Aralin 10
Ang Dignidad at Kahirapan
Paksang Aralin
Panitikan: "Rashomon" (Maikling kuwento mula sa Hapon)
Gramatika: Masining na Pagsasalaysay
Gramatika: Masining na Pagsasalaysay
Layunin
- Nahihinuha ang kulturang nakapaloob sa binasang maikling kuwento
- Napahahalagahan ang sariling kultura
- Nailalarawan ang sariling kultura sa maikling salaysay
Kagamitan
- batayang aklat na Bulwagan 9 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 126–137
- video ng trailer ng pelikulang "Attack on Titan"
- larawan ng iba’t ibang lugar sa Pilipinas o sa ibang bansa
Bilang ng Sesyon: 4 (isang oras sa bawat sesyon)
Mahahalagang Tanong
- Paano nagagamit ang tagpuan sa maikling kuwento sa paglalahad ng kultura ng isang bansa?
- Paano gagawing masining ang pagsasalaysay ng isang kuwento?
Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
- Ipanood sa klase ang trailer ng pelikulang "Attack on Titan" mula sa www.youtube.com/watch?v=TD20XEAP4jc o ibang katulad na sanggunian.
- Pasagutan ang mga tanong sa panimulang gawain sa pahina 127 ng batayang aklat.
- Magsagawa ng Think-Pair-Square para sa pagbabahaginan ng sagot. Pagkatapos, pumili ng kinatawan mula sa bawat pangkat upang ibahagi sa klase ang kanilang sagot.
Pagpapayaman ng Talasalitaan
- Ipasagot ang nakasaad sa Talasik sa pahina 133 tungkol sa pagbibigay-kahulugan sa mga imahen at simbolo. Tanggapin ang anumang sagot ng mga estudyante.
- Pasagutan itong muli at saka talakayin matapos basahin ang kuwento.
Pagsusuri at Pagtalakay
- Ipabasa nang tahimik ang maikling kuwentong "Rashomon" sa mga pahina 127 hanggang 133.
- Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang maikling kuwento. Gawing gabay ang mga tanong sa Muling Pag-isipan sa pahina 133.
Pagsasanay
- Ipagawa ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa mga pahina 134 at 135. Talakayin ang mga sagot sa gawain A.
- Ibigay bilang takdang-gawain ang ibang bahagi gaya ng panonood sa YouTube o pagsasaliksik ng maikling kuwento. Para sa gawain B, maaari din namang magpanood sa klase ng mga bahagi ng teleserye o pelikula na siyang paghahambingin ng mga estudyante.
Paglalahat
- Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung anong mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.
- Lagumin ang aralin batay sa sagot ng mga estudyante at ayon sa mga layuning pampanitikan ng aralin.
Takdang-aralin
Ipabasa ang seleksiyon at aralin sa Pagsusuring Panggramatika sa mga pahina 135 at 136.
Integrasyon sa Gramatika
Pagbabalik-aral at Pagganyak
- Ipakita sa mga estudyante ang mga larawan ng iba’t ibang lugar sa Pilipinas at/o sa ibang bansa. Itanong sa kanila kung saang pelikula at/o teleserye ito ginamit. Tingnan ang ilang halimbawa sa ibaba:
a. Bohol – "Dolce Amore" (teleserye ng ABS-CBN, 2016)
b. Milan, Italya – "Milan" (pelikula ng Star Cinema, 2004)
c. Palawan – "Ningning" (teleserye ng ABS-CBN, 2015)
d. United Kingdom – "Caregiver" (pelikula ng Star Cinema, 2008)
e. Dubai, UAE – "Dubai" (pelikula ng Star Cinema, 2005) - Pag-usapan sa klase ang ginagampanan ng tagpuan sa pelikula o sa anumang akdang pampanitikan.
Pagsusuri at Pagtalakay
- Ipabasa nang tahimik ang bahagi ng kuwentong "Suyuan sa Tubigan" sa Alamin Natin sa mga pahina 135 at 136. Pagkatapos, magkaroon ng pagpapalitan ng kuro-kuro gamit ang mga tanong na kasunod nito. Iugnay ito sa tatalakaying paksa.
- Talakayin ang tungkol sa masining na pagsasalaysay ayon sa nakasaad sa Talakayin Natin sa pahina 136.
- Ipaisa-isa sa mga estudyante ang dapat isaalang-alang upang maging masining ang pagsasalaysay. Maaari silang pangkatin upang gumawa ng isang talaan na may pamagat na "Resipi sa Masining na Pagsasalaysay."
Pagsasanay at Paglalahat
- Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa pahina 137. Talakayin ang kanilang mga sagot sa mga gawain A at B.
- Gamitin ang sumusunod na pamantayan sa pagmamarka ng maikling salaysay na isusulat nila sa gawain C.
Pagbubuod
- Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa pahina 137.
- Tumawag ng mga estudyante upang ibahagi ang kanilang mga sagot at upang lagumin ang mga natutuhan sa klase.
Takdang-aralin
Ipabasa ang dulang "Prinsesa ng Buwan" sa mga pahina 139 hanggang 142.
Karagdagang Pagsasanay
Magsagawa ng “Umpukan ng mga Estudyante.” Ilarawan sa inyong kamag-aaral ang tipikal na maghapon
sa buhay ng isang estudyante. Magkuwento tungkol sa mga ginagawa ninyo o ng mga estudyanteng katulad
ninyo sa pamamagitan ng masining na pagsasalaysay.
sa buhay ng isang estudyante. Magkuwento tungkol sa mga ginagawa ninyo o ng mga estudyanteng katulad
ninyo sa pamamagitan ng masining na pagsasalaysay.