Aralin 12
Ang Dula ng Buhay
Paksang Aralin
Panitikan: "Ang Sintahang Romeo at Juliet" (Dula mula sa Inglatera)
Gramatika: Pokus ng Pandiwa: Tagatanggap at Gamit
Gramatika: Pokus ng Pandiwa: Tagatanggap at Gamit
Layunin
- Nagagamit nang wasto ang pokus ng pandiwa-tagatanggap at gamit-sa pagsulat ng damdamin at saloobin tungkol sa sariling kultura kung ihahambing sa kultura ng ibang bansa
- Naisusulat nang wasto ang sariling damdamin at saloobin tungkol sa sariling kultura kung ihahambing sa ibang bansa
- Naibabahagi ang sariling damdamin at saloobin sa isang pangkatang talakayan
- Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita batay sa pinagmulan nito (etimolohiya)
- Naihahambing ang kultura ng bansang pinagmulan ng akda sa alinmang bansa sa daigdig
- Nailalahad ang kultura ng lugar na pinagmulan ng dula sa napakinggang usapan ng mga tauhan
Kagamitan
- batayang aklat na Bulwagan 10 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 171-186
- larawan ng magkasintahan
Bilang ng Sesyon: 2 (isang oras sa bawat sesyon)
Mahahalagang Tanong
- Masasalamin ba ng kalagayang panlipunan at kasaysayan ng Inglatera sa kanilang mga dula? Patunayan.
- Paano nagagamit nang wasto ang pokus ng pandiwa (pinaglalaanan at kagamitan) sa pasulat na pagpapahayag ng damdamin sa paghahambing ng sariling kultura at ng ibang bansa?
Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
Itsek ang takdang-aralin. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan sa takdang-aralin.
Pagpapayaman ng Talasalitaan
Ipagawa ang gawain sa Talasik sa pahina 181 ng batayang aklat. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi ang kanilang mga kasagutan.
Pagsusuri at Pagtalakay
- Ipagawa ang panimulang gawain sa Pagsusuring Pampanitikan sa pahina 172 ng batayang aklat. Ipasagot ang mga katanungan na kasunod nito. Magkaroon ng talakayan tungkol sa kasagutan ng mga estudyante.
- Ipabasa ang dulang “Ang Sintahang Romeo at Juliet” sa mga pahina 172 hanggang 181. Magbigay ng sapat na oras para sa pagbabasa nang tahimik.
- Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang teksto. Gawing gabay sa talakayan ang mga katanungan sa Muling Pag-isipan sa pahina 182. Idagdag ang sumusunod na mga katanungan:
a. Masasalamin ba ang kalagayang panlipunan at kasaysayan ng Inglatera sa kanilang mga dula?
b. Bakit mahalagang pag-aralan ang akdang pampanitikan tulad ng dula ng ibang bansa gaya ng Inglatera? - Ipabasa at talakayin ang nakasaad sa Tandaan sa mga pahina 172 at 173.
- Ipasulat sa pisara sa mga estudyante ang mahahalagang konsepto mula sa tekstong binasa. Hayaan silang ipaliwanag ang kanilang sinulat na mga konsepto. Lagumin ang mga konseptong nabuo ng mga estudyante.
- Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa binasang teksto tulad ng:
a. Masasalamin sa mga akdang pampanitikan tulad ng dula ang kalagayan at kasaysayan ng isang bansa tulad ng Inglatera. Inilalarawan dito ang mga tiyak na gawi, kilos, at pananaw ng mga mamamayan sa isang tiyak na panahon sa pamamagitan ng mga tauhan na nagsisiganap sa isang dula.
b. Mahalagang pag-aralan ang mga akdang pampanitikan ng ibang bansa tulad ng bansang Inglatera dahil ang mga akdang pampanitikan na ito ay naglalarawan at tumatalakay sa aktuwal na kalagayan at kaganapan ng mga mamamayan sa isang partikular na lugar at panahon na makatutulong upang unawain ang isang bansa.
Pagsasanay at Paglalahat
Ipagawa sa mga estudyante ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa mga pahina 182 at 183 ng batayang aklat.
Paglalahat
Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung anong mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.
