Aralin 11
Ang Kaakibat sa Pagkatuto
Paksang Aralin
Panitikan: "Ang Kuwento ng Suwail na Bata" (Hango sa "The Story of the Bad Little Boy," isang maikling kuwento mula sa Estados Unidos
Gramatika: Pokus ng Pandiwa: Sanhi at Direksiyon
Gramatika: Pokus ng Pandiwa: Sanhi at Direksiyon
Layunin
- Nagagamit nang wasto ang pokus ng pandiwa-direksiyon at sanhi-sa pagsulat ng sariling kuwento
- Nakasusulat ng sariling kuwento tungkol sa nangyayari sa kasalukuyan
- Naibabahagi ang sariling damdamin at saloobin kaugnay ng binasang kuwento
- Naisasalaysay nang masining at may damdamin ang isinulat na maikling kuwento
- Naitatala ang mga salitang magkakatulad at may magkakaugnay na kahulugan
- Nabibigyang-reaksiyon ang pagiging makatotohanan o di makatotohanan ng mga pangyayari sa maikling kuwento
Kagamitan
- batayang aklat na Bulwagan 10 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 161-170
- larawan ng isang pamilya
Bilang ng Sesyon: 4 (isang oras sa bawat sesyon)
Mahahalagang Tanong
- Bakit mahalagang pag-aralan ang maikling kuwento ng Kanluran bilang akdang pampanitikan?
- Paano nakatutulong ang paggamit ng mga pandiwa na ang pokus ay sa direksiyon at sanhi sa pagsulat ng sariling kuwento?
Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
Itsek ang takdang-aralin. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan sa takdang-aralin.
Pagpapayaman ng Talasalitaan
Ipagawa ang gawain sa Talasik sa pahina 165 ng batayang aklat. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi ang kanilang mga kasagutan.
Pagsusuri at Pagtalakay
- Ipagawa ang panimulang gawain sa Pagsusuring Pampanitikan sa pahina 162 ng batayang aklat. Ipasagot ang mga katanungan na kasunod nito. Magkaroon ng talakayan tungkol sa kasagutan ng mga estudyante.
- Ipabasa ang “Ang Kuwento ng Suwail na Bata" sa mga pahina 162 hanggang 164. Magbigay ng sapat na oras para sa pagbabasa nang tahimik.
- Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang teksto. Gawing gabay sa talakayan ang mga katanungan sa Muling Pag-isipan sa mga pahina 165 at 166. Idagdag ang sumusunod na mga katanungan:
a. Bakit mahalagang pag-aralan ang maikling kuwento ng Kanluran bilang akdang pampanitikan?
b. Paano makatutulong ang maikling kuwento sa pag-unawa sa kultura ng mga taga-Kanluran? - Ipabasa at talakayin ang nakasaad sa Tandaan sa pahina 163.
- Ipasulat sa pisara sa mga estudyante ang mahahalagang konsepto mula sa tekstong binasa. Hayaan silang ipaliwanag ang kanilang sinulat na mga konsepto. Lagumin ang mga konseptong nabuo ng mga estudyante.
- Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa binasang teksto tulad ng:
a. Mahalagang pag-aralan ang maikling kuwento ng Kanluran dahil ito ay nagbibigay ng mga impormasyon at paglalarawan sa kanilang pang-araw-araw na buhay na makatutulong upang unawain ang mga mamamayan dito.
b. Nakatutulong ang mga akdang pampanitikan tulad ng maikling kuwento sa pag-unawa sa kultura ng mga taga-Kanluran sa pamamagitan ng kanilang akda sa dahilan na ito ay nagiging daluyan ng paglalarawan ng kanilang mga tradisyon, gawi, at kultura sa kabuuan.
Pagsasanay
Ipagawa sa mga estudyante ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa pahina 166 ng batayang aklat.
Paglalahat
Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung anong mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.
Takdang-aralin
- Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang pokus ng pandiwa: sanhi at direksiyon; ipabasa ang nakasaad sa mga pahina 167 at 168 ng batayang aklat.
- Ipasagot ang tanong: Paano nakatutulong ang paggamit ng mga pandiwa na ang pokus ay sa direksiyon at sanhi sa pagsulat ng sariling kuwento?
Integrasyon sa Gramatika
Pagbabalik-aral at Pagganyak
Itsek ang takdang-aralin. Pumili ng tatlo o apat na estudyante upang talakayin ang kanilang kasagutan.
Pagsusuri at Pagtalakay
- Ipabasa ang talatang "Hibla ng Kinabukasan" sa Alamin Natin sa pahina 167 ng batayang aklat. Ipasagot ang mga tanong na kasunod ng talata.
- Talakayin ang pokus ng pandiwa: sanhi at direksiyon ayon sa nakasaad sa Talakayin Natin sa mga pahina 167 at 168 ng batayang aklat.
- Ipaisa-isa ang kahalagahan ng pokus ng pandiwa sa sanhi at direksiyon at kung bakit mahalagang gamitin ito nang wasto.
- Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa talakayan tulad ng:
a. Ang kaalaman sa pokus ng pandiwa ay nakatutulong sa maayos na pagpapahayag ng pangungusap sa paggawa ng sariling maikling kuwento.
b. Ang pandiwa ay nakapokus sa sanhi kung ang paksa o simuno ng pangungusap ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi ng kilos.
c. Ang pandiwa ay nakapokus sa direksiyon kung ang paksa ay nagsasaad ng direksiyon ng kilos ng pandiwa. - Tumawag ng mga estudyante upang magbigay ng sariling halimbawa ng mga pangungusap na ginagamitan ng alinman sa mga pokus ng pandiwa na tinalakay.
Pagsasanay at Paglalahat
Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa pahina 169 ng batayang aklat. Ipabahagi sa klase ang kasagutan ng mga estudyante.
Pagbubuod
- Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa pahina 170 ng batayang aklat.
- Lagumin ang mga kasagutan ng mga estudyante ayon sa layunin ng buong aralin.
Takdang-aralin
- Ipabasa ang dulang "Sintahang Romeo at Juliet" sa mga pahina 172 hanggang 181 ng batayang aklat.
- Ipasagot ang tanong: Masasalamin ba ang kalagayang panlipunan at ang kasaysayan ng Inglatera sa kanilang mga dula?
- Sabihin sa mga estudyante na magdala ng isang kuwento tungkol sa tunay na pagmamahalan ng magkasintahan at humandang ibahagi ito sa klase.
Karagdagang Pagsasanay
Sumulat ng isang panata tungkol sa pagsasabi ng katotohanan sa loob at labas ng paaralan. Gamitin ang tinalakay na pokus ng pandiwa.
Ang Aking Panata
Ako, si ____________________________________________ ay nangangakong _________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________.
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________.