng debate ang mga estudyante sa inisa-isang bentaha at desbentaha ng teknolohiya.
Pagsusuri at Pagtalakay
- Ipabasa nang tahimik ang talumpati sa Alamin Natin sa mga pahina 121 at 122. Pagkatapos, magkaroon ng pagpapalitan ng kuro-kuro gamit ang mga tanong na kasunod nito.
- Talakayin ang tungkol sa pagpapahayag ng paninindigan at mungkahi sa pamamagitan ng pagtatalumpati. Ipaisa-isa sa mga estudyante ang mga paraan o gabay sa pagpapahayag ng paninindigan o mungkahi, gayundin ang mga salita o ekspresyong ginagamit para dito. Hayaan silang magbigay ng sariling pangungusap gamit ang mga salita sa pagpapahayag ng paninindigan at mungkahi.
- Pag-usapan ang mga hakbang para sa mabisang pagtatalumpati. Isa-isahin din ang mga paghahandang dapat tandaan bago magtalumpati.
Pagsasanay at Paglalahat
- Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa mga pahina 124 at 125. Gamitin ang sumusunod na pamantayan sa pagmamarka ng sanaysay na isusulat nila sa gawain A.
2. Markahan ang pagtatalumpating gagawin ng mga estudyante sa gawain C gamit ang sumusunod na pamantayan.
Pagbubuod
- Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa pahina 125.
- Tumawag ng mga estudyante upang ibahagi ang kanilang mga sagot at upang lagumin ang mga natutuhan sa klase.
Takdang-aralin
Ipabasa ang maikling kuwentong "Rashomon" sa mga pahina 127 hanggang 133.
Karagdagang Pagsasanay
Manood ng mga talumpati ng mga pangulo ng Pilipinas. Paghambingin ang kanilang mga estilo sa pagbigkas.