Aralin 1
Pangako sa Pagkakasundo
Paksang Aralin
Panitikan: "Ang Alamat ng Eklipse" (Kuwentong-bayan mula sa Mindanao)
Gramatika: Mga Pang-ugnay na Ginagamit sa Pagbibigay ng Patunay
Gramatika: Mga Pang-ugnay na Ginagamit sa Pagbibigay ng Patunay
Mga Layunin
- Natutukoy ang kahalagahan ng kuwentong-bayan ng Mindanao sa kulturang Pilipino
- Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kwentong-bayan batay sa pangyayari at usapan ng mga tauhan
- Nailalahad at nagagamit nang wasto ang mga pang-ugnay na nagbibigay ng patunay sa pangungusap
- Naisusulat ang mga patunay na ang kuwentong-bayan ay salamin ng tradisyon o kaugalian ng mga tao sa lugar na pinagmulan nito
Mga Kagamitan
- batayang aklat na Bulwagan 7 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 6–15
- larawan ng eklipse
Bilang ng Sesyon: 4 (isang oras sa bawat sesyon)
Mahahalagang Tanong
- Bakit mahalagang pag-aralan ang mga kuwentong-bayan mula sa Mindanao?
- Ano-anong pang-ugnay ang maaaring gamitin sa pagbibigay ng mga patunay?
Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
- Ipabasa sa mga estudyante ang mahahalagang tanong para sa aralin.
- Tumawag ng ilang mag-aaral para sumagot.
Pagpapayaman ng Talasalitaan
- Ipasagot ang gawain sa Talasik sa pahina 9 ng batayang aklat.
- Magkaroon ng pagtalakay sa mga tamang sagot sa gawain. Iwasto ang mga kasingkahulugan at kasalungat na mga salita na ibibigay ng mga estudyante.
Pagsusuri at Pagtalakay
- Ipakita sa mga estudyante ang larawan ng isang eklipse at itanong ang sumusunod:
a. Ano ang eklipse?
b. Kailan at paano ito nagaganap?
c. Ano-ano ang mga panimula kapag nagkakaroon ng isang eklipse?
d. Mayroon ba kayong alam na kuwento tungkol sa eklipse? - Ipagawa ang panimulang gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, ang pagbibigay-kahulugan sa salitang pag-ibig, sa pahina 7 ng batayang aklat. Ipasagot din ang mga tanong na kasunod ng gawain. Pumili ng tatlo hanggang limang estudyante upang talakayin ang kanilang sagot sa harap ng klase.
- Ipabasa nang tahimik ang kuwentong "Ang Alamat ng Eklipse" sa mga pahina 7 hanggang 9. Maglaan ng sapat na oras para dito.
- Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang teksto. Gawing gabay ang mga tanong sa Muling Pag-isipan sa pahina 10. Idagdag ang sumusunod na mga katanungan:
a. Ano ang kuwentong-bayan?
b. Paano mo mapananatiling buhay ang mga kuwentong-bayan?
c. Bakit mahalaga ang kuwentong-bayan sa panitikang Pilipino?
d. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga kuwentong-bayan mula sa Mindanao? - Iproseso ang mga sagot ng mga estudyante.
- Ipabasa at talakayin ang mga nakasaad sa Tandaan sa mga pahina 8 at 9. Pag-usapan ang iba pang pangkat ng kuwentong-bayan bukod sa alamat–ang mito at ang salaysayin.
Pagsasanay
- Ipasagot ang mga pagsasanay A at C sa Masusing Gampanan sa mga pahina 10 at 11. Talakayin ang mga sagot ng mga estudyante.
- Ibigay bilang takdang-gawain ang panonood ng isang kuwentong-bayan, gaya ng nakasaad sa gawain B sa pahina 11. Ipalahad sa klase ang kanilang sagot sa talahanayan.
Paglalahat
- Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung anong mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.
- Ipabuod ang aralin batay sa kanilang mga sagot at ayon sa layuning pampanitikan ng aralin.
Takdang-aralin
- Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang mga pang-ugnay na ginagamit sa pagbibigay ng patunay, ayon sa nakasaad sa Talakayin Natin sa pahina 13 ng batayang aklat.
- Ipasagot ang tanong: Paano makatutulong ang wastong paggamit ng pang-ugnay sa pagbibigay ng patunay sa pangungusap?
Integrasyon sa Gramatika
Pagbabalik-aral at Pagganyak
Itsek ang takdang-aralin. Pumili ng tatlo hanggang limang estudyante upang talakayin ang kanilang sagot.
Itama ang anumang maling sagot nila.
Itama ang anumang maling sagot nila.
Pagsusuri at Pagtalakay
- Ipabasa ang artikulo sa Alamin Natin sa pahina 12 ng batayang aklat. Pagkatapos ay ipasagot ang mga tanong na kasunod nito. Tumawag ng ilang estudyante upang ibahagi ang kanilang mga sagot sa mga tanong.
- Talakayin ang mga pang-ugnay na ginamit sa pagbibigay ng patunay sa artikulo.
- Isa-isahin ang mga pang-ugnay na nagbibigay-patunay batay sa nakasaad sa Talakayin Natin sa pahina 13.
- Hayaang magbigay ng mga sariling halimbawa ang mga estudyante.
Pagsasanay at Paglalahat
- Pasagutan ang mga pagsasanay A at B sa Himayin Natin sa pahina 14 bilang indibiduwal na pagsasanay.
- Ipalahad sa klase ang sagot ng mga estudyante. Itama ang mga maling kasagutan nila.
- Ipagawa ang gawain C sa Himayin Natin sa pahina 15 bilang pangkatang gawain.
Pagbubuod
- Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa pahina 15.
- Tumawag ng tatlo hanggang limang estudyante upang ilahad ang kanilang mga kasagutan.
- Ipabuod ang mga kasagutan ng mga estudyante ayon sa mga layunin ng aralin.
Takdang-aralin
- Ipabasa ang pabulang "Lalapindigowa-i: Kung Bakit Maliit ang Beywang ng Putakti" sa mga pahina 17 at 18 ng batayang aklat.
- Ipasagot ang tanong: Bakit kinagigiliwan ng mga mambabasa, lalo na ng mga bata, ang pabula?
- Sabihin sa mga estudyante na magsaliksik tungkol sa pabula.
Karagdagang Pagsasanay
A. Ibigay ang mga pangyayari sa binasang alamat na hindi kapanipaniwala, at pagkatapos ay magbigay ng reaksiyon ukol dito.
B. Bumuo ng konsepto tungkol sa araling tinalakay batay sa mga salitang nakasulat sa kahon.