Takdang-aralin
- Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang pokus ng pandiwa: tagatanggap at gamit; ipabasa ang nakasaad sa pahina 184 ng batayang aklat.
- Ipasagot ang tanong: Paano nagagamit nang wasto ang pokus ng pandiwa (pinaglalaanan at kagamitan) sa pasulat na pagpapahayag ng damdamin sa paghahambing ng sariling kultura ng ibang bansa?
Integrasyon sa Gramatika
Pagbabalik-aral at Pagganyak
Itsek ang takdang-aralin. Pumili ng tatlo o apat na estudyante upang talakayin ang kanilang kasagutan.
Pagsusuri at Pagtalakay
- Ipabasa ang ilang berso mula sa Bibliya sa Alamin Natin sa pahina 183 ng batayang aklat. Ipasagot ang mga tanong na kasunod nito.
- Talakayin ang pokus ng pandiwa: tagatanggap at gamit ayon sa nakasaad sa Talakayin Natin sa pahina 184 ng batayang aklat.
- Ipaisa-isa ang kahalagahan ng pokus ng pandiwa na tagatanggap at gamit at kung bakit mahalagang gamitin ito nang wasto.
- Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa talakayan tulad ng:
a. Ang kaalaman sa pokus ng pandiwa ay nakatutulong sa maayos na pagpapahayag ng sariling damdamin sa paghahambing ng sariling kultura at ng ibang bansa.
b. Ang pandiwa ay nakapokus sa pinaglalaanan kung ang pinaglalaanan ng kilos ay ang paksa o simuno ng pangungusap.
c. Ang pandiwa ay nakapokus sa gamit kung ang gamit ay nagsasaad ng kasangkapan o bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa. - Tumawag ng mga estudyante upang magbigay ng sariling halimbawa ng mga pangungusap na ginagamitan ng alinman sa mga pokus ng pandiwa na tinalakay.
Pagsasanay at Paglalahat
Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa mga pahina 184 at 185 ng batayang aklat. Ipabahagi sa klase ang kasagutan ng mga estudyante.
Pagbubuod
- Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa pahina 186 ng batayang aklat.
- Lagumin ang mga kasagutan ng mga estudyante ayon sa layunin ng buong aralin.
Takdang-aralin
Ipabasa ang Panapos na Gawain sa mga pahina 187 hanggang 194 ng batayang aklat.
Karagdagang Pagsasanay
Tukuyin kung sino o ano ang inilalarawan sa bawat bilang.
1. Ang manunulat sa Inglatera na sumulat ng "Romeo at Juliet" (William Shakespeare)
2. Ang pokus ng pandiwa na gumagamit ng panlaping i (tagatanggap)
3. Ang berso sa Biblia na naglalarawan ng tunay na pagmamahal sa kapuwa (1 Corinto 13:4-7)
4-6. Ang iba’t ibang uri ng tunggalian (tauhan laban sa sarili, tauhan laban sa kalikasan, tauhan laban sa panahon)
7. Inilalarawan dito ang pag-uugali at ang papel na ginagampanan ng bawat tauhan (eksena)
8. Isang uri ng akdang pampanitikan na nahahati sa yugto (dula)
9. Ang tawag sa pagsasalita nang mag-isa ng mga tauhan (soliloquy)
10. Ang tawag kapag ang isang tauhan ay nagdidiyalogo sa harap ng manonood na tila ayaw iparinig sa iba pang tauhan ang sinasabi (aside)
2. Ang pokus ng pandiwa na gumagamit ng panlaping i (tagatanggap)
3. Ang berso sa Biblia na naglalarawan ng tunay na pagmamahal sa kapuwa (1 Corinto 13:4-7)
4-6. Ang iba’t ibang uri ng tunggalian (tauhan laban sa sarili, tauhan laban sa kalikasan, tauhan laban sa panahon)
7. Inilalarawan dito ang pag-uugali at ang papel na ginagampanan ng bawat tauhan (eksena)
8. Isang uri ng akdang pampanitikan na nahahati sa yugto (dula)
9. Ang tawag sa pagsasalita nang mag-isa ng mga tauhan (soliloquy)
10. Ang tawag kapag ang isang tauhan ay nagdidiyalogo sa harap ng manonood na tila ayaw iparinig sa iba pang tauhan ang sinasabi (aside)