Yunit 1
Lupang Pangako
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Mindanao
Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ang isang makatotohanang proyektong panturismo
Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ang isang makatotohanang proyektong panturismo
Pangkalahatang Layunin ng Yunit 1
- Natutukoy ang iba’t ibang akdang pampanitikan ng Mindanao tulad ng kuwentong-bayan, pabula, epiko, maikling kuwento, maikling katha, at tula
- Nagagamit nang tama ang mga pahayag na nagbibigay ng mga patunay, mga ekspresyon ng posibilidad, mga pang-ugnay na ginagamit sa pagbibigay ng sanhi at bunga, mga pang-ugnay na ginagamit sa panghihikayat, mga pang-ugnay na ginagamit sa pagpapahayag ng saloobin, mga retorikal na pang-ugnay, at mga pangungusap na walang tiyak na paksa sa pangungusap
- Nakabubuo ng isang proyektong panturismo tulad ng isang brochure na naglalaman ng kagandahan ng isla ng Mindanao
Panimula
Ang Mindanao bilang Lupang Pangako ay magiging daluyan ng pag-asa ng kulturang Pilipino, at ang pag-unawa sa kanilang akdang pampanitikan ay magiging daan sa pagpapalaganap ng panitikang Pilipino.
Ang Yunit 1: Lupang Pangako ay tumatalakay sa mga akdang pampanitikan ng Mindanao tulad ng mga kuwentong-bayan, pabula, epiko, maikling katha, at komedya. Ang mga akdang pampanitikan na ito bilang paksa ay makatutulong sa pagtalakay upang maunawaan at mapahalagahan ng mga estudyante ang mga kaugalian, kultura, at tradisyon ng mga Pilipino sa Mindanao. Ang mga akdang ito ay makatutulong din upang lalong matalakay nang may pagpapahalaga ang panitikang Pilipino sa kabuuan.
Makatutulong ang pagbuo ng isang proyektong panturismo para sa patuloy na pagkilala sa Mindanao at sa buhay ng mga tao rito. Ang isang proyekto gaya ng brochure, na maaaring mabuo gamit ang mga kasanayang pangwika, ay makapagsusulong ng kagandahan ng Mindanao at makatutulong sa pag-unlad ng bansa.

Mahahalagang Tanong Para sa Yunit 1
- Bakit mahalagang pag-aralan at unawain ang mga akdang pampanitikan mula sa Mindanao?
- Paano makatutulong ang wastong paggamit ng iba’t ibang pang-ugnay at mga pangungusap na walang paksa sa mabisang pagpapahayag, lalo na sa pagbuo ng isang proyektong panturismo?
Mga Layunin para sa Panimulang Pagtataya
- Nailalahad ang dating kaalaman at kasanayan sa mga akdang pampanitikan ng taga-Mindanao sa pamamagitan ng panimulang pagtataya
- Nailalarawan ang dating kaalaman sa gramatika at retorika sa mga paksang may kinalaman sa pang-ugnay, mga ekspresyon ng posibilidad, at mga pangungusap na walang paksa
Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
- Patingnan sa mga estudyante ang mga larawan sa pahina 1 ng batayang aklat.
- Itanong sa kanila kung ano ang inaasahan nilang matutuhan mula sa yunit batay sa mga larawang nakita.
- Ihanda sila sa panimulang pagtataya.
- Ipaliwanag sa mga estudyante na ang layunin ng panimulang pagtataya ay malaman ang kanilang dating kaalaman, kasanayan, at ang mga bagay na hindi pa nalalaman. Ipaalam din sa mga estudyante na ang kanilang iskor sa pagtatayang ito ay hindi itatala kung kaya’t hindi ito makaaapekto sa kanilang pangkalahatang marka.
Pagsusuri at Pagtalakay
- Ipagawa ang pagsasanay sa Panimulang Pagtataya para sa Yunit 1, bilang 1 hanggang 25, sa mga pahina 2 hanggang 5 ng batayang aklat.
- Bigyan ng sapat na oras ang mga estudyante sa pagsagot ng panimulang pagtataya.
- Itsek ang kasagutan ng mga estudyante. Tumawag ng mga estudyante upang ibigay ang kanilang kasagutan at itama ang anumang pagkakamali nila.
Pagbubuod
- Ipabuod ang mga kasagutan ng mga estudyante ayon sa layunin ng pagtataya.
- Muling itanong kung ano ang inaasahan nilang matutuhan mula sa yunit batay sa ginawang pagtataya.
Takdang-aralin
- Ipabasa ang kuwentong “Ang Alamat ng Eklipse” sa mga pahina 7 hanggang 9 ng batayang aklat.
- Ipasagot ang tanong: Bakit mahalagang pag-aralan ang mga kuwentong-bayan mula sa Mindanao?
- Sabihin sa mga estudyante na magsaliksik tungkol sa kahulugan ng kuwentong-bayan, pabula, epiko, at komedya bilang mga akdang pampanitikan. Sabihin din sa kanila na maghanda para sa malayang talakayan tungkol dito.