Aralin 8
Kahulugan ng Pag-ibig
Paksang Aralin
Panitikan: "Ang Aking Pag-ibig" ("How Do I Love Thee?" Sonnet XLIII, isang tula mula sa Inglatera )
Gramatika: Paggamit ng Tayutay sa Pagsulat ng Tula
Gramatika: Paggamit ng Tayutay sa Pagsulat ng Tula
Layunin
- Nakagagamit ng matatalinghagang pananalita sa pagsulat ng tula
- Nakasusulat ng sariling tula na may hawig sa paksa ng tulang tinalakay
- Nagagamit ang kasanayan at kakayahan sa malinaw at mabisang pagbigkas ng tula
- Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang pananalita na ginamit sa tula
- Nasusuri ang mga elemento ng tula
Kagamitan
- batayang aklat na Bulwagan 10 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 125–134
Bilang ng Sesyon: 2 (isang oras sa bawat sesyon)
Mahahalagang Tanong
- Ano-anong kultura ng bansang kanluranin ang masasalamin sa tula?
- Ano ang kahalagahan ng paggamit ng matatalinghagang pananalita sa pagbuo ng tula?
Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
Itsek ang takdang-aralin. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan sa takdang-aralin.
Pagpapayaman ng Talasalitaan
Ipagawa ang gawain sa Talasik sa pahina 128 ng batayang aklat. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi ang kanilang mga kasagutan.
Pagsusuri at Pagtalakay
- Ipagawa ang panimulang gawain sa Pagsusuring Pampanitikan sa pahina 126 ng batayang aklat. Ipasagot din ang mga katanungan na kasunod ng gawain. Magkaroon ng talakayan tungkol sa kasagutan ng mga estudyante.
- Ipabasa ang tulang “Ang Aking Pag-Ibig" sa mga pahina 126 at 127. Maaari itong ipabasa nang malakas at may damdamin sa harap ng klase.
- Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang teksto. Gawing gabay sa talakayan ang mga katanungan sa Muling Pag-isipan sa pahina 128. Idagdag ang sumusunod na mga katanungan:
a. Ano-anong kultura ng bansang kanluranin ang masasalamin sa tula?
b. Bakit mahalaga ang akdang pampanitikan tulad ng tula sa pag-unawa sa kultura ng mga bansa sa kanluranin? - Ipabasa at talakayin ang nakasaad sa Tandaan sa pahina 127.
- Ipasulat sa pisara sa mga estudyante ang mahahalagang konsepto mula sa tekstong binasa. Hayaan silang ipaliwanag ang kanilang sinulat na mga konsepto. Lagumin ang mga konseptong nabuo ng mga estudyante.
- Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa binasang teksto tulad ng:
a. Makikita sa binasang tula ang kultura ng mga bansang kanluranin tulad ng pagmamahal sa kapuwa at pananampalataya sa Diyos, gayundin ang kanilang mga tradisyon at gawi.
b. Ang akdang pampanitikan tulad ng tula ay naglalarawan ng damdamin, saloobin, at pananaw ng iba't ibang lahi tulad ng mga bansa sa kanluranin. Ang paglalarawang ito ay makatutulong upang unawain ang kanilang kultura. Dagdag pa rito, ang pagbabasa ng mga akdang tulad ng tula ay makatutulong upang mapalaganap ang kanilang kultura.
Pagsasanay
Ipagawa sa mga estudyante ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa pahina 129 ng batayang aklat.
Paglalahat
Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung anong mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.
Takdang-aralin
- Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang tungkol sa paggamit ng tayutay; ipabasa ang nakasaad sa mga pahina 131 at 132 ng batayang aklat.
- Ipasagot ang tanong: Ano ang kahalagahan ng paggamit ng matatalinghagang pananalita sa pagsulat ng tula?
Integrasyon sa Gramatika
Pagbabalik-aral at Pagganyak
- Itsek ang takdang-aralin. Pumili ng tatlo o apat na estudyante upang talakayin ang kanilang kasagutan.
- Tumawag ng ilang estudyante upang ibahagi sa klase ang kanilang natutuhan sa nakaraang paksa.
Pagsusuri at Pagtalakay
- Ipabasa ang tula sa Alamin Natin sa pahina 130 ng batayang aklat. Ipasagot ang mga tanong na kasunod nito.
- Pag-usapan sa klase ang nakasaad sa Talakayin Natin sa mga pahina 131 at 132 tungkol sa paggamit ng tayutay sa pagsulat ng tula.
- Ipaisa-isa ang mga uri ng tayutay at talakayin ang kahalagahan ng wastong paggamit nito.
- Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa talakayan tulad ng:
a. Ang pagtutulad, pagwawagis, personipikasyon, at pagmamalabis ay ilan sa mga uri ng tayutay na maaaring gamitin sa pagsulat ng tula.
b. Mahalaga ang paggamit ng matatalinghagang pahayag sa pagbuo ng tula dahil ito ay nagbibigay-diin sa mga kaisipan at damdamin ng may-akda sa isang masining na pamamaraan. - Tumawag ng mga estudyante upang magbigay ng sariling halimbawa ng mga pahayag na ginamitan ng iba't ibang uri ng tayutay.
Pagsasanay at Paglalahat
Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa mga pahina 132 hanggang 134 ng batayang aklat. Ipabahagi sa klase ang kasagutan ng mga estudyante.
Pagbubuod
- Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa pahina 134 ng batayang aklat.
- Lagumin ang mga kasagutan ng mga estudyante ayon sa layunin ng buong aralin.
Takdang-aralin
- Ipabasa ang talumpati sa mga pahina 137 at 138 ng batayang aklat.
- Ipasagot ang tanong: Paano nakatutulong ang kasanayan ng pagpapalawak ng pangungusap sa mabisang pagpapahayag?
- Sabihin sa mga estudyante na magdala ng isang kuwento tungkol sa refugees at humandang ibahagi ito sa klase.
Karagdagang Pagsasanay
Magbigay ng halimbawa ng mga pangungusap na ginagamitan ng iba't ibang uri ng tayutay.