Aralin 1
Tunay na Yaman
Paksang Aralin
Panitikan: "Haring Midas" (Mito mula sa Gresya)
Gramatika: Aksiyon, Pangyayari, at Karanasan: Gamit ng Pandiwa

Layunin
- Nakapagsusuri ng isang mito
- Nakikiisa nang masigla sa mga gawain
- Nakasusulat ng sariling mitolohiya batay sa paksa ng akdang binasa
- Nakagagamit ng angkop na pandiwa bilang aksiyon, pangyayari, at karanasan
Kagamitan
- batayang aklat na Bulwagan 10 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 7–17
- larawan ng mga bundok sa bansa
Bilang ng Sesyon: 4 (isang oras sa bawat sesyon)
Mahahalagang Tanong
- Bakit mahalagang pag-aralan ang mitolohiya ng isang bansa?
- Paano ginagamit ang pandiwa sa paglalahad ng aksiyon, pangyayari, at karanasan?
Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
- Ipasuri sa mga estudyante ang mga larawan sa panimula ng Aralin 1 sa pahina 8 ng batayang aklat.
- Hingin ang komento ng mga estudyante tungkol sa mga larawan at isulat ito sa pisara.
- Ipasagot sa kanila sa pasalitang paraan ang dalawang tanong na kasunod ng mga larawan.
Pagpapayaman ng Talasalitaan
- Ipagawa sa mga estudyante ang gawain sa Talasik sa mga pahina 11 at 12. Dito'y tutukuyin nila ang kayarian ng salita, ibibigay ang kahulugan nito, at gagamitin ito sa pangungusap.
- Ipabahagi sa kanila ang kanilang mga sagot.
Pagsusuri at Pagtalakay
- Bilang paghahanda para sa pagbasa ng akda, ipabasa at talakayin ang nakasaad sa Tandaan sa pahina 9 tungkol sa mito.
- Ipabasa nang tahimik ang mitong "Haring Midas" sa mga pahina 8 hanggang 11 ng batayang aklat.
- Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang mito. Gawing gabay ang mga tanong sa Muling Pag-isipan sa pahina 12.
Pagsasanay
- Ipagawa ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa mga pahina 12 at 13. Iproseso ang mga gawain pagkatapos.
- Para sa pagsasanay A, basahin ang sumusunod na mito.
Rihawani
(Mito ng Kapampangan)
(Mito ng Kapampangan)
Sa isang kagubatang maraming bundok sa isang lugar ng Maruglu, isang liblib na pook, ang mga naninirahan doon ay may pinaniniwalaang isang diyosa o diwata ng mga puting usa. Ito ang kuwento ng kanilang mga ninuno na unang nanirahan doon.
Ang diyos daw na ito ay tinatawag na Rihawani. Kung minsan ay nagpapalit daw ito ng anyo bilang isa ring puting usa. Ang mga naninirahan sa liblib na pook na ito ay ingat na ingat at takot na takot na magawi o maglagalag sa kagubatan na pinananahanan ni Rihawani, kahit alam nilang dito sila maraming makukuhang mga bagay-bagay na maaari nilang magamit o mapagkitaan, mga prutas, mga hayop-gubat, mga halamang-gubat, at iba pa.
Sang-ayon sa kanila, may nakasumpong na kay Rihawani. Isa sa mga taong naninirahan din doon. Minsan daw, nang maligaw ito sa pangunguha ng mga kahoy at prutas ay napadako ito sa pook ni Rihawani. Nakita raw at nasumpungan nito ang diyosa. Kahit sa malayo ay kapansin-pansin ang angking kagandahan nito, habang nakikipag-usap sa ilang mga usang puti na nasa kaniyang paligid. Nang maglakad ang mga ito sa dakong patungo sa kinaroroonan ng tao ay mabilis na humangos itong tumalilis dahil sa takot na makita ni Rihawani, ang diyosa. Nang makarating ito sa bahay ay hindi magkumahog sa pagbabalita sa kaniyang nasaksihan. Mula noon ay lalo nang naging katatakutan ang kagubatang iyon.
Isang araw ay may mga dayuhan na dumating doon na ang pakay ay mangaso o mamaril ng hayop-gubat. Nagtanong-tanong daw ang mga ito kung saang gubat marami ang mga hayop o ibon na maaaring puntahan. Itinuro nila ang gubat ngunit isinalaysay rin ang kasaysayan nito na pinananahanan ni Rihawani. Itinagubilin ding huwag pagnasaang puntahan ang pook na iyon. Para sa ikasisiguro ng lakad ay ipinagsama ng mga ito ang isang tagagabay. At lumisan ang mga ito patungo sa gubat na pupuntahan. Pagdating sa paanan ng isang bundok ay napagkasunduan ng mga itong maghiwa-hiwalay at magkita-kita na lamang sa isang lugar sa dakong hapon.
Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, ang isa ay nagkainteres na dumako sa gubat na pinananahanan ni Rihawani. Hindi nito pinakinggan ang tagubilin ng nakatatanda sa lugar na iyon. Nang makasapit na ito sa dakong itaas ng bundok ay naglakad-lakad muna at nagsipat-sipat ng mababaril na hayop. Naisipan nito ang maputing usa na sinasabi ng matatanda. Nang mapadako ito sa gawing ilang, napansin niya ang isang pangkat ng mapuputing usa. Nang maramdaman ng mga hayop na may tao, nabulabog ang mga ito at nagtakbuhan papalayo. Hinabol nito ang isa at tinangkang barilin, ngunit walang natiyempuhan. Hanggang sa may makita ito sa dakong kadawagan ng gubat, agad inasinta at binaril. Tinamaan ang puting usa sa binti at hindi na nakatakbo. At nang lalapitan na ng mangangaso ang puting usa, may biglang sumulpot sa likuran na isang puting-puting usa na malayo sa hitsura ng nabaril. Lalo itong namangha nang ang usa ay mag-iba ng anyo at naging napakagandang babae. Sinumbatan nito ang mangangaso. Sa ginawang iyon ng dayuhan, umusal ng sumpa ang diwata at ang lalaki ay naging isang puting usa rin at napabilang na sa mga alagad ni Rihawani.
Nang dakong hapon na, hinanap ito ng mga kasamahan. Tinawag nang tinawag ang pangalan nito ngunit walang sumasagot. Napaghinuha na lamang ng lahat lalo na ng kasamang gabay na sinuway nito marahil ang tagubilin, tuloy nabilang sa sumpa ni Rihawani. Mula noon, bukod sa naging aral na sa mga nandoon ang pangyayaring iyon, ay pinangilagan na ng mga mangangaso ang dakong iyon ng kagubatan.
Sanggunian:
Panitikang Filipino: Pampanahong Elektroniko (Binagong Edisyon)
nina Jose A. Arrogante, Erlinda M. Dizon, Eriberta T. Maglagui, Edna Dela Cruz-Fregil
National Book Store, Mandaluyong City (2010)

Paglalahat
- Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung anong mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.
- Lagumin ang aralin batay sa sagot ng mga estudyante at ayon sa mga layuning pampanitikan ng aralin.
Takdang-aralin
- Ipabasa ang seleksiyon sa pahina 14 ng batayang aklat.
- Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang mga gamit ng pandiwa at maghanda para sa talakayan tungkol dito.
Integrasyon sa Gramatika
Pagbabalik-aral at Pagganyak
- Magpakita sa klase ng mga larawan ng mga bundok sa bansa. Tanungin sila kung anong mga kuwento ang narinig o nabasa na nila na maiuugnay sa mga bundok na nasa larawan.
- Tumawag ng ilang estudyante upang magbahagi ng sagot.
Pagsusuri at Pagtalakay
- Ipabasa nang tahimik ang seleksiyon sa Alamin Natin sa pahina 14. Pagkatapos, magkaroon ng pagpapalitan ng kuro-kuro gamit ang mga ibinigay na tanong sa batayang aklat.
- Talakayin ang iba’t ibang gamit ng pandiwa ayon sa nakasaad sa Talakayin Natin sa mga pahina 14 at 15. Ipaisa-isa sa mga estudyante ang mga panlaping maaaring gamitin sa pandiwa.
- Hayaan din silang magbigay ng sariling pangungusap gamit ang iba’t ibang pandiwa.
Pagsasanay at Paglalahat
- Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa mga pahina 16 at 17. Talakayin ang mga sagot sa pagsasanay A.
- Para sa pagsasanay B, pumili ng mga estudyante na magbabahagi ng kanilang isinulat na talata tungkol sa hindi malilimutang karanasan nang sila ay nasa elementarya pa lamang. Gamitin ang sumusunod na pamantayan sa pagmamarka.
Pagbubuod
- Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa pahina 17 ng batayang aklat.
- Tumawag ng mga estudyante upang ibahagi ang kanilang mga sagot. Tumawag ng iba pa upang lagumin ang mga natutuhan sa klase.
Takdang-aralin
- Ipabasa ang parabulang "Nakaiwas si Melchizedek sa Bitag" sa mga pahina 19 hanggang 21 ng batayang aklat.
- Ipasaliksik sa mga estudyante ang iba’t ibang karapatang pantao.
Karagdagang Pagsasanay
Manood ng balita. Itala ang mga pandiwang ginamit sa pagbabalita at tukuyin ang gamit ng pandiwa.
Gamitin ang sumusunod na talahanayan sa pagsagot.