Aralin 7
Ang Mahika sa Kanluran
Paksang Aralin
Panitikan: "Ang Matanda at ang Dagat" (Bahagi ng "The Old Man and the Sea," isang nobela mula sa Estados Unidos)
Gramatika: Panunuring Pampanitikan
Gramatika: Panunuring Pampanitikan
Layunin
- Nakagagamit ng angkop at mabisang mga pahayag sa pagsasagawa ng suring-basa o panunuring pampanitikan
- Naitatanghal ang pinakamadulang bahagi ng nobela
- Nabibigyang-kahulugan ang mahihirap na salita na ginamit sa panunuring pampanitikan
- Nasusuri ang nobela bilang akdang pampanitikan sa pananaw-realismo
- Naisasalaysay ang mga tunggalian sa pagitan ng mga tauhan batay sa kanilang pananalita
Kagamitan
- batayang aklat na Bulwagan 10 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 111–124
- larawan ng mangingisda o ng seaman
Bilang ng Sesyon: 2 (isang oras sa bawat sesyon)
Mahahalagang Tanong
- Ano ang kaibahan ng nobela sa iba pang akdang pampanitikan batay sa elementong taglay nito?
- Ano-ano ang mga salik na dapat isaalang-alang sa isang suring-basa o panunuring pampanitikan?
Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
- Itsek ang takdang-aralin. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan sa takdang-aralin.
- Magkaroon ng maikling talakayan tungkol sa nobela bilang isang akdang pampanitikan.
Pagpapayaman ng Talasalitaan
Ipagawa ang gawain sa Talasik sa mga pahina 118 at 119 ng batayang aklat. Tumawag ng ilang estudyante upang ibahagi sa klase ang kanilang mga kasagutan.
Pagsusuri at Pagtalakay
- Ipagawa ang panimulang gawain sa Pagsusuring Pampanitikan sa pahina 112 ng batayang aklat. Ipasagot din ang mga katanungan na kasunod nito. Magkaroon ng talakayan tungkol sa kasagutan ng mga estudyante.
- Ipabasa ang tekstong “Ang Matanda at ang Dagat” (bahagi ng nobelang "The Old Man and the Sea") sa mga pahina 112 hanggang 118. Magbigay ng sapat na oras para sa pagbabasa nang tahimik.
- Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang teksto. Gawing gabay sa talakayan ang mga katanungan sa Muling Pag-isipan sa pahina 119. Idagdag ang sumusunod na mga katanungan:
a. Bakit mahalaga ang tunggalian sa isang akdang pampanitikan?
b. Ano ang kaibahan ng nobela sa iba pang akdang pampanitikan batay sa elementong taglay nito? - Ipabasa at talakayin ang nakasaad sa Tandaan sa pahina 113.
- Ipasulat sa pisara sa mga estudyante ang mahahalagang konsepto mula sa tekstong binasa. Hayaan silang ipaliwanag ang kanilang sinulat na mga konsepto. Lagumin ang mga konseptong nabuo ng mga estudyante.
- Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa binasang teksto tulad ng:
a. Mahalaga ang tunggalian sa isang akdang pampanitikan tulad ng nobela dahil ito ang nagbibigay-linaw sa akda at dito rin makikita ang suliranin na nais ipabatid ng may-akda. Ipinakikita rin dito ang puwersang dapat harapin ng tauhan sa akda.
b. Ang nobela ay nahahati sa kabanata, samantala ang ibang akdang pampanitikan ay tuluyang sanaysay. Ang nobela rin ang madalas na ginagawang pelikula kung ihahambing sa iba pang akdang pampanitikan.
Pagsasanay
Ipagawa sa mga estudyante ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa pahina 120 ng batayang aklat.
Paglalahat
Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung anong mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.
Takdang-aralin
- Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang tungkol sa panunuring pampanitikan; ipabasa ang nakasaad sa mga pahina 121 at 122 ng batayang aklat.
- Ipasagot ang tanong: Ano-ano ang angkop at mabisang pahayag na magagamit sa suring-basa o panunuring pampanitikan?
Integrasyon sa Gramatika
Pagbabalik-aral at Pagganyak
- Itsek ang takdang-aralin. Pumili ng tatlo o apat na estudyante upang talakayin ang kanilang kasagutan.
- Tumawag ng ilang estudyante upang ibahagi sa klase ang kanilang natutuhan sa nakaraang paksa.
Pagsusuri at Pagtalakay
- Ipabasa ang tula sa Alamin Natin sa mga pahina 120 at 121 ng batayang aklat. Ipasagot ang mga tanong na kasunod nito.
- Talakayin ang tungkol sa panunuring pampanitikan ayon sa nakasaad sa Talakayin Natin sa mga pahina 121 at 122.
- Ipaisa-isa ang kahalagahan ng panunuring pampanitikan at pag-usapan kung bakit mahalagang gamitin ito nang wasto.
- Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa talakayan tulad ng:
a. Ang pag-alam sa mga elemento o salik sa pagsusuri ng isang suring-basa o panunuring pampanitikan ay nakatutulong upang matiyak na maipaliliwanag nang mabuti ang mensaheng nais ipabot ng akda at mabibigyan ng kahulugan ang mga ideya nito.
b. May iba’t ibang salik na dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng isang akdang pampanitikan. Ilan rito ng pagkilala sa awtor, genre, layunin, at paksang-diwa ng akda.
Pagsasanay at Paglalahat
Ipagawa sa mga estudyante ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa pahina 123 ng batayang aklat. Ipabahagi sa klase ang kanilang mga kasagutan.
Pagbubuod
- Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa pahina 124 ng batayang aklat.
- Lagumin ang mga kasagutan ng mga estudyante ayon sa layunin ng buong aralin.
Takdang-aralin
- Ipabasa ang tulang "Ang Aking Pag-ibig" sa mga pahina 126 at 127 ng batayang aklat.
- Ipasagot ang tanong: Ano-anong kultura ng bansang kanluranin ang masasalamin sa tula?
- Sabihin sa mga estudyante na magdala ng isang kuwento tungkol sa pag-ibig at humandang ibahagi ito sa klase.
Karagdagang Pagsasanay
Magbigay ng mga isla ng Pilipinas na inaangkin ng Tsina. Alamin ang katangian ng mga islang ito. Isulat ito sa loob ng mga kahon.