Wikang Sarili 6
Yunit 3: Pambansang Kamalayan at Pakikilahok
Susi sa Pagwawasto
Susi sa Pagwawasto
Aralin 21 Di Mapigilang Pagbabago
PALAWAKIN
- kultura – paraan ng pamumuhay ng mga tao
hal. Ang Pilipinas ay mayaman sa iba’t ibang aspekto ng kultura na makikita sa ating mga katutubo. - dulot – bunga
hal. Kailangan ng mga katutubo ng tulong sa pagharap sa mga hamon na dulot ng makabagong panahon. - hinihimok – iniimbitahan
hal. Tayong lahat ay hinihimok na pangalagaan at protektahan ang kultura ng ating mga katutubo. - magkawatak-watak – magkahiwa-hiwalay
hal. Ilan sa mga programang industriyal ng gobyerno ay maaring maging dahilan upang magkawatak-watak ang mga katutubo. - akitin – anyayahan
hal. Maaaring akitin ang mga katutubo na yakapin ang panibagong buhay na hatid ng mga proyekto ng gobyerno at talikuran na ang kanilang kultura. - nakagisnan – nakasanayan
hal. Malayo ang nakagisnang buhay ng mga katutubo sa pagbabagong maaari nilang kaharapin. - pangkabuhayan – trabaho
hal. Maaaring gawing pangkabuhayan ng mga katutubo ang magiging proyekto ng gobyerno. - isinasaad – sinasabi
hal. Isinasaad sa Konstitusyon na dapat ingatan, pangalagaan, at protektahan ang kultura ng mga katutubo. - pagyamanin – paunlarin
hal. Ang maganda at makulay na kultura ng Pilipinas ay dapat na pagyamanin. - ligtas – salba
TALAKAYIN
- Ang Remontado Dumagat ang pangkat ng katutubong nabanggit sa lathalain.
- Ang mga katutubong ito ay matatagupuan sa bulubundukin ng Sierra Madre.
- Magkakaroon ng proyekto ang gobyerno na makakaapekto sa kanilang pamumuhay.
- Pinaplano ng gobyerno na magtayo ng isang dam at ng landfill.
- Maaari nilang ibigay ang trabaho ng pagbabantay sa mga katutubo para sa nasabing mga proyekto.
- Maaaring magdulot ng pagkakawatak-watak at pagkawala ng mga katutubo ang proyekto ng gobyerno.
- Ang ilan sa mga katutubo ay maaaring maghanap ng ibang lugar kung saan patuloy silang mamumuhay ayon sa kanilang nakagisnan at ang ilan ay mamaring yakapin ang buhay na malayo sa kanilang kinagisnan.
- Mahihirapan ang mga katutubo na iayon ang kanilang pamumuhay sa makabagong pamumuhay at mahihirapan silang magsimulang muli sa panibagong lugar na kanilang titirhan.
- Halimbawang sagot: Oo, sila ay isa sa mga yaman ng Pilipinas. Ang pagkaunti nila ay magdudulot ng pagkawala ng pagkakilanlan ng ating bansa.
- Halimbawang sagot: Kailangang igalang ang kanilang kultura at lalo na ang lugar na kanilang tinitirhan.
PALALIMIN
A at B. Magkakaiba-iba ang mga sagot na ibibigay ng mga mag-aaral.
KAYA MO ITO
A. Salungguhitan:
B. Mga halimbawang sagot:
1. Magkakaroon ng misa sa isang araw sa ating simbahan.
2. Kaarawan ng pinsan ni Niko noong Hulyo 1, 2016.
3. Kami ay nagpunta sa isang parke noong nakaraang linggo.
4. May gaganaping patimpalak sa barangay sa Lunes.
5. Ilan sa mga unibersidad ay mag-uumpisa ng klase sa Agosto.
- tuwing Pasko
- Bukas ng hapon
- noong nakaraang Linggo
- Halos araw-araw
- Noong Mahal na Araw
- kagabi
- sa darating na Lunes
- sa Nobyembre 17–20, 2015
- sa buwan ng Agosto
- kamakalawa ng gabi
B. Mga halimbawang sagot:
1. Magkakaroon ng misa sa isang araw sa ating simbahan.
2. Kaarawan ng pinsan ni Niko noong Hulyo 1, 2016.
3. Kami ay nagpunta sa isang parke noong nakaraang linggo.
4. May gaganaping patimpalak sa barangay sa Lunes.
5. Ilan sa mga unibersidad ay mag-uumpisa ng klase sa Agosto.
GAWIN MO
Magkakaiba-iba ang mga sagot ng mga mag-aaral.
MAGSANAY PA
Magkakaiba-iba ang mga sagot ng mga mag-aaral.
GAMITIN
Magkakaiba-iba ang mga sagot ng mga mag-aaral.