Aralin 9
Ang Halaga ng Sangkatauhan
Paksang Aralin
Panitikan: "Talumpati sa Pagtanggap ng Nobel Prize para sa Literatura 2002" (Talumpati mula sa Hungary)
Gramatika: Pagpapalawak ng Pangungusap
Gramatika: Pagpapalawak ng Pangungusap
Layunin
- Nasusuri ang kaisahan ng ideya sa pagpapalawak ng pangungusap
- Nakasusulat ng isang talumpati tungkol sa isang kontrobersiyal na isyu
- Naipahahayag nang may katalinuhan ang sariling kaalaman at opinyon tungkol sa paksa ng isang talumpati
- Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang di lantad ang kahulugan sa tulong ng word association
- Naibibigay ang sariling pananaw o opinyon batay sa binasang anyo ng talumpati
Kagamitan
- batayang aklat na Bulwagan 10 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 135–149
- larawan ng mga refugees
Bilang ng Sesyon: 2 (isang oras sa bawat sesyon)
Mahahalagang Tanong
- Paano maipakikita ang pagpapahalaga sa sangkatuhan?
- Paano nakatutulong ang kasanayan ng pagpapalawak ng pangungusap sa mabisang pagpapahayag?
Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
Itsek ang takdang-aralin. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan sa takdang-aralin.
Pagpapayaman ng Talasalitaan
Ipagawa ang gawain sa Talasik sa mga pahina 138 at 139 ng batayang aklat. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi ang kanilang mga kasagutan.
Pagsusuri at Pagtalakay
- Ipasuri sa mga estudyante ang mga larawan sa panimulang gawain sa Pagsusuring Pampanitikan sa pahina 136 ng batayang aklat. Ipasagot ang mga katanungan na kasunod nito. Magkaroon ng talakayan tungkol sa kasagutan ng mga estudyante.
- Ipabasa ang “Talumpati sa Pagtanggap ng Nobel Prize para sa Literatura 2002" sa mga pahina 137 at 138. Magbigay ng sapat na oras para sa pagbabasa nang tahimik. Maaari ding ipabasa nang malakas at may damdamin ang talumpati sa harap ng klase.
- Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang teksto. Gawing gabay ang mga katanungan sa Muling Pag-isipan sa mga pahina 139 at 140. Idagdag ang sumusunod na mga katanungan:
a. Paano ipinakita sa talumpati ang pagpapahalaga sa sangkatuhan?
b. Ano ang kahalagahan ng talumpati sa paglalatag ng mga isyung panlipunan? - Ipabasa at talakayin ang nakasaad sa Tandaan sa mga pahina 137 at 138.
- Ipasulat sa pisara sa mga estudyante ang mahahalagang konsepto mula sa tekstong binasa. Hayaan silang ipaliwanag ang kanilang sinulat na mga konsepto. Lagumin ang mga konseptong nabuo ng mga estudyante.
- Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa binasang teksto tulad ng:
a. Mahalagang pangalagaan ang sangkatauhan dahil ito ang pangunahing nagbibigay-buhay sa bawat nilalang dito sa daigdig, at kung hindi ito pangangalagaan, darating ang panahon na wala nang buhay na mananatili dito sa sangkatauhan.
b. Mahalaga ang talumpati bilang daan sa paglalatag ng mga isyung panlipunan sa aktuwal na kalagayan at konteksto nito. Hindi dapat matakot sa paglalatag ng katotohanan ng isang sitwasyon o pangyayari.
Pagsasanay
Ipagawa ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa mga pahina 140 hanggang 143.
Paglalahat
Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung anong mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.
Takdang-aralin
- Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang tungkol sa pagpapalawak ng pangungusap; ipabasa ang nakasaad sa mga pahina 144 hanggang 147 ng batayang aklat.
- Ipasagot ang tanong: Paano nakatutulong ang kasanayan sa pagpapalawak ng pangungusap sa mabisang pagpapahayag?
Integrasyon sa Gramatika
Pagbabalik-aral at Pagganyak
- Itsek ang takdang-aralin. Pumili ng tatlo o apat na estudyante upang talakayin ang kanilang kasagutan.
- Tumawag ng ilang estudyante upang ibahagi sa klase ang kanilang natutuhan sa nakaraang paksa.
Pagsusuri at Pagtalakay
- Ipabasa ang talata sa Alamin Natin sa pahina 144 ng batayang aklat. Ipasagot ang mga tanong na kasunod nito.
- Talakayin ang nakasaad sa Talakayin Natin sa mga pahina 144 hanggang 147 tungkol sa pagpapalawak ng pangungusap. Pag-usapan sa klase ang kahalagahan at wastong paggamit nito.
- Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa talakayan tulad ng:
a. Ang pangungusap ay maaaring mapalawak sa pamamagitan ng pagdaragdag dito ng maliliit na bahagi o iba pang salita.
b. Maaaring mapalawak ang pangungusap sa pamamagitan ng paggamit ng paningit o ingklitik, mga panuring, at kaganapan ng pandiwa. - Tumawag ng mga estudyante upang magbigay ng sariling halimbawa ng mga pinalawak na pangungusap.
Pagsasanay at Paglalahat
- Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa mga pahina 147 at 148 ng batayang aklat.
- Ipabahagi sa klase ang kasagutan ng mga estudyante at iproseso ang mga ito.
Pagbubuod
- Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa pahina 149 ng batayang aklat.
- Lagumin ang mga kasagutan ng mga estudyante ayon sa layunin ng buong aralin.
Takdang-aralin
- Ipabasa ang mitong Ang Daigdig ng mga Nordiko sa mga pahina 151 at 152 ng batayang aklat.
- Ipasagot ang tanong: Paano naiiba ang mitolohiya ng mga Eskandinaba sa iba pang akdang pampanitikan?
- Sabihin sa mga estudyante na magdala ng isang kuwento tungkol sa kababalaghan at humandang ibahagi ito sa klase.
Karagdagang Pagsasanay
Magbasa ng isang talumpati na tumatalakay sa kasalukuyang isyung panlipunan. Suriin ito ayon sa sumusunod na gabay.
Pamagat ng Talumpati:_________________________________________________________________
May-akda ng Talumpati: _______________________________________________________________
Pinaglalaanan ng Talumpati : __________________________________________________________
Isyung Tinalakay sa Talumpati: ________________________________________________________
Personal na Reaksiyon sa Talumpati:
a. _____________________________________________________________________________________
b. _____________________________________________________________________________________
c. _____________________________________________________________________________________
May-akda ng Talumpati: _______________________________________________________________
Pinaglalaanan ng Talumpati : __________________________________________________________
Isyung Tinalakay sa Talumpati: ________________________________________________________
Personal na Reaksiyon sa Talumpati:
a. _____________________________________________________________________________________
b. _____________________________________________________________________________________
c. _____________________________________________________________________________________