Yunit 1
Mga Aral Mula sa Panitikang Mediterranean
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Mediterranean
Pamantayan sa Pagganap: Nakabubuo ng kritikal na pagsusuri o critique tungkol sa alinmang akdang pampanitikang Mediterranean
Pamantayan sa Pagganap: Nakabubuo ng kritikal na pagsusuri o critique tungkol sa alinmang akdang pampanitikang Mediterranean
Pangkalahatang Layunin ng Yunit 1
- Nakapaglalarawan, nakapaghahambing, at nakapagsusuri ng iba’t ibang anyo ng panitikan mula sa mga bansa sa Mediterranean
- Napahahalagahan ang iba’t ibang tradisyon, paniniwala, at kaugalian ng mga mamamayan sa mga bansa sa Mediterranean
- Nakapagsasaliksik ng mga bagong kaalaman kaugnay ng mga paksang tatalakayin sa klase
- Nagagamit ang iba’t ibang aralin sa gramatika sa mabisang pagsasalita at pagsulat
- Nakasusulat ng mahusay na critique
Panimula
Sa Yunit 1: Mga Aral Mula sa Panitikang Mediterranean, mababasa ang iba’t ibang akda mula sa mga bansa sa baybayin ng Mediterranean. Ang pag-aaral sa mga ito ay makatutulong sa pag-unawa at pagpapahalaga ng mga estudyante sa mga akdang pampanitikan ng rehiyon, gayundin sa mga tradisyon, paniniwala, at kaugalian ng mga tao rito.
Sa pamamagitan ng makukuhang kaalaman mula sa mga akda, at sa tulong ng mga kasanayang komunikatibo na matututuhan sa yunit na ito, makabubuo ang mga estudyante ng pagsusuri sa alinmang akdang pampanitikan na Mediterraean. Ito ay kanilang ipahahayag sa pamamagitan ng simposyum na magiging daan naman sa kritikal na pagsusuri sa mga critique na nabuo tungkol sa akdang pampanitikan na Mediterranean.
Sa pamamagitan ng makukuhang kaalaman mula sa mga akda, at sa tulong ng mga kasanayang komunikatibo na matututuhan sa yunit na ito, makabubuo ang mga estudyante ng pagsusuri sa alinmang akdang pampanitikan na Mediterraean. Ito ay kanilang ipahahayag sa pamamagitan ng simposyum na magiging daan naman sa kritikal na pagsusuri sa mga critique na nabuo tungkol sa akdang pampanitikan na Mediterranean.
Mahahalagang Tanong Para sa Yunit 1
- Paano makatutulong ang pag-aaral ng mga akdang pampanitikan na Mediterranean sa pagkakaroon ng pagpapahalaga sa panitikan?
- Paano makatutulong ang pagkakaroon ng mga kasanayang komunikatibo—tulad ng wastong pagpapahayag ng sariling pananaw, pagpapatunay, at pangangatwiran—sa pagsusuri ng isang akdang pampanitikan at sa paglahok sa isang simposyum?
Layunin Para sa Panimulang Pagtataya
- Natutukoy ang dating kaalaman at kasanayan sa pamamagitan ng panimulang pagtataya
- Naiisa-isa ang mga kaalaman at kasanayan na dapat na palalimin at palawakin
Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
- Sabihin sa mga estudyante na may sasagutan silang pagtataya sa pagsisimula ng pag-aaral ng yunit.
- Ipaliwanag sa kanila na layunin ng pagtatayang ito na malaman ang kanilang dating kaalaman at kasanayan, gayundin ang mga konseptong hindi pa nila alam. Ipaalam din sa kanila na ang iskor na makukuha dito ay magsisilbi lamang gabay ng guro at hindi isasama sa pagmamarka.
Pagsusuri at Pagtalakay
- Pasagutan sa mga estudyante ang Panimulang Pagtataya para sa Yunit sa mga pahina 3 hanggang 6 ng batayang aklat.
- Pagkatapos, sabihin sa mga estudyante na magpalitan ng aklat upang iwasto ang kanilang mga sagot.
- Mas mabuti kung malalaman ang bilang ng mga estudyante na nakakuha ng tamang sagot sa bawat aytem. Sa ganitong paraan, mas mabibigyan ng pansin at pagsasanay ang mga konsepto na hindi nila lubos na nauunawaan at ang mga konseptong hindi pa nila alam.
Pagbubuod
- Itanong sa mga estudyante ang kanilang natuklasan sa kanilang sarili, kaugnay ng kanilang kaalaman at kasanayan, matapos masagutan ang pagtataya.
- Tumawag ng ilang estudyante upang magbahagi ng sagot.
Takdang-aralin
- Ipabasa ang mitong "Haring Midas" sa mga pahina 8 hanggang 11 ng batayang-aklat.
- Atasan ang mga estudyante na magsaliksik tungkol sa mito bilang isang akdang pampanitikan. Sabihin sa kanila na maghanda para sa malayang talakayan tungkol dito.