Aralin 10
Ang Daigdig ng Kababalaghan
Paksang Aralin
Panitikan: Ang Daigdig ng mga Nordiko (halaw mula sa Mito ng mga Eskandinaba)
Gramatika: Pokus ng Pandiwa: Tagaganap at Layon
Gramatika: Pokus ng Pandiwa: Tagaganap at Layon
Layunin
- Nagagamit nang wasto ang pokus ng pandiwa: tagaganap at layon
- Pasulat na naihahambing ang mitolohiya mula sa bansang kanluranin sa mitolohiyang Pilipino
- Naipapahayag ang mahahalagang kaisipan at pananw tungkol sa mitolohiya
- Naisasama ang salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang kahulugan
- Nasusuri ang nilalaman, element at kakanyahan ng binasang mitolohiya
Kagamitan
- batayang aklat na Bulwagan 10 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 150–160
- larawan ng mga anito
Bilang ng Sesyon: 4 (isang oras sa bawat sesyon)
Mahahalagang Tanong
- Paano naiiba ang mitolohiya ng mga Eskandinaba sa iba pang bansa sa kanluranin?
- Paano mabisang magagamit sa paghahambing ang mga pandiwa na ang pokus ay sa tagaganap o sa layon?
Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
Itsek ang takdang-aralin. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan sa takdang-aralin.
Pagpapayaman ng Talasalitaan
Ipasagot ang Talasik sa pahina 153 ng batayang aklat. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi ang kanilang mga kasagutan.
Pagsusuri at Pagtalakay
- Ipagawa ang panimulang gawain sa Pagsusuring Pampanitikan sa pahina 151 ng batayang aklat. Ipasagot ang katanungan na kasunod ng mga larawan. Magkaroon ng talakayan tungkol sa kasagutan ng mga estudyante.
- Ipabasa ang mitong Ang Daigdig ng mga Nordiko sa mga pahina 151 at 152. Magbigay ng sapat na oras para sa pagbabasa nang tahimik.
- Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang teksto. Gawing gabay sa talakayan ang mga katanungan sa Muling Pag-isipan sa pahina 154. Idagdag ang sumusunod na mga katanungan:
a. Paano naiiba ang mitolohiya ng mga Eskandinaba sa iba pang akdang pampanitikan?
b. Bakit mahalaga ang Edda sa mga taga-Europa? - Ipabasa at talakayin ang nakasaad sa Tandaan sa pahina 152.
- Ipasulat sa pisara sa mga estudyante ang mahahalagang konsepto mula sa tekstong binasa. Hayaan silang ipaliwanag ang kanilang sinulat na mga konsepto. Lagumin ang mga konseptong nabuo ng mga estudyante.
- Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa binasang teksto tulad ng:
a. Hindi masyadong nagkakaiba ang mitolohiya ng mga Eskandinaba sa iba pang bansa sa kanluranin. Ang kanilang mitolohiya ay naglalarawan ng pagbuo ng daigdig; naglalarawan din ito ng mga tauhan na may kakaibang kapangyarihan. Maliban na lamang na ang matandang panitikan ng mga Eskandinaba ay may pangalan at tinatawag na Edda.
b. Mahalaga ang Edda sa mga Eskandinaba dahil dito nakatala ang kanilang panitikan na naglalarawan ng kanilang kultura.
Pagsasanay
Ipagawa sa mga estudyante ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa mga pahina 154 hanggang 156 ng batayang aklat.
Paglalahat
Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung anong mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.
Takdang-aralin
- Pag-aralan ang pokus ng pandiwa, ipabasa ang nakasaad sa mga pahina 157 at 158 ng batayang aklat.
- Ipasagot ang tanong: Paano mabisang nagagamit sa paghahambing ang mga pandiwa na ang pokus ay sa tagaganap o sa layon?
Integrasyon sa Gramatika
Pagbabalik-aral at Pagganyak
Itsek ang takdang-aralin. Pumili ng ilang estudyante upang talakayin ang kanilang kasagutan.
Pagsusuri at Pagtalakay
- Ipabasa ang talatang "Bahagi ng Kaligiring Pangkasaysayan ng Alamat" sa Alamin Natin sa mga pahina 156 at 157 ng batayang aklat. Ipasagot ang mga tanong na kasunod nito.
- Talakayin ang pokus ng pandiwa: tagaganap at layon, ayon sa nakasaad sa Talakayin Natin sa mga pahina 157 at 158 ng batayang aklat.
- Ipaisa-isa ang kahalagahan ng pokus ng pandiwa at kung bakit mahalagang gamitin ito nang wasto.
- Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa talakayan tulad ng:
a. Nagkakaroon ng iba’t ibang pokus ang pandiwa ayon sa kaugnayan ng pandiwa sa posisyong pampaksa o pansimuno ng pangungusap.
b. Ang pandiwa ay nasa pokus sa tagaganap kapag nasa simuno o paksa ng pangungusap ang gumaganap sa kilos.
c. Ang pandiwa ay nasa pokus sa layon kung ang layon ang paksa o binibigyang-diin sa pangungusap. - Tumawag ng mga estudyante upang magbigay ng sariling halimbawa ng mga pangungusap na ginagamitan ng alinman sa dalawang pokus ng pandiwa na tinalakay.
Pagsasanay at Paglalahat
Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa mga pahina 158 at 159 ng batayang aklat. Ipabahagi sa klase ang kasagutan ng mga estudyante.
Pagbubuod
- Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa mga pahina 159 at 160 ng batayang aklat.
- Lagumin ang mga kasagutan ng mga estudyante ayon sa layunin ng buong aralin.
Takdang-aralin
- Ipabasa ang kuwentong "Ang Kuwento ng Suwail na Bata" sa mga pahina 162 hanggang 164 ng batayang aklat.
- Ipasagot ang tanong: Bakit mahalagang pag-aralan ang maikling kuwento ng Kanluran bilang akdang pampanitikan?
- Sabihin sa mga estudyante na magdala ng isang kuwento tungkol sa pagsisinungaling o pandaraya at humandang ibahagi ito sa klase.
Karagdagang Pagsasanay
Ibigay ang hinihingi ayon sa akdang binasa, “Ang Daigdig ng mga Nordiko.”
1. Ang pinagmulan ng daigdig - _______________________________________
2. Ang bilang ng daigdig ng mga Nors - ________________________________
3. Ang pumatay kay Ymir - ______________________________________________
4-5. Ang dalawang rehiyon ng Matandang Edda
a. _______________________________________________________________________
b. _______________________________________________________________________
6. Dito makikita ang tahanan ng mga diyos - __________________________
7-8. Ang paghahati ng Edda
a._______________________________________________________________________
b._______________________________________________________________________
9. Ito ang mundo ng mga patay - ________________________________________
10. Ang tawag sa matandang panitikan ng mga Nors - _________________
2. Ang bilang ng daigdig ng mga Nors - ________________________________
3. Ang pumatay kay Ymir - ______________________________________________
4-5. Ang dalawang rehiyon ng Matandang Edda
a. _______________________________________________________________________
b. _______________________________________________________________________
6. Dito makikita ang tahanan ng mga diyos - __________________________
7-8. Ang paghahati ng Edda
a._______________________________________________________________________
b._______________________________________________________________________
9. Ito ang mundo ng mga patay - ________________________________________
10. Ang tawag sa matandang panitikan ng mga Nors - _________________