Aralin 11
Wagas na Pagmamahal
Paksang Aralin
Panitikan: "Prinsesa ng Buwan" (Halaw sa Dulang Kaguya-Hime na mula sa Hapon)
Gramatika: Gamit ng mga Pangatnig sa Malikhaing Pagsulat at Iba’t Ibang Uri ng Pangatnig
Gramatika: Gamit ng mga Pangatnig sa Malikhaing Pagsulat at Iba’t Ibang Uri ng Pangatnig
Layunin
- Nasusuri ang binasang dula batay sa pagkakabuo at mga elemento nito
- Napaghahambing ang mga napanood na dula batay sa mga katangian at elemento ng bawat isa
- Nakasusulat ng isang maikling dula tungkol sa karaniwang buhay ng mga tao sa isang bansa sa Silangang Asya
Kagamitan
- batayang aklat na Bulwagan 9 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 138–149
- recording o video ng alinman sa sumusunod na mga awit:
- "Anak" ni Freddie Aguilar
- "Sa Ugoy ng Duyan" ni Aiza Seguerra
- "Iingatan Ka" ni Carol Banawa
- "Sirena" ni Gloc 9
- mga papel na hugis puso
- larawan ng mga miyembro ng pamilya na nasa isang larangan
Bilang ng Sesyon: 4 (isang oras sa bawat sesyon)
Mahahalagang Tanong
- Paano naiiba ang dula sa iba pang akdang pampanitikan?
- Paano nagagamit ang mga pangatnig sa malikhaing pagsulat ng mga akda?
Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
- Iparinig sa mga estudyante ang alinman sa sumusunod na mungkahing awit mula sa YouTube o ibang katulad na sanggunian.
- "Hulog ng Langit" ni Donna Cruz mula sa www.youtube.com/watch?v=ucyeMeUBfQk
- "Anak" ni Freddie Aguilar mula sa www.youtube.com/watch?v=ibmh64itn1M
- "Sa Ugoy ng Duyan" ni Aiza Seguerra mula sa www.youtube.com/watch?v=j6keYp0VWR8
- "Iingatan Ka" ni Carol Banawa mula sa www.youtube.com/watch?v=7zHrw56DtJk
- "Sirena" ni Gloc 9 mula sa www.youtube.com/watch?v=3nKmv5oDzBw - Pag-usapan ang mensahe ng pinakinggang awit.
- Ipagawa ang panimulang gawain sa pahina 139 at pasagutan ang mga tanong na kasunod nito.
- Magsagawa ng dalawahang pagbabahaginan ng sagot. Ipasulat sa mga papel na hugis puso ang magkakatulad nilang sagot, saka idikit ang mga ito sa pisara o dingding. Balikan ang mga ito sa talakayan matapos basahin ang dula.
Pagpapayaman ng Talasalitaan
- Ipasagot ang nakasaad sa Talasik sa mga pahina 143 at 144 tungkol sa salitang may higit sa isang kahulugan. Iwasto ang mga sagot.
- Tumawag ng ilang estudyante upang ibahagi sa klase ang pangungusap na kanilang nabuo.
Pagsusuri at Pagtalakay
- Pumili ng mga estudyante upang basahin ang mga diyalogo sa dulang "Prinsesa ng Buwan" sa mga pahina 139 hanggang 142.
- Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang dula. Gawing gabay ang mga tanong sa Muling Pag-isipan sa pahina 144. Idagdag sa talakayan ang sumusunod na mga tanong:
a. Alin sa mga sagot ninyo (sa panimulang gawain) ang katangian ng magulang sa dula?
b. Paano nakatutulong ang mga katangiang ito sa pagpapalaki ng mga magulang sa kani-kanilang mga anak?
Pagsasanay
- Ipagawa ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa mga pahina 144 at 145. Tumawag ng mga estudyante upang ipakita sa klase ang ginawa nilang pictomap sa gawain A.
- Ibigay bilang takdang-gawain ang panonood at pagsasaliksik ng dula sa mga gawain B at C. Ipabahagi sa klase ang detalye ng mga napanood o nasaliksik na dula.
Paglalahat
- Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung anong mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.
- Lagumin ang aralin batay sa sagot ng mga estudyante at ayon sa mga layuning pampanitikan ng aralin.
Takdang-aralin
Ipabasa ang artikulo at aralin sa Pagsusuring Panggramatika sa mga pahina 146 hanggang 148.
Integrasyon sa Gramatika
Pagbabalik-aral at Pagganyak
- Ipakita ang larawan ng pamilya, mag-ama, o mag-ina na nasa parehong larangan [halimbawa: mag-amang Benjie at Kobe Paras (basketbol), mag-inang Corazon at Noynoy Aquino (politika), mag-inang Jenine Desiderio at Janella Salvador (pag-awit), at iba pa.]
- Itanong sa mga estudyante kung ano ang pagkakatulad ng mga tao sa larawang kanilang nakita.
Pagsusuri at Pagtalakay
- Ipabasa nang tahimik ang artikulo sa Alamin Natin sa pahina 146. Pagkatapos, magkaroon ng pagpapalitan ng kuro-kuro gamit ang mga tanong na kasunod nito.
- Talakayin ang iba’t ibang uri ng pangatnig at ang gamit ng mga ito. Tingnan ang nakasaad sa Talakayin Natin sa mga pahina 146 hanggang 148.
- Pangkatin ang mga estudyante upang bumuo ng diyalogo gamit ang iba’t ibang pangatnig. Maaaring pumili ng alinman sa sumusunod na mga paksa para sa gagawing diyalogo.
a. Pagmamahalan sa pamilya
b. Pag-aaral nang mabuti
c. Talentong angkin ng pamilya
Pagsasanay at Paglalahat
- Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa mga pahina 148 at 149. Talakayin ang mga sagot sa mga gawain A at B.
- Gamitin ang sumusunod na pamantayan para sa pagmamarka ng maikling dulang isusulat nila sa gawain C.
Pagbubuod
- Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa pahina 149.
- Tumawag ng mga estudyante upang ibahagi ang kanilang mga sagot at upang lagumin ang mga natutuhan sa klase.
Takdang-aralin
Ipabasa ang "Ang Alamat ng Lawa ng Araw-Buwan" sa mga pahina 150 hanggang 156.
Karagdagang Pagsasanay
Magsulat ng isang liham ng pasasalamat para sa iyong magulang.